🎭 007

1.2K 17 0
                                    

THIRD PERSON'S POV
  
 

 
  
Tulog na Josh. Maingay na Stell. Ngumangawang Ken.
  
  
Ayan ang kinakaharap ni Pablo ngayon. Siya na lamang ang natitirang nasa wisyo sa kanilang apat. Sa isip niya ay sana naglasing na lang din siya para hindi na niya problemahin pa ang tatlong pasaway na nasa harap niya ngayon.
  
  
Ang usapan kasi ay iinom lang ng kaunti at hindi maglalasing. Ayos lang naman sana dahil wala naman silang pagsasanay kinabukasan kaya lamang ay nakakapanghinang tunay ang sitwasyon niya ngayon.
  
  
Pinipilit ni Ken na umuwi sa condo nito. Naisin man ni Pablo na ito'y iuwi ay ayaw namang magpaiwan ni Stell dahil tulog na si Josh... baka raw may multo. Aminadong nakainom din kaya delikado na para kay Pablo ang magmaneho. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang manok na umuwing mag-isa dahil may posibilidad na makita pa ito ng kung sino. Baka bukas nasa balita na sila sa telebisyon o dyaryo.
 
  
Wala namang ibang pamimilian kaya nagdesisyon si Pablo na tawagan ang walang kamalay-malay na si Justin.
 
  
Mahimbing na ang tulog ni Justin nang tawagan siya ni Pablo. Nagtataka niyang sinagot ang telepono niya.
    
   
  

[📞]
 
  
"Hello Jah."
 
 
"Oh, pablo. Bakit?"
 
 
"Nakauwi ka na ba? Medyo nakakahiya kasi pero pwedeng paistorbo?"
 
 
"Ano yun?"
 
  
"Si Ken kasi..."
  
  
   
   
———————
  
   
   
Nagdalawang-isip man ay hindi rin natiis ni Justin na hindi puntahan si Ken. Madali siyang naghilamos at nagbihis upang masundo na ito sa condo ni Josh.
 
  
Mabilis niyang narating ang lugar. Liban sa matulin ang pagpapatakbo niya ng kanyang kotse ay dis-oras na rin ng gabi kaya swabe na ang daloy ng trapiko.
  
  
Kaagad niya namang ipinarke ang sasakyan at madaling pinuntahan si Ken. Nang makarating sa harap ng pinto ng unit ni Josh ay huminga muna siya ng malalim at saka pinindot ang doorbell dito.
  
  
Kaya mo yan, Justin. Si Ken lang yan.
  
   
Yan ang mga katagang paulit-ulit niyang sinabi sa sarili bago harapin ang pagsubok na paparating.

     

Masked 🎭 Where stories live. Discover now