44

3 2 0
                                    


kurt pov

andito ako ngayon sa labas ng mall inaantay si tomboy may sukli pa ko don eh 

di ko alam kung about ba talaga sa sukli yung inaantay ko o sisingilin ko nalang sya sa paggasgas sa baby lambo ko

nakita syang lumabas tumayo ako at lumapit sa kanya kaso bigla itong may sinagot na tawag sa cellphone niya ata agad tong tumakbo

taeng tomboy yon ambilis tumakbo

agad akong tumakbo papunta sa kotse ko at sinundan siya 

napadpad kami sa hospital??

pinark kko ang sasakyan ko sa parking lot  at pumasok sa loob

pano ko hahanapin yon?di ko nga alam pangalan non pati apilyedo ?shemmay naman 

wala akong choice kundi ikutin ang buong hospital

-

naikot ko na ata buong hospital pero wala sya hays makauwi na nga lang 

napatigil ako ng may marinig na umiiyak

sinundan  ko ang tunog nito at napdpad ako sa bench 

teka si tomboy to ahhh

umupo ako sa tabi nito

pero di ata ako napansin nito

"problema mo tomboy?"tanong ko dito

bahagya itong tumingin sakin

"anong kailangan mo *hik* hambog?"bakas sa boses nito na d siya okay at pinipilit niyang maging ok

"ah eh yung sukli ko hehe saka bayadan mo yung gas gas mo sa lambo ko"sabi ko rito

"eto *hik* yung sukli mo...naka lambo ka pero wla kang pang paayos?*hik*"humihikbing sabi nito saka inabot ang 500


"ikaw may kasalanan non eh"sabi ko dito 

"o-osigi pag iipunan ko...kung wala ka ng sasabihin pede ka ng umalis"sabi nito at tumingin ulit sa langit

"bakit ka ba umiiyak tomboy?"tanong ko

"wala,umalis ka na"sabi nito

nakita kong may hawak siyang papel natila ba bigay ng doktor

"ano yan tomboy?"tanong ko agad naman niya itong itinago

"wla"sabi nito"saka pwede ba wag mo kong tawaging tomboy may pangalan ako"

"ano?"tanong ko

"billie"sagot nito"billie reyes"

prftttt HAHHAHAAHHA pangalan palang pang tomboy na HAHHAHAHAHAH

"eh ikaw hambog?anong gingawa mo dito?"tanong nito

"sinundan ka para singilin"diretsyong sagot ko at tumingin sa langit"saka may pangalan ako di ako si hambog ako si kurt"

"nakuha mo na sinisingil mo ham--kurt pede ka ng umalis "sabi nito 

"osigi babye billie reyes"sabi ko at tumayo

billie reyes pov

pagka alis ni hambog este ni kurt bumagsak ulit ang mga luha ko 

tiningnan ko ang papel na hawak ko 

bill ng hospital to pano ko babayaran ang 2 million??at may 1 buwan nalang akong palugid

may heart disease si mama kaya anlaki ng bill namin halos 2 months na syang nandito at di ko si sya mailalabas hanggang di pa bayad pano liliit bayadin ko kung kada araw niya na andito may charge sa bill

tangina

mahal na mahal ko si mama pero san ko kukunin to huhuhu

may utang pa ko don sa kurt na yon bat kase nakita ko ulit to sana di niya na ko siningil sa nagasgas ko

mahal ang lambo kaya alam kong mahal ang pagpaparepair

tangina san ako kukuha ng 2 milyon sa isang buwan

"napapagod na ko"iyak ko habang tinitigan ang papel na hawak ko

yung basketball na inaasahan ko na makakapanalo ako ng 20k na malaking tulong na para sa bill pero naging bato pa

inilabas ko ang pera ko sa bulsa 

"5k ..san to makakarating?"nanginginig ko itong binalik sa pitaka ko 

niyapos ko ang tuhod ko dahil wala na kong ibang magawa kundi umiyak...

-

pinatahan ko muna sarili ko bago ako bumalik sa loob ng hospital 

ayokong makita ako ni mama ng naiyak

bumalik ako sa hospital billing office

makikiusap nalanng ako na bigyan pa ko ng panahon para mabayadan ang bill

di ko kayang mawala si mama

kahit makuba ako kaka trabaho di ko sya papabayaan 

knock 

knock

"pasok"rinig kong sabi ng tao dito

"anong kailangan mo?"tanong nito

"about po sa bill ni sally reyes"sabi ko

"bayad na ito ineng ,kanina lang kakaalis lang ng nag bayad"

"po???"takang tanong ko

"oo neng ,diba ang pangalan moy billie reyes?"tanong nito na agad kong kinatango

"ayun,sabi nung lalake kanina yung relatives daw ng billie reyes ,eh mama mo lang naman ang reyes dito na naka admit tas tiningnan ko info ng mama mo ,nakita ko ang name mo sa info ng mama mo eh"sabi nito

"a-ano daw po pangalan nung lalake?"nangingiyak kong tanong kailangan kong malaman at makapagpasalamat ako

"kurt ata ineng"sabi nito 

si hambog???bakit??pano niya nalaman?

"neng pede moo ng ilabas mama mo"sabi nito ng nakangiti

nanginig ang luha ko at niyapos ito

'salamat po" sabi ko at nag paalam

salamat kurt tuloy tuloy na tumulo ang luha ko at binuksan ang pinto sa kwarto ni mama

"mama"iyak kong papalapit dito at niyapos ito

"bakit anak?"tanong nito sakin at hinimas ang ulo ko

"mama makakalabas ka na ng hospital"sabi ko dito at patuloy pa ding tumutulo ang luha ko

"anak papaano?"tanong nito

"mama,may tumulong satin,"tumingin ako sa cross na nakasabit sa taas ng kama ni mama"isang mabuting kaibigan mama"sabi ko dito

"ipakilala mo siya sa akin anak para makapag pasalamat ako
"sabi nito tumango ako

"opo mama pangako"sabi ko 

"mama aayusin ko lang po gamit niyo"sabi ko dito at humiwalay sa yakap saka ko inayos ang gamit ni mama

kurt pov

andito  pa din ako sa parking lot ng hospital inaantay silang lumabas

maya maya ay nakita ko silang papalabas habang nakangiti then suddenly i found myself smiling at them

ewan ko pero pakiramdam ko na ang saya makatulong lalo na sa kanya

I'm INLOVE with My ENEMY (completed)Where stories live. Discover now