CHAPTER 1

769 45 2
                                    

Rui's POV

First day at International School, Diamond University

Katulad ng dati suot ko ang face mask ko at hoodies para makaiwas sa mga nagbabadyang bacteria at viruses sa buong paligid.

Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko, marahil ay iniisip nila na kung sino na namang weak ang bagong salta sa paaralan nila. Nakakapanibago ang ganitong atmosphere. Hindi ako sanay na maraming nakatuon na mata sa akin.

Sa classroom.

"Class, we have a new student who came from Japan. He is Harui Velonzo Hakimura. Let's give him a warm welcome."  intro ng prof.

Nagpalakpakan naman sila. Pero yung mga mata parang nangkikilatis.

"Kindly, tell us something about yourself. "

"Aaahm.. You can call me, Rui. And I can understand and speak tagalog. "

Yun lang. Tama na 'yon, wala rin namang mangangahas na makipag-usap sa akin pagkatapos nito. Bakit pa ko mag-e-effort?

"Nice meeting you, Rui! "

"Welcome, Rui."

"Paalis naman ng mask mo, Rui, para makita namin ang mukha mo."

Natigilan ako. Tapos tumingin ako kay prof.
Tumango naman siya na tila sinasabing gawin ko na.

I sigh. Sige na nga. 

At inalis ko na ang mask ko.

"Oh my! "

"Gosh! Ang gwapo.. "

"Cute naman pala... "

Bulong-bulungan nila.
Nangunot ang noo ko. Anong sinasabi nila?

"Girls, tama na 'yan. Baka matakot si Rui."  binalingan ako ni Prof.  "Ganyan lang sila pero mababait ang mga 'yan. "

Tumango ako.  "I understand."

Matapos ang nakakailang na introduction ay pinaupo na ako ng prof namin.  Dun ako itinuro sa malapit sa bintana, pwesto na pinaka-ayaw ko. Pero wala na akong nagawa kundi umupo roon. Sa bandang likuran ko ay may bakanteng mesa. Puro vandal iyon. Tapos kakaiba ang kulay dahil pinaghalong pink at purple. Medyo isolated rin siya.  Bakit kaya? Sino kaya ang nakaupo roon?

"Psst.. Rui."  tawag sa'kin ng katabi ko. Nilingon ko siya. "Ako nga pala si Kian." inilahad niya ang kamay niya.  "Friends na tayo ah."

Tinitigan ko siya.

"Nagsanitize ka ba ng kamay mo?" sagot ko.
Gusto kong abutin ang kamay niya kaya lang ay natatakot ako na baka may mga nakakapit na germs doon.

Mahinang tumawa siya.  "Germaphobic ka ba? "

"Hindi." sagot ko.  "Madali lang akong magkasakit."

"Ah. Kaya pala. " binawi niya ang kamay niya.  "Sige, eye-contact na lang tayo. Galing kasi ako sa CR eh. Hindi kita pwedeng kamayan. " natatawang sabi niya pa.

Yumuko ako.  "Gomenasai. ----I didn't mean to offend.. "

"Haha. Hindi ako na-offend. Ayos lang 'yon."

Itinaas ko na ang mukha ko.
Mukha namang hindi talaga siya galit. Nakangiti pa nga rin siya.

"May tanong pala ako sa'yo, totoo ba na never ka pang nakapag-aral sa physical school? Home-schooling ka daw sa Japan?."

Sasagutin ko ba siya? Eh nag-uumpisa na ang klase. Hindi kaya mapagalitan kami kapag nahuli kaming nagdadaldalan?

"Okay lang ba na mag-usap tayo? Nagdi-discuss na si Prof, eh."

Ngumisi siya.  "Oo, ayos lang 'yan. May module naman tayo. Kahit hindi ka makinig, matututo ka pa rin."

"Ah ganon ba dito?"

"Oo. Sagutin mo na 'yung tanong ko."

"Oo, hindi pa ko nakakapag-aral sa school. This is my first time."

Pero hindi naman ako ignorante sa mga gawain sa paaralan dahil napapanuod ko naman ang ganitong setting sa mga tv series.

"Naku! Dapat pala balaan kita. Siguradong clueless ka sa maraming bagay. "

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dito kasi maraming bully. Kahit college na mga isip bata pa rin. Kaya mag-ingat ka. Lalo na sa babaeng nakaupo diyan.. " sabay turo sa likurang lamesa. "Naku! Siya ang pinaka-delikadong tao rito. Para siyang bangungot!"

"Bakit? Pangit ba siya?"

Impit siyang natawa. "Hindi noh! Maganda kaya 'yon! Tsaka sobrang sexy pa! Kaya nga lang may tililing."

"Tililing? Ano 'yon?"

"Baliw.    Yun ang ibig sabihin. Baliw siya. " sinabayan pa niya ng pag-ikot-ikot ng daliri niya sa tapat ng kanyang sentido.

"O, eh, bakit nandito? Hindi ba dapat nasa psychiatric facility siya? "

"Masyado nga kasi siyang maganda para ikulong sa mental. Hindi rin makatarungan. Kaya mag-ingat ka na lang. "

Tumango na lang ako.
Actually, hindi naman ako natatakot.

Bumukas ang pinto. Napalingon kaming lahat roon.

Iniluwa niyon ang isang mistisa't magandang babae na may balin-kinitang katawan. Kulay abo ang kanyang buhok na may high-lights na pink. Pulang tila rosas ang kulay ng kaniyang labi at nakasuot siya ng napakaiksing itim na palda at ang pang-itaas ay manipis na itim na long-sleeve na kitang-kita na sa loob ang suot niyang underwear.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino siya!

"Sh-she's the.. the.. psycho girl."

"Good morning, f**kers!" bati niya sa buong klase.

Ang professor namin ay natigilan at tila takot na takot na napayuko na lang habang ang psychotic na babae ay taas noong naglalakad patungo sa direksyon ko.

Agad kong naramdaman ang pamilyar na panginginig ng aking laman.

"Oh! I know you!!! " bulalas niya ng makilala ako.

Dumukwang siya sa akin at inilapit ang mukha sa akin.

Napasandig ako sa sandalan ng silya.

"You are Rui, right? "

"Y-yes... " nauutal kong sabi.

Bahagya kong sinilip ang kamay niya. Tsini-check ko kung wala siyang itinatagong kutsilyo o ice-peak roon. Mahirap na,  baka bigla na lang niya akong saksakin rito.

"Oh my gosh! I can't believe this! Classmates pala tayo! Nice to have you here, Rui. By the way, I'm Harley Mendraza. " Inilahad niya ang kamay niya.  "Nice to meet you."  Nakangiting sabi niya.

Sinilip ko si Kian na nasa likod ni Harley. Pinandidilatan niya ako at sumisenyas siya na tanggapin ko ang kamay nito kung ayaw kong maputulan ng ulo.

Iyon naman agad ang ginawa ko. Nakipag-shake hands ako kay Harley kahit medyo nanginginig pa ang kamay ko.

"From now on, you're mine, Rui!!! " sigaw ng magandang Psycho.

"A-anong.... "

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako at mabilis na hinalikan sa labi!!

Nanlaki ang mata ko.

Narinig kong napasinghap rin ang mga kaklase namin. Marahil ay pati si Prof ay nawindang rin.

Mabilis na kumawala ako sa kanya sa takot na baka kagatin na naman niya ang labi ko.

"What the heck are you doing?! " tinakpan ko ang labi ko.

She smiled.  "I like you, Rui. I'm all yours now. "

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon