Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 2

63.9K 2.8K 1.4K
                                    

Celestine's POV.

"Oh, okay, sige aalis na ako. Sana sinabi mo agad Stephen. Well, nice to meet you," sabi nito pero hindi man lang ako kinamayan at tinalikuran agad ako.

Ano ba 'yon? Bitter!

Saglit akong tumingin sa lalaki sa tabi ko. He is so busy watching that woman walk hanggang sa mawala na ito sa paningin namin at doon lang niya napansing nakatingin ako sa kanya.

Inilahad ko ang palad ko kaya naman tila nagulat sya.

"Payment, please?"

Kumunot ng husto ang noo nito kaya natawa ako.

"I'm just kidding." I fixed my hair to my side. "You can just simply say thank you, I did save your face earlier."

"Hindi ko sinabing makielam ka! You decided to jump into the scene," he answered straightforwardly.

Kusang napataas ang kilay ko pero natatawa pa rin ako. To be honest, kung hindi ko lang feel na in-love siya roon sa girl kanina at kung hindi lang siya masungit. I will say type ko sya.

But nah.

"Whatever you say Mr.," sabi ko na lang at tinalikuran siya, hahanapin ko na nga lang ang kotse ko.

Iniwan ko siyang nakatayo roon at nagsimula na akong maglakad sa parking lot, mahaba-haba iyon, pero wala na akong pakialam. Gusto ko ng makauwi, naiirita na ako sa mahaba kong gown at malamig na rin dahil gabi na at sleeveless ito.

I was focused on finding my key na hindi ko napansin ang kotseng paparating. Nahinto na lang ako nung halos madali na ako nito pero somebody pulled me.

"What's wrong with you, are you stupid or blind?" rinig na rinig ko ang inis sa boses niya.

I felt an unfamiliar rhythm in my heart. May sakit na ba ako sa puso? I should ask AJ about it.

Hindi ko alam pero parang dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. We are in position that I was so close to him, kaharap ko ang chest niya. Naaamoy ko ang manly perfume niya, at nasa pagitan ako ng bisig niya.

When our eyes met, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y kinakabahan ako kaya napalunok ako. I suddenly had the urge to pull myself away from him a bit.

It's the same man, yung niligtas ko kanina. Hindi ko alam kung gaano siya kabilis nakalapit sa 'kin or sadyang mabagal akong kumilos, pero he saved me from being hit by that car.

Biglang nag-init ang ulo ko ng maalala ko yung kotse, hindi man lang iyon huminto. Balak ba akong patayin n'on?

"Did you get the plate number?" I asked.

"No, sorry, I was busy trying to save you. You should be careful next time."

"On what?" Hinarap ko siya. "Sa kotse o sa 'yo?"

He looked at me with amusement and frustration at the same time.

"You're crazy."

"Crazy rich."

"Whatever you say woman."

"Geez, thank you for saving me,,," I said to him before turning around. Naglakad na ako and I just waved goodbye without looking.

He is somehow making me comfortable and uncomfortable at the same time. Comfortable because he looks like someone who can protect and really help me. Uncomfortable because of his aura, he is kinda superior, and serious. The dominating kind means trouble for me. I just dated guys who are easy to tame and play with yung madaling itapon at iwanan.

I am Celestine, always on the safe side. Always the one on top of her game.

I felt the wind blow a cold air pero bago pa ako makapagreklamo ay may pumatong na bagay na sa balikat ko. Mabilis kong hinawakan iyon at hinarap ang naglagay nito.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now