Worth it: Part 1

5 0 0
                                    

Epiphany's point of view
          Hi! Ako si Epiphany Celestine Castle... 21 years old.... Naranasan mo na bang umasa sa wala? Yung sa una may pake alam pa siya sayo pero nung tumagal parang nawawala na yun... yung tipong hahayaan ka na lang niya... yung pinag awayan nio di na niya aayusin...
'Celestine... Ano ba di ba kakasabi ko na sayo na gawin mo yung gusto mo basta wag mo akong idamay...' yan si Marco... boyfriend ko... parang wala nang halaga yung pagsasama naming dalawa... ilang taon din yun...
'Marco naman... anniversary natin tapos hahayaan mo lang ako... di ba dapat tayong dalawa yung mag kasama.. pero bakit....' pinutol niya yung sasabihin ko
'Alam mo celestine... yan ka nanaman eh... pede naman di bang mamaya nalang kita mong may ginagawa pa ako oh..' masakit sobrang sakit nung pinagtatabuyan niya ako..
'Marco.. hindi naman tama yan.. ako yung girlfriend mo pero kasama mo yung tropa mong babae.. ano siya na ba yung bago or sabihin nating kabit mo?' Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya..
'Ano nanamang pinagsasabi mo Celestine! Kanina ka pa hah! Walang kasama si Joyce dun sa inuman namin...'
'Aba nga naman Marco! Inuman pa talaga! Inuman pa! Malamang wala siyang kasama kasi puro kayo lalaki!'
'Alam mo yung maganda Celestine...? Mag hiwalay nalang tayo,' Di ko na napigilan yung mga luha ko..
'Oo nga Marco! Maghiwalay na lang tayo! Pang ilan na tong break up na ito! Pangatlo?! Tapos kapag nagtino na yang utak mo susuyuin mo ako para magbalikan tayo!'galit na galit kong sabi sa kanya..
'Hindi na Celestine! Hindi na kita babalikan pa!'
'Ahh ganun? Sige! Maghiwalay na tayo! Happy 3rd anniversary pala! Tutal sawa na ako sa ugali mo! Yan yung gusto mo eh! Sige break na tayo!' Sabay hagis ko ng cake sa mukha niya...
Arghh! Bakit ba ganto yung mga nangyayari... Hindi naman ganito dati ahh.. Pumunta ako sa bar ng pinsan ko....
'Celestine!' Patakbo siyang pumunta sakin...
'Anong nangyari sayo? Umiiyak ka nanaman... Nagbreak nanaman kayo ?' Niyakap ko nalang siya..
'Besh masakit eh... sobrang sakit nun...' Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo kami...
'Eh bakit ba kasi hanggang ngayon jowa mo parin yun.. ilangg beses na kayong nagbreak... pang ilan na ba ito? Pangatlo diba?' Hinahagod niya yung likod ko...
'Eh kasalan ko bang marupok ako Vynz huh?'
'Ay juicecolored Celestine hindi naman ganyan si tita ah' sabay abot niya sakin ng tubig...
'Ewan ko sayo Vynz... bakit ikaw hindi ka marupok?'
To be continue.....

Worth it: Running Torwards A Dream With No RegretWhere stories live. Discover now