Chapter 17

86 21 9
                                    

Licked His Lower Lip

"Almost a month na tayo sa Herism pero yung plano natin, wala pa rin!"

"We are in the process, Megan," Alice replied.

We're heading to school. Kanina pa silang dalawa nag-uusap habang tahimik lang kaming dalawa ni Jinx. She's still silent. I remember what happened last night. She haven't escaped from our confrontation and just gave in.

I ran towards her and grabbed her jaw, forcing her to face me. "Speak or else I will acknowledge Uncle Greg," I warned her.

Ibinaba niya ang tingin saka inilayo ang mukha. Pansin kong nag-aalangan siyang magsalita. Knowing them. Ayaw nilang may makarating kay Uncle na masamang balita. Alam nilang mamamatay sila kapag pumalpak ang plano.

"Oo... pinatay ko nga," tiim-bagang na pag-amin niya. "Hinipuan niya ako!" nanginginig na singhal niya sa akin.

Naikuyom ko ang palad sa galit. Hindi ko na napigilang damputin ang bag sa tabi niya at ginamit panghampas sa kaniyang mukha. Bahagya siyang napahiga mula sa pagkakaupo sa couch. It was impactful. I didn't even gave much effort on swinging my arm.

"Tangina," she softly groaned.

Kinapa niya ang mukha para i-check kung nagdugo ba. Lucky her, she didn't get a cut but she has bruise now.

If it hugely affects the plan, she has to ready herself.

"We're here." Alice announced.

Nagkanya-kanyang babaan na kami sa sasakyan nang makarating na kami sa parking lot ng Herism. The area is clean and spacious as usual. Never ko pang nakitang napuno ang parking lot na 'to.

Hindi kalayuan ay may natanaw akong ilang estudyante. One of them saw us. Kinalabit pa niya ang apat niyang kasama saka tinuro kami dito banda.

Everything is in peace and order until bunch of students came in the picture. They're running to our direction. Marami pang mga nakasunod na papunta dito sa parking lot. Nilingon ko ang lima kanina na masama ang tingin sa amin. They're just standing in the corner, staring at us... or should I say staring at Jinx?

"What's happening?" Megan asked in a low voice.

I was searching for an answer when one among the students running towards us shouted.

"Murderer!" he screamed at the top of his lungs.

Habang papalapit sila, mas lumilinaw sa paningin ko ang emosyong nakalatay sa kanilang mukha. Hatred is all I can see. Para silang mga katipunerong may hawak na itak at lulusubin kami.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Alice na humawak sa siko ko. She wants me to step back. The students are getting closer.

"You killed Simon!" naging sigaw ng mga papasugod.

Mabilis akong bumaling kay Jinx na ngayon ay tiim-bagang na pinapanood ang paglapit nila. May kung anong naglalaro sa isipan niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Para bang nagtitimpi siya sa nangyayari. She was always loud and impulsive. Kung anong maisip niya ay kaniyang gagawin.

Why do I feel like she has a lot in her mind but chose to not do anything?

Bahagya akong napaatras nang malapit na ang mga estudyante at pilit na inabot si Jinx. Agad namang humarang si Megan para protektahan ang kaibigan. Hinila ni Alice si Jinx paatras.

"What do you all want?!" sigaw ni Megan sa kanila.

Huminto rin naman ang mga agresibong estudyante. Sa dami nila, halos palibutan nila kaming apat.

Her Final BulletWhere stories live. Discover now