Chapter 14

96.3K 884 19
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 14

“Everything happens for a reason.”

George

Parang biglang nasemento ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Nanlamig ang buong katawan ko. Bigla akong kinabahan. Natakot ako. Si Miss Lee nandito kausap si Mr. Eun. Nakita niya ako.

“George? Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Miss Lee.

“Uhm, Ma’am, h-hi.”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano’ng isasagot ko? Na nandito ako dahil dito naman talaga ako nagtatrabaho? Dahil ang boss ko talaga ay si Mr. Eun?  Dahil ako ang spy? Tama bang sabihin ko na ngayon ang lahat?

“Magkakilala kayo?”

Pareho naman kaming napatingin sa nagsalita. Si Mr. Eun. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Kahit kailan talaga napakasama niya. Napakamakasarili.

“Bakit ka nandito, George?” Parang may galit na ang tono ang pananalita ni Miss Lee. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat.

“Hindi mo ba kayang magsalita, George? Naging pipi ka na ba? Gusto mo bang ako ang magsabi kung ano ang ginawa mo rito, my favorite employee?” Seryoso si Mr. Eun. Nakatingin siya sa mga mata ko.

“Ma’am, let me explain—” Bago pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko na ang palad ni Miss Lee sa pisngi ko. Galit na galit ang mga mata niya. Ang sama-sama ko siguro para sa kanya.

 Paano ko ba sasabihin na napilitan lang ako? Paano ko sasabihing hindi ko naman ginusto ang mga ginawa ko? Paano ko maipagtatanggol ang sarili ko gayong si Mr. Eun ang may sala? Na si Mr. Eun ang kumokontrol sa mga nangyayari?

“Manloloko ka! Pareho kayo ng boss mo! Magsama kayo!”  Kinuha na ni Miss Lee ang bag niya at naglakad na palabas. Alam kong hindi siya makapaniwala. Nakita ko sa mga mata niya ang unti-unting pagdaloy ng luha. Alam kong nasasaktan siya – dahil sa’kin.

“Little sis! Merry Christmas!” sabi ni Mr. Eun habang nakangiti ngunit hindi na lumingon pa si Miss Lee.

“Little sis? Panong…?” pagtataka ko.

“Makakaalis ka na, Engineer Andrade.” Lumabas na rin siya.

Naiwan ako sa office ni Mr. Eun. “Little Sis”…Ibig sabihin, magkapatid sila? Pero bakit pinapabagsak ni Mr. Eun ang kompanya ng sarili niyang kapatid?

Naguguluhan ako pero mas namamayani ang takot. Ngayong alam na ni Miss Lee, paano na kami ni Georgina? Paano kung sabihin na agad sa kanya ni Miss Lee na ako ang spy?

Akala ko pa naman magiging masaya ang Pasko ko.

Ngayon na lang ulit ako naging masaya dahil sa pagkakagaling ni Mama. Tapos, dahil na naman sa kagagawan ni Mr. Eun, gumulo na naman ang buhay ko. Napabuntung-hininga na lang ako.

* * *

Jacey

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon