Chapter 9

353 5 0
                                    


"Bat ka nagtatago?" Wika nito.

"Wala..gusto ko lang" sinilip niya si Trevor

"Kilala mo siya?" tanong ni Aica

"Pamilyar" kunway sagot niya.

Namiss niya ito, ang gwapo pa rin nito. Napabuntong hininga siya.

"Kaya lang may asawa na" anang isip niya.

Nagtago nalang siya sa likod ni Aica hanggang matapos itong magsalita.

Pumalit ang isang babae na nag announce na magkakaroon sila ng tree planting bukas ng umaga.

"Ang mga leader o chairman ng grupo, maaari na kayong bumaba para kunin ang mga lunch niyo."

Tumayo siya para pumila, sinama niya si Romnick para makatulong sa pagdala ng lunch.

Bababa palang siya sa Bench ng magtilian ang mga babae.

" Si Sir Reyes!!!!!" Sabay na wika nong Arriane at Claire

Para siyang tinulos sa kinatatayuan ng makita kong sino ang nakatayo sa ibaba ng bench at nakatingin sa kanya.

"Sundalo siya......." Aniya sa sarili

Nanginginig ang mga kamay niya, para siyang tinakasan ng kulay , napahawak siya sa braso ni Romnick para hindi siya mabuwal.

"Okey ka lang ba Chairman?" Tanong nito

"Nahilo lang ako" bahagya niya itong nginitian.

"Namumutla ka, gusto mo bang kami nalang ni Dennis ang kumuha?" Wika nito

"Hindi na , tayo nalang may pipirmahan pa ata ako " napatingin siya sa mga nakapila, nagsusulat ang mga ito bago kumuha ng pagkain .

Maingay pa rin ang mga babae. Napapatingin  na sa kanila ang ibang mga sundalo.

"Girls konting tahimik naman" anang isang sundalong babae na nagsalita sa mic.

Bumaba na siya sa bench kasama si Romnick na nasa likod niya . Nakaharang sa daraanan niya ang taong ayaw niya ng makita sa buong buhay niya. Lalampasan niya ito ng hinawakan nito ang kamay niya.

"Lhey, pwede ka bang makausap mamaya" wika nito.

"Hindi kita kilala, excuse me Sir" ayaw nitong bitawan ang kamay niya.

"Gusto mo bang magpakilala pa ako? Miko, Miko Reyes" wika nito.

Hinatak niya ang sariling kamay , naglakad siya ng mabilis ng mabitawan siya nito.

Nanlalambot ang mga tuhod niya.

Hindi niya ito nilingon. Tuloy tuloy siya sa pila, nakasunod pa rin si Romnick sa kanya, hindi naman ito nagtanong.

Pakarating sa unahan, isa pang ayaw niyang makita, si Trevor, ito ang nag di distribute ng mga pagkain katulong ang isang lalaki at dalawang babae na naka camouflage din.

Gulat itong nakatingin sa kanya , hindi niya ito pinansin, sinulat niya ang pangalan nilang sampong magkakasama at kung anong baranggay sila.

Si Romnick na ang nagdala lahat, naka plastic naman ito. Nakalagay sa Styrofoam ang lunch nila, may kasama itong sampong bottle water.

Nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Buhay nga naman, kung alam ko lang sana na sundalo ang may pa summit na ganto, mga sk kagawad niya nalang sana ang pinapunta at naghanap nalang sana siya ng proxy niya."

Pakarating sa bench , sa pwesto nila ,nilapitan siya ni Arriane

" bakit ka hinawakan ni sir Reyes kanina?, kilala mo ba siya?" mataray nitong tanong gusto niya sanang sagotin sagotin at tarayan ito, pero iba ang lumabas sa bibig niya.

"Hindi, nagso sorry lang yong tao, nataponan niya ang damit ko kanina nong mabungo niya ako, nagsorry siya sabi ko ok lang kahit inis pa ako, bakit mo naman natanong?" Wika niya rito

"Wala lang type ko siya " wika nito at tinalikuran siya.

Kunot ang noo ni Romnick ng iabot sa kanya  ang lunch niya. Alam nitong nagsinungaling siya dahil narinig nito ang usapan nila ni Miko kanina.Nginitian niya ito.

Natapos ang araw nila, nag team building sila sa loob ng court. Masaya ang lahat. Pakatapos mag dinner .

Nag announce ang mga ito na sa lumang city hall matutulog ang mga babae at sa bench ang mga lalaki.

"Ok lang ba kayo dito boys?" Tanong niya sa apat niyang kasama

"Wag mo kaming alalahanin, mga lalaki kami" wika ni Jonnel na sinang-ayonan ng tatlo. Iniwan na nila ito.

Maayos na ang kwarto , dating opisina ang mga ito , sa lapag sila matutulog, may mga higaan na kaya lang walang unan. Bag niya nalang ang gagawin niyang unan .

Naghanap sila ng pwedeng paligoan, pila na ang mga babae sa loob.

"May isang c.r pa kaya lang nasa labas yon" wika ng isang sundalong babae na tumitingin sa kanila, may sukbit itong baril sa kanang balikat.

Tinanong niya kung saan.

"Pakababa niyo ng hagdan, lumabas kayo tapos kumaliwa kayo , sa dulo may isang c.r don." Wika nito.

"Sige salamat po" sabay sabay na wika nila.
Napansin nila na may mga sundalong nagroronda .

Madilim na sa labas, sa loob ng Comfort Room maliwanag. Isa isa lang ang pwedeng gumamit. Nauna si Icy, sunod si Shira, Arlyn , Aica at Sachi. Isa isa na ang mga itong pumasok. Siya ang nahuli.

Paglabas niya ng banyo , may isang lalaking naka sandal sa labas ng banyo.

"Aaahh-" titili na sana siya ng pinigilan nito ang bibig niya.

"Ako to Lhey"

"Trevor?"

"Namiss kita, mag usap naman tayo, kumusta kana?" Wika nito



























I'm a Soldiers GirlfriendWhere stories live. Discover now