25

28 2 0
                                    

Chloe pov

"andito na tayo" sabi sakin ni keefee habang pinapatay ang engine ng sasakyan umayos naman ako ng upo at saka tinanggal ang seatbelt

Lumabas naman si keefer at binuksan ang pinto ko

Lumabas ako ng sasakyan halos mamangha ako sa ganda ng bahay o mansyon

" dito kayo nakatira?" tanong ko sa kanya

" oo bumukod kami sa parents namin" sagot niya

Tumango nalang ako bilang sagot

Hinawakan naman niya ang kamay ko bago kami pumasok sa bahay

"woyyy!!! Akin na nga yan kurt!!put* ka!"

"aba ano ka chicks!!!"

"tumigil nga kayo para kayong mga bata"

" anong nangyayare dito?" tanong ni keefer ng maka pasok kami

" si kurt kase ayaw ibigay sakin ang ipad ko!" sumbong nung isang lalaki

"gago mike para kang bata"sagot naman nung kurt ata yon

" bro eh sino yang kasama mo? " napatingin naman sila sakin

"ikaw!!!"sabi nung kurt

" hah? Ako?" takang tanong ko

" ikaw yung babaeng --" di ko na pinatuloy sasabihin niya dahil natatandaan ko na siya

" ikaw yung bumangga sakin? " sabi ko sabay ngisi

"opppp oppp kurt tama na yan" napatigil naman siya dahil nag salita na si keefer

Umayos naman ang lahat kaya natawa ako ng bahagya

Pumunta kami ni kurt sa isang sofa

" guys ipapakilala ko sa inyo si princess chloe sanchez girlfriend ko" sabi ni keefer tumungo alo siguradong namumula na namam ako nito

" may gf ka keefer?!!!"

" pang matagalan?"

" naks tuli ka na ba?"

" manahimik nga kayo tskk chloe eto si ericko(turo) ,si evans (turo) at yung kasagutan mo kanina si kurt" sabi ni keefer tumango naman ako

" magandang araw sa inyo" sabi ko sabay yuko

"keefer alam mo bang sya yung tumadyak sakin sa ano ko"napatingin si keefer samin ni kurt

"panong di kita tatadyakan binunggo mo ko tas sinigawan "sabi ko dito aba alangan di ko sabihin ang totoo

" hepppp!!! Kurt i warning you don't ever go near to my GIRLFRIEND" sabi ni keefer kay kurt tumango naman si kurt at tumawa

Inemphasize pa talaga ni boyfriend ko ang girlfriend tsk

"possessive" narinig kong bulong na sabi ni Kurt

"tsk shut your mouth " sabi ni keefer

Nag kwentuhan kami ng kaonti bago ako mag pa alam umuwi

" una na ko " paalam ko nag prisinta naman si keefer na ihatid ako kaya lumabas na kami ng bahay nila

I'm INLOVE with My ENEMY (completed)Where stories live. Discover now