Chapter 4

13 9 0
                                    



There are times that I feel useless person to my friends and I don't know what to do when they needed me the most. Today is one of those times.

"Girl!" Chat sa akin ni Aizel. 

Sinend niya ito 4 hrs ago na, ngayon ko lang nabasa dahil naglinis pa ako ng bahay dahil kung hindi ay mapapagalitan na naman ako at masasabihan na wala na akong ginagawa na gawain sa bahay kahit meron naman.

"Yes, girl? I'm sorry for late reply. What is it?" Reply ko sa chat niya sa akin. 

Nag-seen naman siya agad matapos mag-deliver ng message ko sa kaniya. At mukhang magre-reply na rin base sa indicator ng messenger na may tatlong tuldok na lumalabas.

"Wala pala, girl, okay na ako." Reply niya naman sa akin. 

Sa tingin ko ay may problema siya at dahil hindi agad ako nakapag-respond ay sa iba niya na nasabi. But I am the person who will still try to help even though I am late and I can no longer help them, but I want to try still.

"Ano nga, girl? May problema ka, ano? Sabihin mo na, promise makikinig ako sa'yo. Sorry at late ako, may mga ginawa lang kasi ako, kwento mo na, I will listen" Pamimilit ko pa sa kaniya na sabihin kung ano man 'yung gusto niyang sabihin sa akin. Ngunit sa huli ay hindi niya rin sinabi, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko na alam kong may problema 'yung kaibigan ko ay hindi naman ako nakatulong man lang.

Nakakapangsisi talaga kapag ganitong may problema 'yung mga kaibigan ko tapos hindi man lang ako nakagawa ng paraan kung paano siyang tutulungan, gusto kong sisihin 'yung sarili ko kasi kailangan ako ng tao pero wala ako sa tabi niya o kahit man lang makikinig sa kaniya ay hindi ko nagawa.

Napansin ko nalang ang sarili ko na tulala. Kanina ko pa pala iniisip 'yung pag-uusap naming ni Aizel at nakalimutan ko nang kumain. Tinignan ko ang orasan atsaka ko lang napagtanto na natagalan nga talaga ako sa pag-iisip nu'ng nangyari kanina.

Ewan ko kung maiinis ba ako o malulungkot. Sana'y malaman nila na hindi parating may oras ako sa kanila, na marami rin akong ginagawa. Gusto ko namang makatulong, sino bang hindi? Parati naman akong gumagawa ng paraan upang makatulong, may mga pagkakataon lang talaga na hindi nagtutugma ang bakanteng oras ko sa oras na sila'y magkakaproblema.

Siguro nga'y hindi sa lahat ng pagkakataon eh matutulungan ko ang lahat ng kaibigan ko kahit gustuhin ko man. 

Gano'n naman talaga siguro...

Beneath The MaskDonde viven las historias. Descúbrelo ahora