18

42.2K 1.1K 126
                                    

"HAY."

Napalingon si Summer sa kaibigan na si Celine. Matamlay naman na sumandal sa backrest ng upuan ang babae. Nasa cafeteria kasi sila dahil may isang oras na vacant sila bago ang susunod nilang klase.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya dito. Inilapag niya ang tray na may lamang mga in-order niyang pagkain sa mesa bago naupo sa katapat nitong upuan.

"Badtrip kasi bes, wala na akong silay." nakangusong sagot nito sa kanya.

Nagtaka naman siya. "Huh?"

"Si Prof Yummy kasi, nabalitaan ko na nagresign na siya. Ang balita ko, pupunta na raw siya ng ibang bansa."

Natatawang napailing na lang si Summer, isa lang naman kasi ang tinatawag na Prof Yummy ni Celine at crush na crush ng kaibigan niya, si Prof Warren dela Paz.

"Oy, diba ka ba malungkot? Diba sobrang close kayo ni Prof?"

"Hindi naman kami ganoon close 'noh." depensa niya. Mabait naman sa kanya ang professor nila, nagkakausap din sila dahil halos palagi siya nitong inuutusan, pero hindi naman talaga sila ganoon ka-close.

Pero may parte niya ang parang nalungkot nang malaman na nagresign na pala ang lalaki. Kahit naman kasi paaano nakagaanan na niya ito ng loob.

"By the way, pi-fill-up-an mo ba yung application para sa exchange student program abroad para sa mga scholars? sayang yun."

Natigilan sa pagkain si Summer sa pagkain dahil sa tanong ng kaibigan. May exchange student program abroad kasi ang La Croix University para sa mga scholars na katulad niya. Sagot na rin ng school ang lahat ng gagastusin magmula sa paglalakad ng passport, tuition fee, dorm na tutuluyan at allowance.

At nang malaman niya ang tungkol doon, magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya iyon pinag-iisipan na tanggapin.

Oo, maganda at maayos na siya sa LCU, lalo na at isa ang La Croix University sa mga prestigious school ng bansa, pero kasi, nanghihinayang siya sa opportunity. Pero nagdadalawang isip din siya sa tuwing naaalala niya si Comet.

Paano na ito kung wala siya sa tabi nito? Papayag kaya ito na malayo siya? At isa pa, makakaya kaya niyang malayo siya sa binata?

"Uy, Summer? Ayos ka lang ba? Hindi ka na nakaimik dyan?" untag sa kanya ni Celine. Ngumiti siya sa babae.

"O-oo naman, ayos lang ako." sagot niya. Nagkibit-balikat na lang si Celine, itinuloy na lang nila ang pagkain nila para makapaghanda pa sila para sa susunod na klase.

Nang matapos ang klase, naglakad palabas ng university si Summer. She tried to send a text message to Comet para itanong kung nasaan na ito. After a minute, nabigo siya dahil wala siyang nakitang reply mula sa binata.

Diretso na lang siyang lumabas ng gate ng university. She smiled when she saw Comet's car pero agad ring napawi iyon, napakunot-noo na pa siya nang makita na hindi kasama ni Kuya Marvin si Comet sa pagsundo sa kanya.

"Si Comet po, kuya?" tanong niya sa lalaki nang makapasok siya sa loob ng kotse.

"Nasa mansyon pa, nawili ata sa kwentuhan nila ni Doc Marge kaya naman ako na lang ang sumundo sa iyo."

Hindi na lang umimik si Summer. Ipinagsawalang bahala na lang niya ang kaunting lungkot na nararamdaman. Naiintindihan naman kais niya na pursigido talaga si Comet na tuluyang gumaling kaya naman naiintindihan din niya kung bakit bihira na lang sumama si Comet sa paghatid-sundo sa kanya sa university simula nang bumalik sila mula sa isla nila.

Pagdating nila sa mansyon, parang may kumurot sa damdamin ni Summer nang makita niya kung paaano makipagtawanan si Comet kay Doc Marge. It also like he's looking at Doc Marge by how he's looking at her. Alam niyang mali na magselos siya sa nakikita pero kasi, hindi niya maiwasan.

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now