Memories of You

61 7 2
                                    

Huwebes

2:45 pm

Nakita ko na naman siya na nagdo drawing sa park

Nakakatuwa siyang pagmasdan

Sabado

9:00 am

kanina ko pa siya hinihintay dito.

alam ko oras ng pag jogging niya ngayon.

Inilipat niya ang pahina at natatawa siya sa nababasa.

Stalker pala si Jonghyun!

Kaya pala nagugulat na lang siya kahit saan siya pumunta bigla na lang itong sumusulpot.

Bawat pahina yata ng kulay asul na notebook

ay may nakatala tungkol sa kanya.

Napangiti siya naiimagine niya habang

nagsusulat ito. Madalas kasi nanunulis ang nguso

nito habang nagiisip ng maisusulat.

Tapos kapag nahuhuli siyang nakatingin

Biglang ngingiti nalabas ang dimple

sa magkabilang pisngi.

Napataas ang tingin ni Paulyn nang tawagin siya ni tita Jane niya.

Kumaway ito at pinasusunod siya.

Nagmamadali siyang sumunod matapos ilagay ang gamit sa bag.

Sumakay sila sa ferry.


Paulyn, mayruon daw marine reserve sa banda duon.

Magsnorkeling tayo.

Sige Tita. Balita ko nga maganda daw ang mga coral duon.


Inakbayan siya nito. Natutuwa si Jane na makitang ngumingiti

na ulit ang pamangkin. Alam niyang mahal na mahal nito ang asawa.

Pero panahon na para mag move on. Ityon din ang hiniling ng

nanay ni Jonghyun na si Che. Ito ang gumastos sa bakasyon

nila.

Gusto nitong makakawala na sa lungkot ng nakaraan si Paulyn.

Second ChanceWhere stories live. Discover now