Chapter One

2.7K 35 1
                                    

EVELYN DeMARCUS

Mommy was busy trying to brush Eva's hair when I entered the family room. Pansin ko ang munting inis sa mukha ni mommy nang hindi mapakali ang bunso namin, lalo na dahil ine-enganyo naman siya ng mga kuya niyang nag-aasaran sa isang gilid. Frustrated na si mommy dahil 'di matapos-tapos ang nais niyang pagsuklay kay Eva pero dahil malikot ito, nawawala din ang ayos.

Natawa nalang ako at lumapit sa kinaroroonan ni dad. Nasa isang couch siya, kaharap ang isang malaking screen kung saan naglalaro sina Russell at Ruel ng barilan. Base sa kunot ng noo ni dad, sinubukan niyang aralin ang laro para makasali sa kalokohan ng dalawa.

"It's easier to learn if you practice, dad," ani ko at umupo sa tabi niya.

Malumanay niya akong nginitian bago tinuon ang atensyon muli sa laro. "In this case, watching is better..."

"Bakit, ate? Kaya mo?" hamon ni Russell sa'kin ng nakangisi. Binalingan niya ako saglit bago bumalik ang tingin sa laro. "You've played this, right? So you can play!"

I rolled my eyes at him. "Doesn't mean I'm good, Rus. Nakakahilo ang larong 'yan."

"Matanda ka na kasi," pang-aasar niyang muli.

Napairap ako sa likod ng ulo niya. "I'm honestly just a year older than you. Hindi ganon katanda 'yon."

Lumingon sa'kin si Ruel. "Technically, a year and ten months. Halos dalawang taon na din 'yon, ate."

"Okay, know-it-all, back to your game," kunwaring inis kong sabi na lamang pero napangiti din.

Minsan talaga ay hindi ko maintindihan kung bakit masyadong seryoso 'tong si Ruel. You would think that Russell would be more mature dahil mas matanda siya, pero mukhang nauna pa atang mahinog itong si Ruel kesa sa kuya niya.

"Ate! Ate! 'Yung books ko, meron na po?!" excited naman na sabi ni Eva sabay sulpot sa harap ko.

Tumingin ako kay mommy na nakalabi na habang nakatingin sa magulo nang buhok ni Eva. I just chuckled and carried her to my lap, cuddling my little sister who is actually taller than me. Malapit na siyang mag-debut and the pride and joy of the family wanted nothing more than LSAT prep books. She was two years in advance with studying, pero hindi pa ata 'yon sapat sakanya.

I hugged her tight briefly. "Of course. Dumating na sila kahapon pa."

She squealed like a little girl and continued to hug me. Nang maglaon ay si dad naman ang nilambing niya, panay pang bola na ang pogi pogi ni dad. Hindi naman sa umaangal ako, dahil dapat lang na may pagmanahan ng kaguwapuhan ang mga kapatid kong lalaki.

"Evie," tawag ni mommy sa'kin nang maupo siya sa kabilang gilid ni dad, nilalaro ang buhok ni Russell na nasa paanan niya. Si Russell naman ay agad umatras para mas malapit kay mommy. Kahit kailan talaga, ang clingy...

"Yes, mommy?"

She gave me a stern glare. "I heard Third is still with her."

Napabuntong-hininga ako at tumango. I knew she would bring it up. It's the only thing left that's stopping Third and I from getting married: his girlfriend. Kung hindi lang specific si lolo sa gusto niyang mangyari, baka matagal ko nang hinayaan si Third. Tutal, wala naman talaga siyang pakinabang sa'kin. His only use to me would be his name. I don't need him, but I need his surname attached to mine.

"Mom, ayan na naman kayo kay ate," angal ni Russell nang nakasimangot. Nasa screen parin ang tingin niya pero pansin na ang pagkainis niya sa pinaguusapan. Mas bayolente na kasi ang pagpindot niya sa mga controls.

"Si lolo kasi, ang daming alam," iling naman ni Ruel. "I don't get why you have to be married. Kayang-kaya mo naman ang DMC Groups kahit wala kang asawa, ate."

Hold Me Close (DeMarcus 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon