Chapter 7

129K 1.4K 96
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 7

“Sometimes, you need to do things you never wanted.”

Georgina

It’s been two months since he started working here. And it’s been two months na rin na hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko. Ginagawa ko naman nang maayos pero unlike before, hindi na ako nabe-very good ni Boss Lee. Hindi niya nasasabi na ang bilis kong magtrabaho at ang dami kong nagawa.  Meaning, kulang pa. Hindi ko mapakita at magawa ang best ko.

Hindi ko alam kung ano’ng problema. Bago naman siya dumating dito, ang bilis kong magtrabaho. Ngayon, nganga! Nahihiya na nga rin ako sa assistant kong si Kaidy. It’s his entire fault! Oo, si George! Kung bakit ba naman kasi pupunta-punta pa rito at guguluhin ang buhay ko!

Napaubob ako sa mesa ko. Wala talaga ako sa sarili these past few weeks.

“Ms. Steve.”

It’s Boss Lee. She seemed so serious. May kasalanan ba ako? Ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka mali ang mga budget plans ko.

“Yes, Boss?” I asked in my most polite voice. Bigla akong natakot.  Parang first time kong makita si Boss Lee na hindi nakangiti at ganito, seryoso na medyo galit.

“Go to my office now.”

Nararamdaman kong may problema. She left the Finance and Engineering office as soon as she said that. Nagmadali na ako at sumunod sa kanya.

Pagpasok ko, agad niya akong pinaupo. Nakasimangot siya. Hawak ang maraming papel. Nakakunot ang noo.  May problema talaga!

Si Boss Lee, Ms. Jacey Lee, CPA. 23 years old.

This C&K Company is running since she’s 9. She witnessed all the hardships of her parents para mataguyod ang kompanyang ito. Naging CEO siya ng kompanya noong nawala ang parents niya at a young age of 17. Since menor de edad, ginagabayan siya ni Mr. Nestor Jerusalem, isang family friend. Nalipat sa pangalan ni Boss Lee ang kompanya nang mag-18 siya kasabay ng pag-graduate niya sa college.

Sa taas kasi ng Intelligence Quotience ni Boss Lee, na-accelerate siya. Imagine, hindi na siya pinag-nursery at kinder. Grade 1 agad. Tapos paakyat nang paakyat ang level niya. Pinakukuha siya ng exams ng higher years at naipapasa niya ang mga ito.

No’ng nalaman ko ang tungkol dito, hindi ako agad naniwala. Until I get closer to her, saka sa pag-stay ko rin dito since scholar ako ng C&K noon. Ako mismo ang nakatulas ng galing niya. She’s gifted. Pero sabi nga at totoo naman, walang taong perpekto. Hindi puwedeng ibigay lahat sa isang tao.

Her parents died in a plane crash. Pabalik na sana sila rito sa bansa from Australia from a business affair. Nag-expand ang isa pang kompanya ng mga magulang niya. Unfortunately, sa mismong kaarawan ni Boss Lee, na muling pagkikita sana nila, naganap ang isang aksidente. Labis ‘yong ikinalungkot ni Boss Lee. Simula noon, nakitaan siya ng tapang ng lahat.

Nagpursigi siya lalo para mapatakbo nang maayos ang naiwang kompanya ng mga magulang niya na dapat sana ay pinamamahalaan ng kuya niya. Naging malapit siya sa lahat ng empleyado maging mga janitor at namamahala sa canteen – as in, lahat.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon