...

121 4 0
                                    

“Myrrh! Dali!” Sigaw ng best friend ko na parang kilig na kilig pa. Ano na naman ang sumapi sa kaniya?

“Putek ‘yung crush mo nag-comment sa short film mo! Hayop ka! Sana all!”

Napatitig ako sa kumentong sinasabi niya. Totoong ngang nag-comment si Luke Soriano sa short film kong Bigas.

“OMG! Is it true??!!” Gulat ko pang tanong kaya nabatukan ako ni Bella.

“Ay! Hindi. False ‘yan.” Walang gana niya akong tiningnan at sinampal sa akin ang telepono niya.

“Basahin mo na lang, nakakatamad ka talagang kausap.” Dagdag niya pa pero hindi ko na siya pinansin dahil tutok ang mata ko sa kumento ni Luke.

“Ang ganda naman ng mga transition! Ang lupit mo, Direk! Pa-tuts naman minsan. Hehe.”

Putsa! Maikli pero may dating. Hindi ko na binasa ang iba pang mga kumento. Mas lalong hindi ko binasa ang mahahabang kumento. Thank you, I appreciate it pero iba kapag galing kay crush. Hihi!

-

“Sige na po, Mrs. Castro. Hindi po ako manggugulo sa klase niyo. Makiki-sit in lang naman po ako at makikinig sa mga turo niyo.”

Pinipilit ko na maki-sit in sa klase kung saan naroon si Luke. Ito lang ang schedule niya na natapat sa libreng oras ko. Sa kamalas-malasan pa nga ay natapat pa sa masungit na professor.

“Basta’t wala kang gagawing kakaiba ay ayos na. Maliwanag?”

Nagningning ang mga mata ko at nagpasalamat. Masaya akong naglakad papunta sa classroom kung nasaan si Luke at sakto namang bakante ang upuan sa kanan niya kaya’t naupo na ako ro'n.

Hindi niya pa ako napansin noong una. Nanlaki na lamang ang mata niya nang makita na ako ng malapitan.

“Ay! Put—Direk!”

Natawa ako sa reaksyon niya at kunwaring nawirduhan sa inakto niya. Pero deep in side, gusto nang sumabog ng puso ko. Grabe! Ang pogi pala niya sa malapitan?

“Ako si Luke! Grabe sobrang ganda ng latest short film niyo! Gagawa kami ng review tungkol do’n. Nagliliyab talaga ang mga gawa niyo! Ang angas!”

Natuwa ako sa sinambit niya at nagkwentuhan na lamang kami hanggang sa dumating si Mrs. Castro.

Simula nang araw na ‘yon ay palagi na kaming magkasama sa lahat.

-

“Myrrh...” Pagod na pagod na lumapit sa akin si Luke hawak ang isang canvas at ang isang palette.

“Hindi ko na alam ang ipipinta ko. Kailangan ko na ‘yon sa susunod na linggo.”

“Edi ako na lang dahil maganda ako.” Pagbibiro ko pa sa kaniya pero sineryoso niya.

Parang may lumabas na bumbilya sa tuktok ng ulo niya kaya’t nagliwanag ang mata niya.

“Ang talino mo talaga, Myrrh! The best ka! Haha!”

-

“Putek! Myrrh! Tingin dali!” Hinila niya ang back pack ko at pilit na ipinapakita ang canvas sa akin.

“Ako ‘yan...” Mahinang sambit ko at itinuro pa ang canvas.

“Oo! At tingnan mo! 97 ang grade ko lintsak! HAHAHA.” Tuwang-tuwa siya sa naging resulta.

“Dahil tinulungan mo ‘ko at ikaw naman ‘tong ipininta ko, sa iyo na ‘to.”

Bumilis ang tibok ng puso ko at tiningnan siya. Hindi ko na kaya. Ayaw ko ng magpanggap na kaibigan niya lang ako. Lalo na’t mas higit pa ro’n ang tingin ko sa kaniya.

“Gusto kita, Luke.” Nagulat siya at natauhan naman ako sa sinabi ko.

Tumakbo ako palayo at ‘di na muling lumapit pa sa kaniya.

-

“Alam mo, hinahanap ka na rin ni Luke sa mga ka-block mates natin. Bakit ba kasi lumayo ka? Hindi mo man lang hinintay ‘yung sasabihin niya.” Sambit ni Bella.

“Anong gagawin ko? Sira na ang friendship namin dahil umamin ako. Paano kung ‘di niya ako gusto?” Pagtuligsa ko pa.

“'Di mo sure.” Gulat akong tumingin sa likod at sabay tingin sa best friend ko. Grabe! Ibinenta ako ng loka!

“Haha. Bye, Myrrh! See you tomorrow!” Ngingiti-ngiti siyang umalis sa harapan ko at umupo naman do’n si Luke.

“Bakit mo ako iniiwasan? Ilang linggo kaya kitang hinanap.” Nagtatampong sambit niya.

“Kasi ano... Baka hindi mo ako gusto...”

“Hindi kita gusto... because?” Natawa ako sa sinambit niya at gayon din siya.

“Hindi mo naman kailangang umiwas dahil we feel the same way.” Dagdag niya pa na ikinagulat ko.

“So, dalhin mo na ako sa inyo para pormal kong ipaalam sa parents mo na nagkakagustuhan na tayo. Haha.”

-

“Grabe. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Miss na kita, Mahal.” Sambit ko.

Hinimas ko ang lapida niyang nakasulat sa pangalan niya.

“Walang araw na hindi kita naiisip. Sana ay iniisip mo rin ako.” Dugtong ko pa.

“Sana kung nasaan ka man ay masaya ka. Kasi ako, masaya akong ipinahiram ka ng Panginoon sa akin.”

Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko.

“Kakayanin kong hindi kita pisikal na kasama hanggang sa pagtanda... Pero ‘wag mo sana akong kakalimutan dahil ako? Hindi kita makakalimutan. Mahal kita, Luke...”

“Mahal na mahal...”

Luke Soriano
1993 - 202x

Sa 'yoWhere stories live. Discover now