PART 1- CHAPTER 5

2 0 0
                                    

Uwian na, hindi ko parin natatapos yung activity namin.. may nangyari kasi at inabutan kami ni gomez ng bell.

"Raux..." tawag sakin ni Erica "oh?" tugon ko tsaka lumapit sakanya "since hindi pa tapos, kailangan nating tapusin ngayon, sa library tayo" sabi niya

may kailangan pa 'kong gawin, hindi ako pwedeng magpaiwan. pano na to?

"besh.." tawag naman sakin ni Danica kaya nabaling ang tingin ko sakanya at nag excuse muna kina Erica tsaka lumapit kay Dani "mamaya ka pa?" tanong niya nang makalapit ako sakanya

"oo e, hindi ko natapos kanina yung amin. kayo ba? ok na kayo kung sino magpe-present?" tanong ko

"tinanong namin si sir kanina kung pwedeng isa lang yung magpresent, sabi niya di daw pwede. kailangan daw every member magpe-present ng isang story. kaya daw 5 yung story na sinabi niya"

"ganun ba? wait lang ha?" sabi ko at pumunta kina Erica ulit

"Guys..." tawag ko sakanila

"ano library na tayo?" Si Jena nag-aya

"pwede na kayong umuwi, ang sabi daw ni sir tag isang story daw tayo every member. so, lahat tayo makakapag present bukas."

"ee, kulang pa tayo ng isang story ee" Si Drake yung nagsalita

"oo nga" sang-ayon ni Erica

tumatango lang naman sa gilid si Marco, yung pinakatahimik na kaklase namin. siya yung panglima samin.

"ako na maghahanap nung last. kasalanan ko naman kaya hindi ko natapos" sabi ko

"hindi na, sasamahan ka namin. ang unfair non sayo" Si Jena at sumang-ayon naman silang lahat

"wag na guys, ok na ako. promise, ako na. na photo copy nyo na naman yung apat na story na nahanap natin diba?" tanong ko

"oo, nasa akin" sabi ni Erica at pinakita ang folder na dala niya

"kuha nalang kayo ng tig-isang story. ako na maghahanap ng akin tapos text text nalang tayo o kaya chat pag may hindi tayo maintindihan sa story ng isa't isa ok?" sabi ko

"sure ka ba?" Si Erica

"oo nga. sige na. bye!" sabi ko at tinulak tulak na sila palabas sa room.

konti nalang kaming nandito, yung group nila Gomez pumunta na din sa library. kulang nalang din sila ng isang story. at kasalanan ko kung bakit hindi nakompleto ni Gomez yung story nila kanina. may nakakahiyang nangyari at ayaw ko na munang alalahanin iyon.

actually, isa din yun sa iniiwasan ko kaya ayaw kong magpatulong na maghanap sa groupmates ko. baka bigla silang magtanong kay Gomez at ikuwento niya bigla. baka nga ngayon, naikwento na nya yon kina Patrick. hayst! tutuksuhin na naman ako ni Patrick kung saka-sakali.

"samahan mo ko" baling ko kay Danica na nag-aantay sakin habang nagce-cellphone

"syempre naman.. halika na at baka magwala na si Mox dahil late mong maiuuwi yung materials niya" sabi niya habang inaayos ang bag niya.

oo nga pala. may dadaanan pa ako bago ako umuwi.

iniangkla ni Danica ang braso niya sakin at lumabas kami ng room tsaka dumeretso sa library.

nang malapit na kami sa entrance, bigla akong napahinto.

"bakit?" tanong niya

"pwedeng sa likod tayo dumaan?" pakiusap ko sakanya

"bakit?" tanong niya at ayun, ikinuwento ko na sakanya yung nangyri kanina sa library kung bakit di namin natapos ni gomez ang paghahanap ng story.

LalalaLoveWhere stories live. Discover now