Prologue

6.5K 96 10
                                    


LISA'S POV

"Hoy, linisin mo nga yung kotse ko!" Sigaw ni Kai Oppa at sinipa ang pinto ko











"O-Opo" kinakabahang sagot ko at inayos ang mga ginawa ko













"Bilisan mo!" Sigaw nya ulit kaya nagmadali na akong bumaba para linisin ang kotse nya









"Linisin mo rin yung akin" sabi ni Yeri









Tumango lang ako sakanya at ngumiti












Sa bahay na 'to isa akong alila. Wala akong karapatang sumaway o di kaya magreklamo dahil nakikitira lang ako...




....sampid lang ako










Habang abala ako sa paglilinis ng kotse, sila Kai Oppa at Yeri ay nagaalmusal na kasama si Dad at Mom










Ganito lagi ang trato nila sakin dahil anak ako ni Dad sa labas. Di nila ako matanggap dahil pagkakamali lang daw ako, di ko kilala kung sino ang totoong Mom ko pero ayoko rin naman syang makilala dahil pinabayaan nya na ako sabi ni Dad











"Excuse me" hininto ko ang pagtutuyo ng kotse nila at nilapitan yung babae











"Bakit po?" tanong sakanya











"I'm Kim Jisoo, dyan lang ako nakatira" sabi nya at tinuro ang katabi ng bahay namin kaya ngumiti ako sakanya











"Lisa po" pinunas ko muna ang kamay ko sa damit ko at nakipagkamay sakanya











"Eto nga pala, pinapadala ni Mom. Dahil bagong lipat kami" ani niya at inabot sakin ang isang turquoise











"Thank you, ibabalik ko nalang mamaya yung lalagyan"










"Okay okay, bye" kumaway ako sakanya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko









Pumasok ako sa loob at binigay sakanila ang dala ni Jisoo











"Kanino galing 'to?" Tanong ni Mom











"Sa bagong lipat po" nakayukong sagot ko











"Okay, ibalik mo 'to pag tapos mo hugasan" sabi nya kaya tumango nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina












"Matatapos na ba yan?!"











"O-Opo" kinakabahang sagot ko habang nilalagyan ng wax ang kotse nya











Tinapos ko na ang pagwawax at ang paglilinis ng kotse ni Yeri tsaka ako umakyat sa taas para gawin ang mga projects at assignments ng mga kaklase ko. Sa ganitong paraan kasi ako nakakaipon ng mga pambili sa mga kailangan ko dahil di naman ako binibigyan ni Dad ng pera












Inintay ko muna silang makaalis bago ako bumaba at mag almusal










Sa private school kami nag aaral ng mga kapatid ko, nakapasok lang ako dun dahil scholar ako. Meron akong bike at yun ang gamit ko papasok ng eskwela













Until When? Where stories live. Discover now