Chapter 27

52.9K 1.9K 532
                                    

Celestine's POV.

"Anong sabi ni daddy?" tanong ko kay Storm, nakatayo ito sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Well—"

"Nagalit siya? Si Mommy?"

"If you are really curious, dapat dumiretso ka na sa 'min." Napatayo ako ng tuwid ng marinig ko si Daddy.

In split of seconds ay nasa harapan ko na ito ngayon, katabi si mommy. Tumikhim si Storm at ngumisi sa 'kin, kaya mabilis ko itong hinampas.

"Mommy, si Ate oh."

"Celestine Montenegro, what did I say about hitting your brother?" my mom asked.

Napayuko ako. I felt like a kid. Bwisit kasi tong si Stormy, hindi nakakakatulong! Kung nandito si Damon, siya ang pagtutulungan namin.

"Celestine Snow," My dad called me again kaya nag angat ako ng tingin.

"Daddy! Mommy!" I pouted. "Sorry po."

"I knew it!" my mom snapped. "Sabi ko na hindi si Nicholas ang aatras dahil malamang talaga nagwala ka."

I bit my lip. My parents know me so well. Hindi ako papayag na magpapa agrabyado ako.

Ngayong araw dapat kami ikakasal ni Nicholas but last night we all went back home.

Nicholas' mom called apologizing to my parents, to me, dahil daw umaatras na si Nicholas sa kasal.

I cried so much last night, for Nicholas, for Stephen, for myself, for everyone na na involve sa mess na ito dahil sa kasakiman ni Daniella.

Gusto ko ng makita si Stephen, gusto ko ng yakapin siya ng mahigpit at sabihing hindi ko na siya iiwan pero

Pero patuloy na sumasakit ang puso ko kapag iniisip ko how much Nicholas sacrificed for me and now he is even covering up for me, para hindi ako mapahiya sa mga tao.

"Hindi ko po kayang magpakasal kay Nicholas."

"Why? He is a good man."

"He is, hindi lang siya good dad, he is actually one of the best." I answered my father. "Pero hindi po siya ang mahal ko."

Nagkatinginan ang parents ko. Napalunok ang nanay ko at nagpaypay ng mukha.

"And who is he?"

"I am still inlove with Stephen."

"Pero magkaka-anak na siya hindi ba? Why?"

"Hindi niya anak yung dinadala ni Tamara."

"Oh juicy," Storm said before he chuckled kaya siniko ko ito.

"Chismoso ka."

"Ang maldita mo."

"Ano ba?! Nasa marrying stage na kayo parehas, nagbabangayan pa rin kayo?"

"Ito kasi." Sabay pa naming sabi ni Storm, inirapan ko na lamang ito.

"Go on." My dad said.

"As I was saying, mom, dad, hindi po anak ni Stephen yun. He was forced to lie and break up with me, dahil tini-threaten siya ng dad niya."

Kumunot ang noo ng daddy ko, he is not liking what he is hearing.

"Why?" my mom asked.

"His dad threatened my safety, I got a text message from Tamara explaining everything to me. Hindi lang ako but also Stephen's mom, brother, and comrades. Kaya napilitan siyang makipaghiwalay sa 'kin."

"I don't understand, why would that man dare to threaten you?! You're a Montenegro!"

"Dad."

"And no one, no one dares to threaten my family!"

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon