Chapter Twenty Eight

76 8 1
                                    

Changes

The time’s too fast.

“Freak! Uy! Uy! Dalian niyo!” Hindi kami magkamayaw-mayaw lahat sa ginagawa namin. The portfolio I was holding was already crumpled kaya inipit ko iyon sa gitna ng dalawang malalaking libro ko.

All we did the past days, weeks and months was to have fun and enjoy each other’s company. Hindi na nga ata kami mapaghiwalay lahat. Parang kailan lang ay ayaw ko pang may kasama, parang kailan lang ay hindi pa namin kilala ang isa’t isa but everything in just a snap, changed. And it was a beautiful changes I can and will never forget.

“Taena, ngayon ba talaga ipapasa ang portfolio sa English? Hindi ko pa tapos ang akin e.” Nakamot ni Nicho ang sariling noo at napabuga ng hangin. Tinambakan na kami ng mga guro namin kahit next month pa naman ang midterms. Pero okay na rin naman ‘to para wala na kaming problema pa next month at tanging pag-aaral na lang para sa midterms ang aatupagin namin. It was tiring, but also fun.

“Puro ka kasi pambabae, ayan napala mo,” Lezzana countered and rolled her eyes. Agad naman kaming sumang-ayon. Siguro nga kagabi ay may katawagan ang lalaking ‘to kaya hindi na naalala pa ang portfolio niya.

“Tch, pasalamat ka at mabait ako. Two thousand ‘yan ah?.” Napailing na lang ako nang mag-abot si Xian ng folder. Malinis iyon at halatang pinaghirapan niya. Agad naman iyong kinuha ni Nicho at tinignan, and he silently muttered a yes afterwards.

“Pero bakit two thousand? Ang mahal naman.” Ngumuso ito habang inaabot ang pitaka sa bulsa niya. Kapag ganitong may mga pinapagawa sa amin ay si Xian lagi ang gumagawa ng kaniya at hindi palagi iyon. Parang alam pa kasi ni Xian kung kailan hindi nakakagawa si Nicho. Ika niya ay powers niya raw iyon.

“Ikaw ang nagpuyat? At saka may date ako mamaya kay crush. Paubos na allowance ko eh.” Kibit-balikat nito. Nicho just grinned and didn’t complain and handed him a two thousand bill. At sa kabila ng mga ngisi nilang dalawa ay pansin ko ang pagbabago ng mood ni AC. Maputla na naman ito na ikinabahala ko. I noticed that this few months, she easily got tired and was always pale. Tinalo niya pa ako at kapag tinatanong ko siya ay naiinitan lang daw siya at kailangan nang pahinga. Pinaniwalaan ko naman iyon dahil bumabalik din naman sa dati ang kulay niya kapag nakakapagpahinga siya.

“Tara na. Baka hindi tayo umabot sa deadline.” Umaga pa naman pero kailangan na naming maghabol sa guro namin. Ngayon kasi ang deadline na ibinigay nito. Hindi ko pa nga natatapos ang sa History ko na bukas naman ipapasa. Madali lang naman kasi kaya hinayaan ko muna.

Lumapit ako kay AC pagkatapos sabihin iyon. I handed her my extra bottled water. Palagi akong may extra lalo na kapag andito ako sa school. Tinanggap niya naman iyon bago ako ningitian.

“Are you really okay?” Kumunot ang noo ni Lezzana na nakalapit na pala sa amin. Worry can be seen in her face after all ay best friend niya ang babae. Hindi siya nasagot agad ni AC dahil umiinom pa ito pero pagkatapos n’on ay natawa ito at bahagya pang pinalo ang braso ni Lez.

“Ano ka ba? Ang init lang naman kasi at saka napuyat ako kagabi kakagawa ng portfolio ko. Magiging okay rin ako mamaya.” Pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang pag-aalala sa mukha ni Lez kahit ako rin naman ay kinakabahan para sa babaeng ‘to. She’s my friend and I cared for her. Ayaw kong may mangyari sa kaniya na masama. I can’t afford for that thing to happened.

“Siguraduhin mo lang ah?” tanong ni Lez na ikinatango nito bago nag-thumbs up. She glanced at me too and suddenly giggled.

“Ayiie! Nag-aalala ang prinsesa sa akin. Kinikilig ako!” She even stomped her foot like a kid and that made me smile. Finally, the radiating sun is back.

Azlan's Heart Where stories live. Discover now