CHAPTER 4

14 1 0
                                    

Savannah's POV

"Wala ba talaga kayong relasyon?" Si lemuel yan kanina pa tanong ng tanong nakauwi na kami pero tanong parin ng tanong.

"Wa.la." giit kong sabi.

"Eh bakit nag pahalik ka---hindi lang isa kundi dalawang beses." Wika niya. Nandito kami sa sala ngayon dahil sinabi kong baka marinig kami ng iba.

"Hindi ko naman kasi alam na hahalikan nya ako sa tingin mo ba kung alam ko yun hahayaan ko sya? Ofcourse not kilala moko lemuel hindi ako ganon." Malamyang sabi ko. Pinilit kong wag mautal dahil may part sa akin na nagustuhan yung halik nya pero...bwiset na feelings to!

"Biglaan ganon?Edi wag ka ng dumikit sa kanya baka ulitin na naman nya yun chansing na yon e."

Hindi ko alam kung nag seselos ba tong lalaking to. Halata naman kasi na gusto nya ko---hindi ako assuming sadyang pinaparamdam nya pero di ako sure kung tunay yun o pinagti-tripan nya lang ako dahil malakas ang trip niya kaya binabalewala ko nalang.

"Kaklase ko sya kaya hindi ko maiiwasan yun."

"Tss."

"Tara na kain na tayo." Sabi ko tsaka tumayo at nag lakad ng maramdam kong hinawakan nya ang braso ko at iniharap sa kanya ay agad nya akong hinalikan sa pisnge. Bigla akong naestatwa at para akong matutumba. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa halik niya. Sa pisnge lang yun pero ang lakas ng impact sa akin pero hindi ko matukoy kung anong nararamdaman ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya at hinihintay syang mag salita kung para saan yon pero hindi sya nag salita kundi tinalikuran ako.

Lokong yun! Parang san yon? Abat naka chansing ang loko!

Gaya ng inaasahan ay nandun na silang lahat nakaupo at halatang hinihintay ako. Nang makaupo ako ay tsaka kami nag simulang kumain. Nanjan na yung nag kwentuhan pa kami hindi naman mawawala sa amin yun. Para sa akin second family ko na sila dahil ilang taon nadin kami mag kakasama sa isang bahay, umuuwi lang kami kapag pasko or bagong taon.

Matapos kumain ay nag derederetso na kami sa aming kwarto. Nagpalit ako ng crop top at mahabang pajama.

-
NAGISING ako ng maaga kaya ako na ang nag luto. Habang nag luluto ay hindi ko maiwasang hindi mag isip tungkol sa kalagayan ni zach. May sakit sya kahapon papasok kaya siya? Aish! Hindi ko dapat iniisip yung lalaking yun lakas makapeste bwiset. Inihanda ko ang mga pagkain at tsaka ako pumunta sa cr at naligo. Nag blower ako at tsaka ako lumabas ng cr at nag ponytail at sinadyang mag tira ng buhok sa tig kabilang gilid at tsaka ko sinuot ang clear lens round eyeglasses ko. Minsan lang akong pumasok ng naka glasses pag napag tripan ko lang. Hindi naman masama sa akin dahil bumagay pa ito kaya hindi naman siguro magiging masagwang tingnan sakin dahil ang inosente ko lalo tingnan hehehe.

"Goodmorning!!" Masiglang pang gigising ko sa kila hannah at kaylee. Ewan ko ba ang ganda ng mood ko ngayon kaya masigla ako wag lang akong gagalitin baka maitapon ko sa pluto.

"Wow ang ganda yata ng gising mo?" Ani hannah na humihikab pa.

"Oo kaya kung may balak lang sirain binabalaan kita baka di mo na makita yung jason mo at puro alien nalang makita mo." Biro ko.

"Ay wow ganyan mo ba kami kamahal?" Sarkastikong wika ni kaylee nag na s-stretching pa.

Ngumiwi ako."Kain na tayo gigisingin ko lang sila." Sabi ko at lumabas ng kwarto at kinatok ang room ng mga lalaki.

"Hoy gising na mga senyorito!" Sigaw ko. Bumukas naman ang pinto at lumuwa ang nakatowel lang na si kazer. Ay wow may abs ang peg.

"Aba't himala ang aga nyo naman yata gumayak goods yan hala bumaba na kayo." Sabi ko.

It All Started With A DareWhere stories live. Discover now