Chapter 10: Invitation

4K 107 6
                                    

Invitation

Jade PoV

Matapos mag discuss ng professor namin ay agad ko rin inayos ang gamit ko at nilgay yun sa bag,

"Jade cafeteria muna tayo mag snack," may 30 minutes kaming break kaya naman tumango ako pumunta kami sa cafeteria, kahit madaming tao ay tahimik ito dahil final na ay nag hahanda ang lahat para mag review

Umorder ako ng pizza at soft drink yun din ang inorder ni lyza

"Jade may gagawin kaba mamaya?" Tanong niya sa akin habang ngumunguya

"Wala naman bakit?"

"Lets go shopping, mag libang muna tayo sa mall please...," at nag puppy eye siya

"Best may review pa tayo diba, at last nato kaya dapat natin pag butihan para maka graduate,"at sumubo ng pizza

"Saglit lang naman tayo doon, sama kana at balita ko mag bagong book nanaman na published ang paborito mong author,"

"Talaga!" At ngumiti siya sa akin kahit kailan alam niya talaga ang weakness ko

Habang naglalakad kami paakyat tumawag ang kalikasan

"Best mauna kana Mag C-CR lang ako,"
Nasa coridor kami ngayon

"Sige," kaya naman pumasok na ako ng CR pumasok ako sa cubicle habang nasa ganon na kong posisyon may pumasok na dalawang babae

"Uyy narinig mo ba ang na ikakasal na daw si Jade yung sa Business management building," sabi niya paano nila nalaman

"Ay oo at balita ko inaakit niya yung lalake dahil mayaman," abat mag chi-chismis nalang mali mali pa, at ano daw ako ang nang-akit

"Dina siya nahiya social climer at gold digger pa," abat sumusobra na sila mali na nga ang naririnig nila kung ano ano pang mga masasakit na salita ang sinasabi nila nag flash ako at lumabas ng cubicle, nagulat sila ng makita ako,

Nag hugas ako ng kamay at tumingin sa kanila, "kung mag chi-chismis lang naman kayo sana yung totoo, ang FYI hindi ko siya inaakit," at nag umpisa na akong mag lakad palabas pero narinig ko pa silang mag bulungan na rinig naman

"Sus maniwala ako siguro ginagawa niya lang yun sugar daddy," napabuntong hininga ako sa narinig ko hindi kona kailangan mag paliwanag sa kanila dahil una sa lahat wala silang alam

Nag klase na ang professor namin ng maka pasok ako

"Oh bat bad trip ka, ok kalang?" tanong ni lyz sa akin ng maka upo ako

"Ok lang ako," hindi niya na ako kinulit dahil medyo may pagka strikta itong professor namin, hindi ko alam san nila narinig yun dahil wala pang nakakaalam ang tungkol sa kasal maliban kay lyza at pamilya ko

Ng matapos ang lahat ng activity ay sabay kaming bumaba ni lyz pero nagulat kami ng maraming taong naka palibot sa gate ng school kaya tinignan namin kung ano yung pinag titinginan nila, napalunok ako yung driver ni alex at limousine ang dala niyang sasakyan nag bow sa akin yung driver,

"Jade kilala mo siya? Nag bow sayo oh," inosenteng sabi ni lyz lumapit pinagbuksan kami ng driver ng sasakyan at nag bow ulit pumula ang pisngi ko sa kahihiyan sa ginawa niya

"Best sosyal mala prensesa." At siniko pa ako ni lyz kaya hinila kona siya papasok sa loob

"Kuya paki deretso nalang ng K-M," sabi ko sa driver

Married to a Cold Billionaire ( Book 1)Where stories live. Discover now