Chapter 62

9.4K 468 272
                                    

FERISH

TAPOS NA ang period ni Eight. Meaning, makakahinga na ako nang maluwag dahil tapos na rin ang malalang mood swing niya. Daig niya pa si Aeri na isang minuto, nakangiti. Tapos, malingat lang ako sandali ay salubong na naman ang mga kilay.

It feels like I literally took care of a dragon.

Ang akala ko talaga ay buwan ang aabutin bago matapos ang period niya. Hindi ko naman kasi akalaing nag-iibang tao si Eight kapag may period. Panay asar tuloy sa akin sila Cj dahil nakikita nila.

"Anong maganda sa umaga?" Tanong ni Cj nang makita akong naglalakad sa may quadrangle kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Ako, syempre," I giggled and gestured my hand to dismiss it. Inayos ko ang suot ko na salamin. "Joke lang. Ang ganda lang talaga ng araw, maaliwalas, payapa." Kwento ko habang tinuturo ang langit na maliwanag. Malamig din ang simoy ng hangin. It feels peaceful.

Tinitigan niya ako nang maigi. "Nasaan na dragon mo?"

"Huy, marinig ka." Saway ko sa kan'ya at mahina siyang hinampas sa braso.

"Under ka ba, Perry?" Biglang tanong niya habang kumakaway sa mga nadadaanan naming kakilala niya. Patungo kaming gym dahil may PE kami ngayon. 

"Ha?" Gulat na tanong ko. Anong under? "Hindi, bakit?"

He looked at me, not believing a word that I said. Para siyang nagpipigil ng tawa at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "Parang under, e. Lagi mong sinusunod girlfriend mo."

"Bakit naman hindi?" Balik tanong ko at naupo sa may bench nang makarating kami sa loob ng gym. PE ang subject ngayon kaya ayoko na naman nito. Pagod na ako sa physical activities.

"Duh. Pwede mo namang hindi sundin kung hindi mo gusto," kinuha niya ang ibang libro na bitbit ko para tulungan ako.

"Sino ba kasing may sabing hindi ko gusto?" Humalukipkip ako at binalingan siya ng tingin dahil siya na ang may hawak ng lahat ng libro. "If doing what she asked me for will make her happy, then why not?" Binaling ko ang tingin sa mga naglalaro sa harapan. "She can ask me for anything and I'll gladly obey her."

She can ask me for anything and everything that I can give her. Even if she ask me for my life, I will undoubtedly give it to her. It must be an honor to obey everything she asks.

I sighed. "Saka hindi lang naman siya ang nagde-desisyon sa amin. I am always included. I am always heard. May mga pagkakataon na gusto niya siya ang nasusunod dahil pumapayag din naman ako, pero alam mo 'yon..." tumingin ako sa kan'ya at bahagyang napangiti. "With her, my voice is always heard and valid."

Tumango siya. "So, hindi siya ang mas dominant sa relationship ninyo?" Pag-uusisa niya. Naupo kami sa may bench kaya binaba ko na muna ang dala kong bag sa gilid ko dahil ang bigat. Ang mga libro naman na pinahawak ko sa kan'ya ay nilapag niya rin.

"Dominant?" Nagtatakang tanong ko dahil sa term. Meron ba no'n? "Hindi. Pareho kaming nasa relasyon. Hindi siya one-sided. Nakikinig nga siya sa akin kapag nagsalita ako," pagkontra ko dahil parang hindi naman gano'n sa sinabi niya ang nangyayari. Baka in-assume niya lang na gano'n dahil iba makitungo si Eight sa ibang mga tao at iba rin sa akin.

"Kaya pala wala kang masabi nung nagp-pms siya," he teased that had me frown.

Sinamaan ko siya ng tingin at mahina siyang pinitik sa braso. "Naiintindihan ko 'yon, okay? Babae rin naman ako. Mataas ang sensitivity tuwing may period. Hormones pa. Saka, hindi lang 'yon sa puson masakit. Minsan nga buong pagkatao mo," pagk-kwento ko pero tinignan niya ako na parang ang OA ko. "Seryoso ako," I insisted, though I haven't experience having a period that actually hurts.

Ablaze |Season 2| (Under Revision)Where stories live. Discover now