Part 1- Chapter 2

5 0 0
                                    

Nasa canteen kami ngayon at nagtatatalak na naman si Danica.

"Ikaw talaga, ano ka ba lalaki? Bat mo naman pinagtripan yung transferee? Ikaw pa tuloy ngayon yung nakarma."

"Nagbibiro lang naman ako"

"Yung pagbibiro mo kasi, hindi pagbibiro ng babae. Mas masahol pa sa lalaki yung inasta mo kanina. Tsaka kilala mo ba yon?"

"Eto naman, di ka na nasanay. Ganon naman talaga ako makipag biruan sa mga boys diba?" Sabi ko sakanya ng nakanguso

"Sabi ko sayo diba na iwasan mo na? I mean tigilan mo na yang ganyan na yan, magpakababae ka na Maru"

"Ok, last na yon. Hindi na talaga! Titigilan ko na talaga! Promise!" Sabi ko sakanya habang nakataas ang kanang kamay ko na parang nanunumpa "tsaka wag mo kong tawaging maru, may makarinig sayo" paalala ko sakanya

Pinagkasunduan namin kasi na tatawagin nya lang akong Maru pag kami lang dalawa. Mahirap na, pag kasi nalaman ng mga classmate mo yung nickname mo iyon at iyon na ang itatawag nila sayo hanggang gumraduate kayo. Worse pag buong school na yung tumatawag sayo ng nickname mo.

Katulad nalang ni Omay. Jomaira ang tunay nyang pangalan pero omay na yung tawag namin sakanya. At ayokong magaya sakanya. Maru na nga ang tawag sakin sa bahay, pati ba naman sa school? Mas ayos na sakin yung tawagin akong Maria kaysa sa Maru.

"Tss.. Siguraduhin mo lang"

"Pero Dani..." Panimula ko tsaka tumawa ng malakas "hahahahahaha!!"

Napatingin samin yung mga student na nasa canteen, pero binalewala ko lang sila at nagpatuloy sa kakatawa

"Huy, napano ka? Pinagtitinginan na tayo oh! Natatawa narin tuloy ako sayo hahaha!"

"Bayaan mo sila, natatawa talaga ako ee.. Kanina ko pa pinipigilan sa klase ni sir Briones. hahahhahaha!"

"hahhaha! ano ba kasi yon?" tanong niya

"yung-- haha, yung reaction ni Gomez nung kausapin ko yung upuan, epic! hahhahaha"

sumenyas sakin si Danica na tumahimik at tumingin sa likod ko, kaya naman sinunod ko siya habang pinipigilan yung tawa ko.

halaa.. nasa likod lang pala namin si gomez, mabuti nalang at wala atang narinig dahil naka earphone siya.

itinikom ko nalang ang bibig ko nagpatuloy na lantakan yung inorder naming pagkain. mga ilang minuto rin kaming nandoon sa canteen nang magpasya na kaming bumalik sa room namin.

nakasabay naming umakyat si Patrick, Jomar at Lea.

"Rauxzan Rauxzan!!" tawag sakin ni Patrick nang mauna siya sa pinakadulo ng hagdan

"oooh??" sambit ko

"Sir! present sir, mortega sir, present!" gaya niya sa pagsagot ko kanina.

humagalpak ng tawa si Jomar, Lea at Patrick kasama na rin pala si Danica na nasa tabi ko, napakabuting kaibigan. sinusuportahan ang mga bully sa buhay ko.

"hintayin mo kong mahablot kita, sasapakin kita" sabi ko kay Patrick tsaka siya hinabol sa hagdan hanggang makarating kami sa 4th floor.

hingal na hingal kaming pareho na nasa hallway ng 4th floor. pero nahablot ko parin siya kaya sinuntok ko siya sa braso. pero alam ko namang hindi yun masakit.

"araaay! hindi na mauulit promise! hindi na!" sabi niya habang tumatawa. Kaya hinampas ko siya sa likod

"aahhh!!" daing niya. halaa! napalakas ko ata, sa taranta ko binitawan ko siya at nakangiting umaatras palayo sakanya habang naka peace ang dalawa kong kamay.

LalalaLoveWhere stories live. Discover now