Chapter 19

276 3 0
                                    

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, lahat ng sundalo gagawin yon, magsasakripisyo para sa kapakanan ng bayan o mamamayan , kasali yon sa sinumpaang tungkulin"

"Huwag kang mag alala, lagi kong titingnan ang anak niya para sayo" nakangiting wika ng kuya niya at ginulo ang buhok niya.

"Salamat kuya!, pero huwag ang buhok ko!" Ani Lhey at inalis ang kamay ng kapatid na nasa ulo niya.

" no. prob." Wika nito

" Sige na, mukhang nagseselos na yong isa diyan" anang kuya niya , naglakad na ito palayo.

Pag tingin niya kay Miko, walang itong imik at salubong ang kilay.

"Anong namang problema mo?" tanong niya dito.

Naalala niya na niyakap siya nito kanina para hindi siya tamaan ng bala. Handa rin itong mamatay para sa kanya.

Hinalikan niya ito sa pisngi, saglit lang.
Umaliwalas agad ang mukha nito.

"Salamat kanina" ani Lhey at naglakad na palayo. Mabilis ang lakad na hinabol siya nito.

Sabay sabay na silang bumaba ng bundok. Kailangan niya pang pumunta sa burol ni Trevor bukas.

Pupuntahan niya sa burol kesa naman siya ang puntahan at magpakita sa kanya, naiisip niya palang tumatayo na mga balahibo niya sa katawan.

Kawawa naman ang anak ni Trevor.

Naisip niya si Aica.

Ang umagaw sa kuya niya  kay Aica ay may asawa at anak, alam ito ni Aica pero bakit hindi man lang  sumagi sa isip nito.

"Mukha na ba akong may anak?" ani Lhey sa sarili.

"Trevor anong gagawin ko para makabawi sayo..." anang isip niya.

Hinatid siya ni Miko hanggang sa bahay nila.
Nagpaalam na rin ito. Babalikan siya nito pag nakapag pahinga na siya para mapuntahan ang burol ni Trevor .

Maaga siyang gumising para pumunta sa baranggay hall, tiningnan niya ang schedule niya ngayon. May papapirmahan lang siya kay kapitan. Inasikaso niya agad ito.

Dumating ang hapon, sinundo siya ni Miko, naka motorbike ito. Sinuotan siya nito ng helmet .

Malayo ang biniyahe nila. Madilim na ng makarating sila. Maraming tao sa loob.

Nakita niya ang asawa nitong buntis, katabi ng kuya Wesley niya. Naroon din ang anak ni Trevor.

Kinakabahan siya.

Unti unti siyang lumapit sa ataul.

Parang natutulog lang si Trevor, naalala niya ang pinagsamahan nila, minahal niya talaga ito.

" sorry ....ako ang may kasalanan , sana hindi nalang ako umattend ng summit, sana hindi nalang kami nagpahatid, sana gumala nalang din kami kasama nila Romnick, ....nagselos si Aica, sana pala pinakilala ko siya sa kuya ko, para nalaman niya agad na kuya ko si kuya Wesley"  anya sa sarili, hindi niya mapigilang maiyak, tuloy tuloy lumandas ang mga luha sa kanyang mata, maraming sana ang tumatakbo sa isip niya ng mga oras na yon.

Hinipo niya ang ibabaw ng ataul nito, habang paulit ulit nag so sorry , nang biglang may humablot sa buhok niya.

"Malandi kang babae ka, inagaw mo na nga asawa ko, pinatay mo pa!!!, di ka naawa sa anak ko!!! LUMAYAS KA DITO!!!!!" Sigaw nito habang hila hila ang buhok niya.

" bitawan mo siya Lyn!!!  hindi niya kasalanan yon, tungkulin niya sa bayan yon kaya nagawa niyang protektahan ang iba, kahit siguro ikaw ang nasa sitwasyon niya gagawin niya yon" mahabang paliwanag ng kuya niya , tinulongan siya nitong makalayo kay Lyn

"Akala mo siguro hindi ko alam,...ikaw ang babae niya, at tinutulongan mo pa talaga ang babaeng yan Wesley ha!" Wika nito kay Wesley

"Oo, dahil kapatid ko siya" ani Wesley , natahimik ito.

"Hindi ko pa rin siya mapapatawad sa ginawa niya!, siya ang dahilan kong bakit nawalan ng ama ang anak ko" madiing wika nito at bumalik sa upuan na humihingal.

Nanghihina ito. Napahawak ito sa braso ni Wesley , may mga dugong dumadaloy sa binti nito, nataranta ang kuya niya , binuhat ito para dalhin sa pinakamalapit na hospital, nagawa pa nitong ibilin ang anak nila ni Trevor sa biyenan nito.

Naiwan siyang umiiyak na pinagtitinginan ng mga tao sa lamay. Inayos niya ang sarili.

Asan na ba si Miko, magpapahatid na siya pauwi.

Iginala niya ang paningin. Lumapit siya sa mga magulang ni Trevor.

"Mam , Sir nakikiramay po ako" matalim ang mga matang tinalikoran siya ng mag asawa.

Magang maga ang mata ng ina ni Trevor.

Parang ayaw siyang makita ng mga ito na dinadalaw si Trevor , baka pinalayas siya kong wala lang mga nakikiramay na mga kakilala .

Bumalik siya sa harap ng ataul at kinausap ito.

"Ito na ang huli nating pagkikita mahal kong Trevor, kita nalang tayo sa kabilang buhay.

Kong totoo man ang reincarnation sana magkita tayo ulit

Huwag mo akong dadalawin ha, ako ang dadalaw sayo pag maayos na ang lahat.

Salamat sayo, Mamimiss kita.

Totoo."  Panay tulo na naman ng luha niya.

I'm a Soldiers GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon