034

150 6 0
                                    

Colton

Pagdating ko sa 2nd floor ay agad kong natanaw si Skye. Kakawayan ko sana siya kaso nakita ko yung lalaking kasama niya. Bakit kasama yun? Akala ko ba kami lang?

Parang gusto ko nalang tuloy umuwi kaso no choice. Ba't pa kase ako bumagsak sa stat?

Binigyan ko lang sya ng tipid na ngiti nang makita niya akong naglalakad palapit habang ang kasama niya ay tumingin din sa akin at sinipat ako mula ulo hanggang paa. Ngayon lang siguro to nakakita ng kasing gwapo ko.

"Sorry talaga, Skye. Next time talaga di na ako malalate," sabi ko bago maupo at tumango lang siya.

Bago kami magsimula ay pinakilala niya ako sa kasama niya which is hindi naman na kailangan kase halos buong araw na nasa news feed ko ang mukha ng lalakeng 'to.

Ayon sa mga tweets, siya ay captain ball ng basketball team ng univ bago ako malipat dito. Though walang nakakaalam ng tiyak na rason kung bakit siya umalis, maraming nagsasabi na pinaalis siya ng coach ng team ngayon para maging captain ball ang anak niya.

Mukha naman siyang mabait pero di mo rin sure. Ang astig lang tignan ng piercing niya malapit sa right eyebrow niya. Parang gusto ko rin magpalagay ng ganon.

As usual, isang oras na puro numero ang topic namin. Kumpara sa first session namin, pwede ko na i'claim na nag-improve na ako. Mas mabilis kong naiintindihan yung lessons at mas mabilis na rin akong magsagot.

"Mukhang tama nga ang sabi ni Rae. Madali kang matuto," sabi ni Skye matapos ang aming session

"Ako pa ba? Colton Kim 'to," mayabang kong sagot.

Napansin ko naman ang patagong pag ikot ng mga mata ni Mac. Nagseselos ba siya?

Hindi rin sila nagtagal at nagpaalam na si Skye habang ako naman ang naiwan para magligpit ng librong nagamit namin.

study buddy ; k.th + k.jsWhere stories live. Discover now