03

4 0 0
                                    

That night, i spent it with Uno. I must admit, masaya naman siya kasama at nilibre niya pa ako ng dinner.
Weeks went by at halos papalapit na rin ang foundation week ng University. Almost everyday we were practicing for our dance na tradition na ng University every year na nagcecelebrate ng foundation week. First year and second year lang ang kasali sa hataw dance para sa opening ng foundation week. Kasama rin ang mga taga satellite campuses kaya masayang masaya siguro ang week na darating para sa mga students, makakapagrelax at makakapag enjoy ang lahat. Sa mga mananalo na rin sa mga games ang kukunin para sa SCUAA. Ako, bilang isang tao na hindi naman sporty type ay wala naman sinalihan maliban sa mga games sa College Department namin noong intramural namin.

Wearing my PE shorts, white t-shirt and my white tennis shoes, i hurriedly locked my apartment, sa malapit na kainan na lang ako kakain ng breakfast.

Ipinatong ko ang order kong pagkain sa isang mesa na pandalawahan. Halos puno ang kumakain lalo na at halo halong mga estudyante at nagttrabaho ang kumakain lagi rito.

I was about to bring the spoon into my mouth when someone sat in front of me, i blink my eyes twice, my mouth still open while my right hand was in mid air holding the spoon. Uno placed his food on the table and looked at me with amusement, slowly i straighten my back and put the spoon down, grabbing the glass of water instead.

"Pwede maki-share ng table, Quinne?" Wow, nagtanong pa talaga siya kung kailan prente na siyang naka upo sa harapan ko. I just nodded my head in approval, as if he really did needed my approval.

He's wearing a dark blue polo shirt, his ID lace is hanging prettily on his neck, blue jeans and a top-sider. Sa lakas ng pabango niya ay halos sumuksok at kumapit na ito sa nostrils ko. I am not fond of those perfumes na masyadong matapang pero yung kay Uno, well, tamang tama lang para sa sensitive kong ilong. Ano kaya pabango niya? Ipinilig ko ang ulo ko saka itinuloy na lamang ang pagkain na medyo mabagal, it's still early though.

Natapos kaming kumain na panay lang sulyap sa isa't-isa, nagbayad ako ng kinain ko at nagbayad rin si Uno ng para sakanya. Oh, shoot! I forgot to bring my DSLR camera.

"Saan ka? Sabay ka na" Uno got his car keys on his pocket. Umiling ako.

"Babalikan ko sa apartment yung camera ko" nakakapagod naman makipag usap sa matatangkad, mababali ata leeg ko.
He slid his car keys on his pocket again then raked his hair with his free hand.

"Samahan na kita" binasa niya ang labi niya gamit dila niya kaya naman mas namula ito. Iniwas ko ang tingin ko saka naglakad na lang papunta sa apartment. Nakasunod naman sa likuran ko si Uno.

"Pasok ka" binuksan ko nang maluwag ang front door ng apartment, hindi naman pwedeng iwan kk siya sa labas lalo at mainit. He surveyed my apartment, i gestured him the couch which lead him to sat down. Pumasok ako sa kwarto ko at saka kinuha ang camera na nasa cabinet. Malayo ang bahay namin rito kaya naman kumuha si Mama ng apartment ma matutuluyan ko, hassle din naman kung babyhe ako araw-araw, yung oras na ibabyahe ko ay pwede ko na rin itulog at ipahinga.

"Mag isa ka lang dito?" Tanong ni Uno nang lumabas ako sa kwarto.

"Yup" tipid kong sagot, i went to the kitchen para kumuha ng tubig.

"Tara?" Aya ko sakaniya, nakatayo na rin naman siya kaya umalis na kami at sumabay na nga ako sakanya papuntang University. Sayang din ang pamasahe, no!

"Thanks" sabi ko sakanya habang kinakalas ko ang seatbelt ko.

"You wanna hang out, tomorrow?" Rinig kong sabi niya while his hands were still on the steering wheel. Binalingan ko siya ng tingin, he then averted his eyes outside to meet mine.

What She SawWhere stories live. Discover now