Worth it : Part 2.1

0 0 0
                                    

Worth it : part 2.1
"Tara na?" Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming umakyat sa taas. Nakarating na kami sa kwarto ko...
"Uhm.. kuya nandito na po tayo sa room ko.." nahihiya ko pa ring sabi.. binuksan niya yung pinto at hinila niya ako papasok.. di pa rin niya binibitawan yung kamay ko hanggang sa makaupo kami...
"Here... upo tayo.. let's play.." naglabas siya ng mga board games sa bag niya...
"Uhm... sige po kuya.. pano po bang laruin ito?" Sabi ko sabay kuha nung isang board game.. Snake and ladders? Bakit may ahas?
"Ahh.. yan ba? Di ka pa ba nakakapag laro niyan?" Tanong niya habang inaayos yung laro...
"Opo..." nahihiya kong sabi habang nakatingin dun sa mga ahas dun sa laro... eh nakakatakot naman yung ahas.. napalunok tuloy ako...
"Ganto yan Epiphany...." i-explain niya kung paano laruin yun... ahh madali lang pala... naglaro kami hanggang matapos... ako yung unang nakarating sa 100...
"Ang galing mo naman Epiphany..." sabi niya na nakangiti at ginulo ang buhok ko...
"Kuya naman ang hirap kaya ayusin nung buhok ko.." sabi ko habang pilit na inaayos ulit yung buhok ko sa harap ng salamin... nakita kung may kinuha siya sa bag niya nakabox.. binuksan niya yung box nakita ko yung necklace... ang ganda.. para sakin ba yun? Di ko nalang siya nilingon at pinagpatuloy yung pagsusuklay sa buhok ko... nung nakalapit na siya nagulat ako nung ilagay niya ang kwintas sa leeg ko...
"Simula ngayon... Bestfriend na kita. Iingatan at proprotektahan kita Epiphany.." nakangiti niyang sabi at hinawakan niya ang ulo ko.. yumuko ako at hinawakan na lang ang pendant ng kwintas... at napangiti din ako sabay tingin sa salamin kung saan nakatingin din siya at nakangisi...
"Vryxz... kakain na daw tayo..." sabi nung lalaki sa may pintuan ko.. kamukhang kamukha niya. Kambal ba sila?
"Ah.. okay.. susunod na kami Vynz..." sabi niya kay Vynce..ahh kapatid niya, kuya Vynz..
*to be continue

Worth it: Running Torwards A Dream With No RegretWhere stories live. Discover now