CHAPTER 15: ABYSS

112 14 1
                                    

Chapter 15: Abyss

Masyadong naging emotional ang nangyari kagabi, kaya naman napasarap ang tulog ko at eto ay tanghali na nagising. Kung hindi pa ako kinatok ni Flare kanina ay baka hindi na talaga ako gumising.

Mabilis ang mga naging kilos ko, sinuot ko agad ang blazer ng uniform ko at binuksan ko ang pinto ng kuwarto at lumabas na, tumungo ako sa lamesa at kumuha roon ng isang toasted bread para magkalaman naman ang tiyan ko kahit konti.

Nauna na sila dahil pinauna ko. Nakakahiya kase kung paghihintayin ko pa sila dahil sa katamaran kong gumising. Hindi pa sila pumayag, pero sinabi ko naman na alam ko na ang daan, hindi naman ako makakalimutin.

Mabilis akong lumabas ng dorm. Tinignan ko ang wrist watch ko, 10 minutes na lang alas otso na. Kailangan ko ng magmadali!

Lumabas ako sa dorm at ni-lock ang pinto. I am half running along the way.

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko namalayang makabungo ng isang babae. Inayos ko ang medyo nakusot kong blazer dahil sa baggaan namin.

"Ano ba?!" maarteng sigaw niya.

"I'm sorry." paghingi ko ng tawad habang inaayos ang nakusot kong blazer saka siya tinignan.

Hindi ko alam ang pangalan niya pero pamilyar siya. Kaklase ko rin ata toh sa history class, isa siya dun sa mga maarte na grupo ng mga maharlika.

"Oh the new Elite." sabi ng katabi niyang babae ng makilala ako.

"Wala yung ibang Elites,cpero nagmamatapang ka pa rin ha."

"Feeling, eh commoners pa rin naman."

Kalma self ha. Last time na nainis ka, may naipunta kang clinic at isang linggo na hindi nagising, kaya kalma.

"Sorry talaga, hindi ko naman sinasadya." hingi ko ulit ng tawad saka tumakbo na lang at iniwan sila, baka ano pa ang masabi ko sa kaartehan nila. Malelate na talaga ako eh. Hindi rin ba sila magmamadali?May klase kami sa history class ah.

Hingal akong makarating sa tapat ng pintuan ng history classroom. Naabutan ko pa ang substitute teacher na kagaya ko ay pa lang papasok na rin.

"Good morning po." bati ko. At pinauna siyang pinapasok.

"Good morning din." bati niya pabalik habang nakangiti sa akin.

Pumasok na ako at tumungo sa tabi ni Lily kung saan ang upuan ko.

"Puyat pa?" she joked.

"Napasarap lang ang tulog dahil naging emosyonal kagabi." dahilan ko. Tumawa lang siya.

Mag-uumpisa na sana sa klase si Ms. Estrabella, ang substitute teacher namin, ng pumasok ang grupo ng nakabangga ko kanina. My eyes darted on the girl in the middle, nanlaki ang ang mata ko ng nakilala ko ito. Charlotte.

Nanlilisik na mata niya akong tinignan ng magtama ang paningin namin. I sighed. Galit siya sa akin, obviously.

Mga kaibigan niya pala iyong mga high rank na nakabangga ko kanina, kaya naman pala pareparehas na mga matapobre.

Umupo sila doon sa gitnang row, mas papansin pa ata tong mga toh kesa kay Harris eh.

Nagsimula ang klase at naging topic namin ang mga abyss. Naging atentibo ako sa pakikinig.

"Katulad natin, may kanya-kanyang ranks rin ang mga abyss. Low ranks, sila iyong mga mahihinang abyss madali silang patayin pero wag pa rin mag pakampante."

Dali dali akong nagtake notes habang patuloy siyang nagsasalita.

"Mid ranks, may kalakasan at may abilidad ang mga itong lumaban may isip. High ranks, delikado......sobrang delikado nila, may abilidad at isip rin silang kagaya natin, their form is not like the other abyss,para rin silang ka-anyo natin but their eyes are extremely black. And lastly, Abryssa, their goddess,the one who created them, she has a power eqaulled to Eleteia, at lalakas pa ito kung patuloy siyang makakakuha ng kaluluwa ng mga nabubuhay dito sa taas. You could tell if there is an abyss, if the surroundings feel heavy at patay ang mga halaman dahil sa sobrang negativity na dala nila, trust your instincts if you feel that there is one." explain ni Mrs. Estrabella.

CERISE ACADEMY:THE ELEMENTALS [ON GOING]Where stories live. Discover now