" 𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒃𝒊𝒈"

5 0 0
                                        

Hi I'm andy mahilig akong pumunta sa mga clubs gabi gabi kasama ang barkada ko. May narinig akong bumusina sa baba kaya dali dali akong bumaba, papunta na sana ako sa pinto biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni mama habang parang 8 months gumagapang.
"A-anak... p-penge i-isang b-basong t-tubig" mahina niyang sabi
" Ma naman e, kumuha ka nalang don" sabi ko at lumabas sa pinto.
Sayaw reto sayaw roon ang ginagawa ko pero di ako lasing kunti lang kase iniinom kung alak. Umuwi na ako sa bahay bandang 2am ng umaga dahan dahan kung binuksan ang pinto alam kong gising na si mama. " Ma..." tawag ko ngunit walang sumagot kaya nag taka ako, kumatok ako sa pinto ng kwarto niya
" Ma... tulog kapa ba?" Tanong ko habang kinakatok pinto ng kwarto niya.. kaso walang sumagot, binuksan ko ang pinto ng kwarto ngunit wala siya sa loob, nag taka ako.
" Haist baka lumabas lang saglit bumili ng pandesal sa may bakery" sabi ko at umakyat.
Habang nag bibihis ako bigla nalang ako na uhaw kaya bumaba ulit ako at pumunta sa kusina ngunit...... nakita ko si mama naka higa sa sahig nama'y hawak na basong walang laman, dali dali ko siyang nilapitan.
"Ma.. Ma.. Ma.. gising ma.. " sabi ko habang niyugyug ko ang dalawang balikat niya.
"Ma kung biro toh hindi toh magandang biro ma!" Sigaw ko habang niyugyug ngunit hindi siya gumalaw o nagising
"Tulong! tulong! tulong! " sigaw ko palabas sa bahay namin, habang sumisigaw ako ng tulong naalala kung humingi siya ng isang basong tubig. Nag silabasan lahat ng kapit bahay namin, lumapit si Kuya samuel saken
" Andy baket? May problema bah?" Tanong niya
" Si mama.. si mama... si mama.. " yun lang ang lumabas sa bibig ko, dali dali namang pumasok si kuya samuel at yung ibang kapit bahay namin tumawag ng ambulansya, nasa hospital na kami ngayon.
"hija nandito na ang doctor tumayo kana dyan" sabi niya kuya samuel
"hija.." mahinang sambit ng doctor
"patawad ginawa na namin ang lahat upang masagip ang iyong ina ngunit hindi namin nagawa patawad" mahina niyang sambit, kaya napa upo naman ako sa kanyang harapan umiiyak... ma patawad kung hindi kita na bigyan ng isang basong tubig ma... ma.. sorry ma... kasalanan ko kung bakit ka nawala sa buhay ko patawarin moko ma... sigaw ng isip ko habang umiiyak.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now