Chapter Twenty Nine

73 7 1
                                    

Storm

They said that when the ocean is calm then a storm is coming. Pero papaano mo nga ba malalaman kung paparating na ang bagyo? O iyan na ang bagyo? What was really the real definition of storm?

Napasalampak ako sa bench pagkatapos ng PE time namin. Pahirap sa buhay ko talaga ang subject na ito. Ramdam na ramdam ko ang pawis na tumatagaktak sa mukha ko dahil sa exercise namin. Kanina lang ay ang portfolio namin sa English ang problema ko tapos ngayon ay ito na naman. Hindi talaga puwedeng pagkatapos ng isang problema ay pahinga na naman e ‘no?

“Hey, stand up. Katatapos lang ng exercise natin.” Wala akong nagawa nang hilahin ni Nicho ang lupaypay kong katawan. I am still breathing harshly. Sa sobrang pagod ay nakalimutan kong bawal pa lang humiga o umupo agad kapag katatapos lang nang ehersisyo.

Sobrang tahimik ng grupo namin and it’s not a comforting silence but an odd one. Sobrang awkward ng katahimikan na namayani sa pagitan namin at ayaw ko namang magsalita na lang bigla. Something is really wrong.

“A-Aizelle...” Ramdam ko ang kaba ni Xian nang tawagin niya ang babae sa pangalan nito. Lahat kami ay nakatayo at pawang nakabilog. Nakaakbay sa akin si Nicho bilang suporta para hindi ako matumba dahil ramdam ko na talagang gusto na ng katawan ko na bumigay at humiga na lang. Kahit sa sahig pa ata ako mahiga ay okay lang. Si Canix ay kay Lezzana na nakasuporta. Hawak niya ang magkabilang balikat nito habang ang mga mata ay na kay AC at Xian na.

Me too, was actually already looking at them. Hinihintay ko rin ang mangyayari. Gusto ko na rin kasing mawala ang katahimikan sa pagitan namin. Ito ang kauna-unahang pangyayari na wala kaming kalokohan na ginawa. Kanina nga noong lunch ay sobrang tahimik namin. Kahit ang ibang mga estudyante sa Camero ay nagtataka dahil kilala nila kaming lahat bilang pinaka-maingay na grupo, idagdag pa na wala siya kanina kaya mas lalong tumahimik. May pinagawa raw kasi ang Principal dito at next week ay babalik na rin ang dati naming teacher sa general mathematics at business mathematics kaya hindi na siya kakailanganin pa ng school. He won’t be our teacher anymore.

“G-Galit ka ba?” he asked. Ang mga kamay ay magkasiklop at pansin ko pa ang panginginig n’on kaya alam kong lumala ang kaba nito.

We were all waiting for AC’s answer until she laughed. Its her usual laughed wherein she can get anyone’s attention because of how loud her voice is. At hindi nga naman ako nagkamali dahil kuhang-kuha na namin ang atensyon ng lahat at pati ang PE teacher namin na si Sir Gavin ay napalingon sa gawi namin pero nailing na lang din dahil alam nito na si AC ang isa sa pinaka-maingay niyang estudyante.

“Takot ka HAHAHAHA ‘no?” natatawa pa ring tanong ni AC. Ang kamay ay nakahawak sa tyan niya dahil sa kalokohan na naisip na naman. Bakas na naman sa mukha nito ang kapilyahan na ikinailing ko. Ang medyo maalon niyang buhok ay sabog na naman dahil sa pagiging malikot.

“Fuck. Hindi ka galit?” maang na tanong ng lalaking kaharap at nang umiling ang babae ay nasapo na lamang nito ang noo hanggang sa bumigay ang tuhod niya at napaluhod sa semento. Napatili kami dahil doon habang si AC ay agad na lumuhod para daluhan ang lalaki. Gulat kong nasapo ang dibdib ko, I can feel my heart in its abnormal pace.

“Hoy, gago! Tumayo ka! Tang ina. Tinakot mo ako!” Niyugyog ni AC ang balikat nito pero si Xian ay nanatiling nakayuko hanggang sa biglaan siya nitong yakapin. We can now all see how his body trembled at alam kong ramdam iyon ng babaeng kayakap dahil agarang natigilan si AC sa pagyugyog dito. Her eyes widen while her mouthed hanged open in shocked.

“Bakit ka ganiyan? Kung ano-ano na lang talaga ang kalokohang naiisip mo! Pinakaba mo ako ng sobra! Akala ko ay may nagawa akong masama kaya k-ka... ni hindi mo ako inaway kanina... a-ayaw mo rin akong pansinin! Ang sama-sama mo talaga! Ikaw lang ang nag-iisang babae na nakakagawa nito sa akin! Akala ko ba mag-kaibigan tayo? Bakit mo ako ginaganito ha, babae?” he whined like a kid in tantrums. Rinig na rinig ko ang pagpiyok at pagkabasag ng boses nito and I know that Xian is already crying.

Dumaan ang pagsisisi sa mukha ni AC hanggang sa nanatili roon ang lungkot. She wrapped her shuddering arms around Xian’s body and sighed heavily.

“Sorry na. Bati na tayo? Ako ang taya.” Agarang umangat ang tingin ni Xian dahil doon. Namumula ang pisngi nito at sobrang halata n’on dahil sa pagkaputi ng lalaki. Mamasa-masa rin ang mata niya na halatang galing sa pag-iyak. I want to teased him, I know that everyone of us does but we just can’t. Ramdam na ramdam ko ang takot nito kanina. It was not normal. Canix is right, Xian is really a jerk. Papaanong hindi niya napansin? O napansin niya pero hindi niya pinagtuonan ng pansin?

Why do people try to hide? Or even hide?

“Sure ka?” tanong ni Xian habang nakanguso. Dahan-dahan niyang inilayo sa kaniya si AC hanggang sa nauna siyang tumayo at tinulungan na rin ito.

“Oo basta bati na tayo.” Nag-iwas ito nang tingin. Nakasunod lang naman ang mata ko sa kanilang dalawa. Pareho silang magaling, magaling magpanggap at magtago. Siguro nga ay marami pa akong bagay na hindi nalalaman. Marami akong bagay na kailan man ay hindi mapapansin hangga’t hindi iyon ipinapamukha sa akin. Kasi sa mga oras na ‘to ay alam kong alam nila. They both know but why are they running away?

Ngayon ko lang din naalala ang pangalan ng babaeng crush ni Xian. Lendelle, mag-kasintunog ang pangalan nila ni Aizelle. Nanikip ang dibdib ko roon. Anong nangyayari? Ano pa bang hindi ko alam?

“Huwag mo nang uulitin iyon ah? Talk to me when something is wrong, Chloe. Please stop pushing me away.” Dapat ay bulong lang ang huli nitong sinabi pero dahil sa sobrang lapit namin sakanila ay narinig namin iyon. At doon ay mas lalong umigting ang paniniwala ko na pareho nilang alam. They know about their feelings for each other.

“Oo na. Ang OA nito. Oh, taya!” Wala akong naging kawala nang hilahin na ako ni Nicho papalayo habang si Xian ay naiwan doon sa pwesto namin na nakatulala at gulat na gulat. Napuno ng tawanan ang paligid dahil naisahan na naman siya ni AC na ngayon ay kumekembot-kembot pa. Ngayon ko lang din napansin na nakuha naming lahat ang atensyon nila lalo na dahil sa nangyari kanina sa pagitan nina Xian at AC.

At ito na naman kami. Parang naging routine na namin ang paglalaro nang habulan pagkatapos ng PE subject at sa pagkakataon na ito ay naisahan na naman si Xian na ngayon ay walang nagawa kung hindi ang habulin kami. Lahat ng kaklase namin ay kasali dahilan para mapuno nang hiyawan at tawanan ang buong court. May pagkakataon pang may na-s-slide sa mga kaklase ko dahilan para iyon ang mahuli.

I was just running while laughing. Minsan ay hinihila ako nina Nicho, Xian o Canix para iligtas kung sakaling may paparating man dahil mas okay raw na sila na ang maging taya kaysa ako.

“Ang daya! Hoy Canix! ‘Di porket gwapo ka ay ako na lagi ang pupunteryahin mo!” Mas lalong napuno nang tawanan ang buong court dahil sa reklamo ni AC. Hinihingal na rin ako at gusto ko na talagang tigilan ang laro naming ito dahil sa pagod.

“Thanks for the compliment, AC. But you should really run faster,” natatawang asar ni Canix sa kaniya na agad ikinalukot ng mukha nito.

“Tse! English-English ka pa diyan! Me stop! My nose is dugo-duguin, pulang manok!” sigaw nito habang hinahabol ang isa sa mga kaklase namin. I chuckled lightly, hindi ko masyadong gets ang sinabi niya at nag-hang pa ata ang utak ko.

“Ano?! Saang planeta ka nga nanggaling?!” sigaw pabalik ng lalaki na halata masyado ang accent sa bawat bigkas niya ng mga salita. Tumigil sa pagtakbo si AC at nakangusong hinarap ang lalaki habang nakapameywang. Pero sa gulat ko ay napuno ng pag-alala ang puso ko nang makita ang maputla nitong mukha. Kanina ay hindi naman ganoon.

Kahit sila ay natigilan but AC was oblivious about our sudden worry. Puno pa rin nang kasiyahan ang mukha niya sa kabila nang pagod na napansin ko roon.

Paano mo nga ba malalaman na may paparating na bagyo talaga? Sapat na ba ang kalmadong panahon para masabing paparating na ito?

“AC!”

“Aizelle!”

“Chloe!”

Parang kanina lang ay sobrang saya namin. Parang kanina lang ay tumatawa pa siya. How come? Why is it so fast?

Is this the storm I have been waiting all the time?

Aizelle Chloe with her pale face fell down, lying unconsciously in the covered court’s floor.




__

Azlan's Heart Where stories live. Discover now