Dreaming

52 6 4
                                    

Hindi niya alam kung bakit,  pero

bigla siyang nagising. Kinakabahan siya.

Madilim ang paligid at bukas ang pinto ng kwarto niya.

Kumunot ang noo ni Pauline.

Nasa labas siguro si Jonghyun at may ginagawa sa living room.

Jonghyun...

Lumabas siya ng kwarto at pupungas pungas na naglakad.

Jonghyun...

Anung ginagawa nito? Bakit nahiga sa sofa?

Babe bakit diyan ka natulog?
Lika na dun sa kwarto..

Naghikab si Pauline. Inaantok pa siya. Dumilat si Jonghyun at tinitigan siya.

Lika na bakit ba dito ka natulog?

Hinila niya ito at pumasok sila sa kwarto.

Inayos ni Jonghyun yung unan at tumabi siya dito. Niyakap siya ni Pauline.

Dito ka lang.

Pumikit na ito nakayakap pa sa asawa niya. Napangiti pa ito ng maramdaman ang halik ng asawa sa noo niya.

Sinuklay suklay ni Hyunnie ang buhok ni Pauline gamit ang daliri niya. Nanaginip siguro.. Naisip niya.

Hinayaan niya lang ito.

Pumikit siya. Anu kaya kung...

Nagulat siya sa tinatakbo ng isip niya. Napaka daming nagbago sa kanya dahil sa babaing kasama niya.

Anu bang nangyayari sakin?

Pakiramdam niya meron siyang dual personality. Nagiging laid back siya.
Hindi na ako ito. Sa kababasa ko ito ng notebook na yun. Dapat yata itapon ko yun eh.

Nakatulugan na niya ang iniisip.

Nang dumilat siya, nagliliwanag na ang langit. Si Pauline naman ay mahimbing paring natutulog at nakakapit sa damit niya.

Hinawakan niya ang kamay niyon.

Dahan dahan siyang tumayo at kinumutan ito.

Lumabas siya ng kwarto at nagpalit ng suot. Isinampay niya ang pajama sa sandalan ng sofa.

Nagsuot siya ng sapatos at lumabas ng bahay. Pumunta siya sa kotse niya at nilisan ang lugar.

Habang daan ang daming pumapasok sa isip niya. Hindi naman siguro siya minumulto ni Jonghyun. Wala naman siyang kasalanan dito. Sa totoo lang, ito ang may utang sa kanya.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon