The Second Installment

567 17 0
                                    

The Second Installment of the DeMarcus series is NOW PUBLISHED!

Read more for a preview.

"Oh! Eloise, andito ka?" bati ng hotel manager na ilang beses ko nang nakita at nakausap. "Dito ka rin ba magpapalipas ng gabi?"

Ngumiti ako. "Oo, kung may mura at bakante pa sana kayong mga kwarto."

Binigyan niya ako ng isang ngiti bago tumingin sa desktop niya. "Tignan ko lang ha? Ang dami din kasing nagcheck-in. Sabado kasi at lahat ay gumagala kaya ayan, nastranded tuloy dahil sa bagyo."

"Mukha ngang busy kayo..."

Sasagot na sana si Michelle nang may sumulpot na isang babae sa tabi ko, natataranta at basang-basa na. Pareho kaming nagulat ni Michelle dahil bigla nalang siyang nagpakita galing sa kung saan. Umatras ako ng konti para mas makalapit siya sa front desk.

"Hi! May extra rooms pa ba kayo? Presidential suite sana kung p'wede at isang regular room na din."

Wow! Mayaman siguro 'to. Last minute ba naman na presidential suite ang kukunin? At kukuha pa ng extra! Hindi ba niya alam na malaki na 'yung suites nila dito?

Mabilis na naghanap si Michelle. "Uh, yes, meron po. Kailangan ko lang ng information ninyo at ng guest, kung p'wede..."

Alam kong matatagalan ang prosesong 'yon kaya umalis na muna ako doon. Naisipan kong magpalit na muna dahil baka magkasakit ako. Pero nang pumunta ako sa common room nila ay masyadong mahaba ang pila.

Kinagat ko ang labi ko at napatingin sa gilid. Sa pagkakaalala ko, may isang private room dito. Mukha namang walang event kaya siguro makakapasok ako doon at makakapagpalit. Saglit lang din naman ako, makaiwas lang sa sakit.

Pumasok ako doon at napabuga ng hangin nang makitang wala ngang tao doon. Pumunta ako sa isang gilid at doon na nagsimulang maghubad. Suot lamang ang panibagong panty ko, napansin kong nababasa na 'yong carpet dahil sa damit ko kaya mabilis ko itong nilagay sa isang plastic bag na nasa emergency bag ko rin. Magsusuot na sana ako ng bra nang biglang bumukas ang ilaw at may pumasok na isang lalaki.

"Oh my god! Isara mo 'yung pinto!!" tili ko at tinakpan ang dibdib ko.

Mukha namang natauhan 'yung lalaki at biglang sinara ang pinto. Ang ikinagulat ko lang ay kasama ko siya sa loob! Hindi siya lumabas gaya ng inaasahan ko!

"Shit! Hoy! Tumalikod ka nga!"

Sobrang init na ng mukha ko sa hiya habang yumuyuko para pulutin ang nahulog na bra ko. 'Yung lalaki naman ay walang hiya parin nakatayo roon, nakatingin sa'kin na para bang unang beses makakita ng babae. Shit!

Nagmamadali kong sinuot ang bra ko at isang pares ng leggings. Pulang-pula ang mukha, hinalungkat ko ang bag ko at nakitang isang sando lang ang dala para sa pang-itaas. Tinanggal ko nga pala dito 'yung sweater ko noong nagdaang araw! Double shit!

"Uh, miss..."

"Teka lang!" sigaw ko at sinuot 'yung cami. Ngayong balot na ang katawan ko ay hinarap ko siya. Nahihiya parin ako sa nangyari pero nanaig ang inis. Bakit naman hindi man lang umalis? Nakita na ngang nagbibihis ako, e! Napapadyak ako sa naisip at tumaas lamang ang kilay niya.

Tumikhim siya, isang mapaglarong ngiti ang sumisilay sa labi. "Okay ka lang ba, miss?"

Mas napalabi ako nang makita ang ngisi niyang 'yon! Aba't! Imbes na humingi ng pahintulot, mukhang na-enjoy pa niya ang nangyari!

Niapitan ko siya at tinulak. "Bastos ka! Ba't 'di ka lumabas, ha?! Nakakahiya!"

"Whoa!" Nanlalaki ang mga mata niya tapos ay itinaas ang dalawang kamay bilang paghingi ng tawad. "Sorry, nataranta lang din ako tulad mo. At may mga kasama akong ibang lalaki, kaya sinarhan ko nalang sila. Would you rather have one man see you naked or five?"

Sa sinabi niya ay mas nag-init ang mukha ko, pero hindi na ako umapila pa. Kung totoo ang sinasabi niya, mas gugustuhin ko na ngang isang lalaki lang ang makakakita sa kahihiyan kong 'yon.

"K-kahit na..." Umiwas ako ng tingin. "Tumalikod ka man lang sana, o kahit pumikit! Hindi 'yong pinanood mo pa ako."

Isang halakhak ang narinig ko sakanya kaya tumingin ako sa gawi niya. May kakaibang ngisi sa labi at hindi ko maitatangging may itsura nga 'to. Napalabi ako. Kung tutuusin, mala-artista pa ang ka-gwapuhan niya. May lahi sigurong taga-ibang bansa dahil sa tangos ng ilong niya.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at umiwas ng tingin. Saan napunta ang inis na nararamdaman ko para sakanya kanina? Bakit parang... biglang nagbago? Pinalitan ng kakaibang pananabik?

Umayos ka, Eloise!

"I'm sorry, miss. Sisihin mo na ako doon, but I couldn't resist..." Mas lumawak ang ngisi niya, pero hindi bastos ang labas non. Parang... mas pogi pa tignan. "Besides, a beautiful and naked woman in front of me is always worth looking at."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Grabe! Ang bastos ng bunganga mo!"

"Bastos?" Mata naman niya ngayon ang nanlaki. "I was complimenting you! Maganda ka naman talaga ah?"

Ngayon, iba na ang dahilan ng pamumula ko. Hindi ko nalang siya pinansin at umikot para kunin ang bag ko. Lalagpasan ko na rin sana siya nang hawakan niya ang braso ko. Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ang mainit niyang palad sa malamig kong balat. Sinalubong ko ang mga mata niya at nakitang wala nang pang-aasar don.

"I really am sorry, miss. Lalo na kung na-offend kita."

Dahil masyado akong naiilang sa kagwapuhan niya, umiwas ako ng tingin at tumikhim. "A-ayos lang... Hindi mo rin naman alam na may nagpapalit dito. Wala din kasi sa lugar."

Binitawan niya ako at inilahad ang kamay niya. "I'm Russell, by the way. Ikaw, ano'ng pangalan mo?"

Tinanggap ko 'yon at nagulat ako nang gawaran niya 'yon ng isang halik. Mas lalong namula ang leeg ko. "Uh, E-eloise.."

Ngumiti siya ng malawak. "Nice to meet you, Eloise. P'wede ba kitang samahan palabas?"

Tumango nalang ako dahil wala akong maisagot. Pagkalabas namin, may namataan akong apat pang lalaki na naghihintay. Mas lalo akong nahiya nang tignan nila ako tapos ay si Russell na nasa likod ko lamang. Tama nga siya! May mga nakasunod sakanyang mga kalalakihan pa!

"Oh, Rus, kilala mo?" tanong ng isa na matipunong lalaki.

"Ang ganda ah. Pakilala mo naman," dagdag ng isa pa.

Napayuko ako dahil hindi ako komportable sa mga tingin nila. Ngunit nang maramdaman ko ang braso ni Russell sa balikat ko ay sakanya ako napatingin.

"This is Eloise, a friend of mine." Naramdaman kong pinisil niya ang balikat ko kaya pilit na ngumiti ako at kumaway sa mga kaibigan niya. "If you don't mind, mauuna na kami. Sasamahan ko lang siya muna."

"Sige lang, Russell," sagot ng isa na mukhang mas matanda sa kanilang lahat. "We'll see you in the morning. Agahan natin para hindi na ulit mahabol ng bagyo."

Nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya at lumayo na kami doon, naglalakad palapit sa gitna ng lobby.

"Ayos lang naman ako. Baka gusto mong samahan na sila," sabi ko nang mapansing nagsama-sama ang mga kasama niya.

Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na 'yon inalala. "What's your room number? Ihahatid na kita."

Umiling ako. "Wala pa. Hindi ko pa alam kung may bakante sila ngayong gabi na mura lang..."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What? Puno na ang karamihan sa mga kwarto. I'm sure ang natitira nalang ay ang mga suite nila."

Bumagsak ang balikat ko sa narinig dahil tama naman siya. Lalo na't madami paring tao sa lobby, mukhang nagkakaubusan na nga ng kwarto. Napahilamos ako sa mukha gamit ang kamay at tumigil sa paglalakad. Gusto ko lang namang ipagpahinga ang mga paa ko dahil kaninang madaling araw pa ako nakatayo.

"You know, I got a presidential suite. Kung gusto mo, doon ka nalang muna..."

READ THE FIRST CHAPTER OF IN MY ARMS.

Hold Me Close (DeMarcus 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon