CHAPTER 15

187 22 0
                                    

Rui's POV

Pagmulat ng aking mata ay agad kong naramdaman ang sakit sa aking dibdib at tagiliran. Marahil ay napuruhan ang injury ko sa pagbagsak ko kanina. Hay. Sinasabi ko na nga ba. Kaya ayoko sanang maglaro eh. Alam na alam kong mangyayari ito.

Napansin kong may humihikbi at pasinghot-singhot sa gilid ko. Nilingon ko siya. Si Harley pala iyon. Namamaga na at pulang-pula na ang mata niya kaiiyak. Nangunot ang noo ko. Bakit siya umiiyak? Anong nangyayari sa kanya? 

"Harl.. " sambit ko sabay hawak sa buhok niya.

Nag-angat siya ng tingin. "Rui?" sabay yumakap sa'kin. "Rui! Buhay ka!" ngawa niya.

Napangiwi ako. Aray.. Ang ribs ko. 

"Bakit ka umiiyak? Hindi pa ko mamamatay."

Suminghot uli siya. "Ang tagal mo kasing natutulog. Hindi ako mapakali, binabantayan ko kung humihinga ka pa."

Parang gusto kong matawa.

"Masama akong damo, Harl. Hindi ang katulad 'non ang makakapatay sa'kin."

I already cheated death once. I'm a devil incarnate.

"Kamusta ka na? May masakit pa ba sa'yo?" tanong niya.

"Maliban sa ribs ko, wala na."

She really is worried. I somehow feel....... happy.

"Siguro napasama talaga ang bagsak mo kanina." bahagya niyang hinawakan ang tagiliran ko.

Aray! Masakit! Pinigil ko ang kamay niya. "Don't try to touch me, Harl. Nasa clinic tayo. I might do things that unnecessary."

Napangiti siya. Yung ngiti na pilya. "Pervert. Sige nga, gawin mo nga."

Aba't gusto rin! Maldita talaga!

"Mr. Hakimura.. " si Coach. "How's your feeling? Okay ka na ba? " at lumapit siya.

"Yes, Coach." Syempre hindi totoo iyon.

"Good." tumango siya. "Pero I'm still not happy na hindi mo sinabi sa akin na may fractured ribs ka pala. The doctor told me na hindi ka pala allowed na gumawa ng any physical activity like sports dahil sa injury mo."

Nakita kong nagulat si Harley. "Fractured ang buto mo? Bakit? Saan mo nakuha ang injury mo?"

Hindi ko siya sinagot. Nakatuon pa rin ang tingin ko kay coach.  "Ang akala ko kasi kaya ko na, Coach. I apologize for not telling."

"That's fine. But I'm sorry to tell you this, I decided to pull you out from the team. " malungkot niyang sabi.

"I understand, Coach."

"Okay. ---Sige. Magpahinga ka na."

Tinanguan ko siya kasunod ay lumabas na siya ng clinic.

Si Harley naman ay dumukwang sa akin. "Oy." naniningkit ang mata niya. "Hindi mo pa sinasagot ng tanong ko. ---San mo nakuha ang injury mo?"

Hay naku. Ang kulit.

I sigh. "I fell from the rooftop of a 15-storey building."

"What?!!! " bulalas niya. "Mabuti nabuhay ka pa?! "

I smiled. Kinagat agad niya ang pagsisinungaling ko. Ang babaw talaga.

"Of course. Sabi ko nga sa'yo di ba? Masama akong damo."

Niyakap niya akong muli.  "Mabuti na lang. Kasi kung namatay ka that time, hindi kita makikilala."

"I think that is better. Sinampal mo kaya ako ng pagkalakas-lakas nung una tayong magkita."

Natuptop niya ang kanyang bibig at humagikgik. "Oo nga pala. Pero okay lang 'yon hinalikan naman kita after. "

Namilog ang mata ko. "Hinalikan mo nga! Kinagat mo naman ang labi ko! "

She just smile at ibinalik ang pagsuksok sa gilid ko. "Sorry na. I love you na nga di ba?"

She always tells me that she loves me. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya but I guess it's much better than giving me pointless threats and annoying seductions.

"Harl... "

"Hmm?"

"Let's go home."

She smile.  "Aye!" sabay saludo.

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon