🎭 005

1.3K 22 0
                                    

THIRD PERSON'S POV
      
     
     

Inhale. Exhale.
  
  
Kasalukuyang nakaupo si Justin sa lamesa iniisip pa rin ang nangyare sa kanila ni Ken. Nakailang hinga na rin siya mula nang maupo sa kinalalagyan niya ngayon. Si Ken naman ay abala sa pagsisilbi kay Justin na kanina pang nakapalumbaba. Katulad ni Justin ay inaalala nya rin ang kaganapan sa nagdaan na madaling araw.
  
  
Pagkatapos ayusin ni Ken ang hapag ay umupo na siya sa harap ni Justin at inaya ang kaibigang tila wala pa rin sa sarili na kumain na.
 
  
"Jah, kain na." Pag-aaya nito. Tila naman medyo nahimasmasan na si Justin ng kaunti dahil sa pagtawag sa kanya ni Ken.
 
  
"Thank you." Mahinang tugon ni Justin. Kasabay neto ay ang matipid niyang pagngiti. Kasunod neto ay inayos nya ang kanyang pustura at nagsimula nang kainin ang mga nakahain sa lamesa.
 
  
"Kain ka nang marami Jah." Ani Ken na nakaupo ngayon sa harap ni Justin at sinasabayan itong kumain. Walang salitang lumabas sa bibig ni Justin at tanging pagtungo lamang ang naitugon nito.
  
  
Tahimik silang kumain ng magkasama. Isa, dalawa, tatlo... umabot ng sampung minuto na wala ni isa sa kanilang nagsasalita tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Makaraan pa ang ilang minuto ay nagpasya si Ken na basahin ang katahimikang bumabalot sa kanila.
  
   
"A-ano Jah, tungkol pala sa ano..." panimula ni Ken. Tila naman naramdaman ni Justin kung saan papunta ang usapan kaya otomatiko netong iniba ang usapan.
   
   
"Ay oh. May ganap pala kayo mamaya ni Stell no?" sambit ni Justin.
  
   
Ang naging tugon nito ang naging senyales ni Ken na ayaw niyang pag-usapan ang nagdaang pangyayari kaya naman nagpasya siyang sakyan na lamang ang usapang sinimulan nito.
 
  
"Ah oo. Mamayang alas dose. Sana matapos namin yung choreo..."
  
  
Ganoon lamang ang naging takbo ng usapan nilang dalawa. Walang ni isa ang naglakas loob na banggitin pa muli ang kaganapang pilit nilang ibinabaon na lamang sa limot.
 
  
Kakayanin nga kaya nilang isawalang kibo ang nararamdaman? Mababaon nga ba sa limot o magiging bangungot?
 
  
  
   
   
   
  
———————

Pasensya na pure tagalog. Feeling ko lang weird if taglish tapos third person's pov. Huhu. Anyway, will try to update at least once a week starting from now. Hahaha. Kentin pa rain. Rawr! HAPPY KTN DAY! 😸

Masked 🎭 Where stories live. Discover now