CHAPTER 20: TRAIN

145 14 10
                                    

Chapter 20: Train

Napabalikwas ako sa tunog ng alarm clock. Mistulang nayanig pati ang kaluluwa ko sa bwesit na bagay na 'to.

Kinusot ko ang mga mata habang patuloy sa pagtunog ang alarm clock. Padabog kong inabot at pinatay 'yon. Peste! Panira ng umaga!

Napahikab ako dahil sobrang antok pa rin talaga ako. Bakit naman kase kailangan pang alas kuwatro ng madaling araw pa dapat ang pagpunta sa field? God! Hindi ba pwedeng sa tanghali?

I blew a sigh. Wala na akong nagawa kundi bumangon na para makaligo at makapagready na sa pag-alis. Today is the day, the annual examination. Mae-excite na sana ako kaso badtrip talaga sa oras na kailangan gumising. Alas tres pa lang kaya ng madaling araw.

Pumasok ako sa banyo, ang antok ko ay agad na napawi ng madampian ng malamig na tubig ang aking balat. Jeez! And the fact that the water at this time of morning are like colder than the ice.

Ayaw ko na nga'ng magreklamo dahil mas nasisira ang umaga ko!

Ng matapos ay nagsuot na ako ng damit. I wore a black ripped jeans then a beige spaghetti top na ti-nuck in ko sa suot na pantalon. Pinaresan ko rin ito ng beige cardigan na hanggang legs ko ang haba, saka color brown na boots naman sa aking mga paa. Tinali ko ang buhok sa isang messy bun.

Dinungaw ko ang aking salamin at tinignan ang sarili. Hinaplos ko ang suot na kwintas na bigay ng mga magulang ko saka napagpasyahang lumabas na ng kuwarto.

Nakapag imapake na ako kagabi kaya ready to go na. Kinuha ko ang dalang malaking camping bag na bigay ng Academy, naglalaman ito ng mga sapat na damit at gamit ko para sa pag-alis namin.

Lumabas ako sa kuwarto at nadatnan ko si Lily at si Creg sa sala na handang handa na rin.

Nakasuot si Lily ng blue faded jeans, white na blouse at itim na sneakers. Si Creg naman ay black cargo shorts at itim na t-shirt.

"Asan yung iba?" I asked Lily.

"Marami pang pa echu si Flare. Ang tagal nga ng babaeng yun."

Binaba ko ang tingin sa wrist watch at nakitang 35 minutes to four pa lang. Maaga pa naman.

Napalingon ako kay Harris ng lumabas na siya ng room niya.

"Lezgooo!" masiglang bati niya.

"Ano yang mga hawak mo?" tanong ni Lily. Tinignan ko rin ang hawak niyang bag na cellophane.

"Snacks. Syvie, gusto mo?" umiling ako sa alok niya.

"No thanks. Meron ako sa bag." ngiting saad ko.

"Hoy ako kuya gusto ko." Lily said while trying to reach for the cellophane.

"Ayaw ko nga!" pagdadamot ni Harris. As expected, maingay na naman ang dorm sa asaran nila.

Pero agad nabaling ang tingin ko sa sumunod na lumabas. Siya na ata ang definition ng 'prepared'.

Lumabas si Flare sa kuwarto niya na may dalang malaking camping bag. Busog na busog iyon, mukhang hindi naawa si Flare sa pagpasok ng mga dadalhing gamit sa bag na 'yon.

Nakasuot ito ng off shoulder yellow floral crop top, a white high waisted pants na malaki ang buka sa may paanan. May suot pa itong sumbrero at sunglasses.

"Flare, we're going to a camping trip, not to a beach vacation." si Lily matapos pasadahan ang itsura nito mula ulo hanggang paa.

"Duh, of course I know. That's why I'm prepared, see?" Flare answered after she took off her sunglasses.

CERISE ACADEMY:THE ELEMENTALS [ON GOING]Where stories live. Discover now