Chapter 31: I Love You

2K 49 13
                                    

🎄MERRY CHRISTMAS🎄
This was suppose to be update during Christmas😅😁😁 ngayon mag new year na HAHAHAH Happy Advance New Year Mga Palangga😘

Jade PoV

Mahigpit akong niyakap ni alex, 
"Baby I miss you,"  malumanay na sabi niya

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang nasa ganon kaming posisyon,

Kumalas siya at humarap sa akin, nandoon ang mapupungay niyang mata halata sa kanya ang pagod.

"Anong ginagawa mo dito?" Ulit na tanong ko sa kanya pero nakatitig lang siya sa akin.

"Dahil na miss kita,"

"Pero,"

"Wife nandito ako para sunduin ka." Seryosong sabi niya di ako nag salita dahil naiinis ako,  susulpot siya dito ngayon e di niya nga ako tinawagan or text man lang.

Di ako kumibo nakatingin lang siya sa akin, 

"Kumain kana?" Tanong niya umiling lang ako bilang tugon sa tanong niya

"Lets have dinner first,"  inalalayan niya akong makapasok sa sasakyan

Restaurant

Pumasok kami sa mamahaling  restaurant,  hindi ko maitago ang paghanga ko dahil sa disenyo ng  restaurant,  may halong maka luma at modernong disenyo,

Tinignan ko ang menu,  para akong naduduwal ng makita ko ang main course nila ay beef.

Tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa menu,  binaba ko ang menu at tumingin lang sa kanya. Piling ko ang parang bumabaliktad ang sikmura ko sa amoy ng steak.

"Babe okay kalang?" Nag alalang tanong niya tumango lang ako sa kanya dahil naka hawak na ako bibig ko tinatakpan ko ang ilong ko

"Mag C-CR lang ako," paalam ko sa kanya,

Nag hilamos ako ng mukha ko,  at napatitig sa salamin na nasa harapan ko, napahawak ako sa tiyan ko,

"Gusto mona talaga sabihin ko sa daddy mo anak,"  walang sariling tanong ko sa tiyan ko,  para akong tangang kinakausap ito,  buti nalang walang tao.

Ng bumalik ako hindi ko maintindihan ang naramdaman ko,  dahil nandoon ang babaeng ayaw kong makita. Lagi nalang bang ganito pag mag kasama kami ay laging may hadlang,  para talagang ayaw kaming ipagsama ng tadhana.

Kapansin-pansin  din ang inis sa mukha niya kaya lumapit ako,

"Hindi ko alam may ahas narin pala dito," nagulat pa siya ng makita ako

"Wife,"  kita ko ang gulat sa mukha ni alex ng makita ako

"Babe this is not what you think,"  nag alalang aniya at lumapit sa akin,

Gusto kong sampalin ang mukha ni wyate dahil sa kapal ng mukha niya,  pero hindi ko kailangan gumawa ng eksena at ibabaa ang dignidad ko, she's not worthy it.

"Aalis nalang tayo dito," sabi ni alex at tumayo humawak sa kamay ko

"No,"pigil ko, "hindi tayo aalis." Umupo ako si alex namang parang hindi alam ang gagawin

Married to a Cold Billionaire ( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon