06

3 0 0
                                    

It's safe to say that I'm an introvert that will opt to stay at home and read books rather than going outside with friends but because of Uno, I think I'm starting to love and appreciate going outside with other people aside from Lee.

Nagyaya si Uno pumunta somewhere for 3 days. Kasama namin ang ilang kaibigan niya and their girlfriends too, ako lang ata ang isinama na hindi naman girlfriend. Hindi kasama si Lance, ang sabi ni Uno ay may family gathering daw iyon kaya hindi nakasama.

Tagaktak ang pawis na sinundan ko ng tingin ang magandang tanawin. Kulay berde ang halos makikita at tanaw na tanaw ang bulkang perpekto ang hugis. Itinaas ako ang camera na nakasabit lamang sa leeg ko at kinunan ng larawan ang biyayang nakikita ko ngayon.

"Kunan ko kayo, lovebirds" Brent offered to take photo of Uno and me. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman kami lovebirds ni Uno pero hindi rin naman siya maniniwala. Kanina niya pa kami tinutudyo.


"Bagay ba?" Nakangiting tanong ni Uno habang nakaakbay sa akin.


"Basta ang alam ko maganda si Quinne" nakangiting sabi ni Brent bago itinaas ang camera. Tipid akong ngumiti ngunit ibinaba ni Uno ang kamay niya sa bewang ko at hinigit ako palapit lalo sakanya. Gulat na napaawang ang bibig ko dahil sa sensasyong naramdaman ko dahil sa pagdidikit naming dalawa.

"Ang ganda mo magblush" halakhak ni Brent saka ibinigay kay Uno ang camera. I was stunned, i felt my cheeks flushed. Gosh, Q ano na? Kinikilig ka?!

Nag set up kami ng tent roon para makapagpahinga, may dala na rin kaming packed lunch para sa pagkain namin. Alas tres pa kami pupunta sa resort na binook nila para makapagrelax. Tinatanong ko si Uno kanina kung ilan ang ibibigay kong share sa gastos pero tinatawanan lang ako ng loko loko.

"Nag eenjoy ka ba?" His low voice soothes me well. Ibinaling ko ang mga mata ko mula sa tanawin papunta kay Uno na naka upo sa gilid ko.


"Oo naman, thank you sa pagsama sa akin dito" he's looking at the scenery, bahagyang umigting ang panga niya, nakakunot ang noo niya at tila may malalim na iniisip.

"Akala ko nga hindi ka makakasama" pagkaraan ay nagsalita siya pagkatapos ng isang malalim na buntonghininga.

"Sa Friday pa naman ako aalis eh" Sa Friday pa ako uuwi sa amin, sinabihan ko na rin si Mama at pumayag naman siya. Gusto niya nga iyon lalo pa kinwento kong may mga kaibigan na ako maliban kay Lee.

"Bakit?" Mula sa tanawin ay ibinaling sa akin ni Uno ang tingin niya, madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Ha? Friday pa kasi ako----"

"Baba na tayo!" Malakas na sigaw ni Brent na naging dahilan para maputol ang sasabihin ko, agad namang tumayo si Uno at nagpagpag ng suot niyang shorts.

"Tara na" nakangiti niyang sambit niya sa akin, nakalahad pa ang isa niyang kamay para alalayan akong tumayo, ngumiti rin ako pabalik at nagpatianod sakanya.

Uno's carefully holding my lower back to guide me as we walk down the steep land. Buong ingat niya akong inaalalayan, minsan ay hawak niya pa ang kamay ko para hindi ako madulas o madapa pababa.

"Barbeque or hotdog?" Itinataas bahagya ni Uno ang parehong nakatuhog na pagkain sa stick. Umusog ako nang kaonti para makaupo siya.

"Barbeque" i smiled shyly. He nooded and gave me the barbeque, agad ko naman iyong kinagatan. The calmess of the ocean is the total opposite of what I'm feeling right now, marahan kong kinagatan ang barbeque at tumitig lang sa karagatan dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ang awkward naman nito. Partner partner kasi ang mga kaibigan ni Uno, nasa hall sila at kumakain pa. Pinili ko lamang na maupo dito sa may dagat dahil may iniisip ako.

What She SawWhere stories live. Discover now