Special Chapter

65.9K 1.9K 315
                                    

NAPANGITI si Comet nang makita ang napakaganda niyang asawa na lumabas na mula sa ospital na pinagta-trabaho-an nito. His Summer wearing a yellow dress and a pair of flat pumps.

Nakasampay sa bisig nito ang white coat nito. Isang ganap na psychiatrist na kasi ang asawa niya.

Nang tumuntong sa tatlong taong gulang ang kambal nila na sina Galaxy at Cosmos, napag-usapan nilang mag-asawa na itutuloy nito ang naudlot na pag-aaral. Wala naman siyang tutol doon. He's wholeheartedly supporting her whatever she wants and she does. Sa umpisa mahirap, pero habang tumatagal, nasanay na rin sila.

They hired a nanny for their sons, at buti na lang talaga mababait at mga anak nila. Hindi mga gaanong pasaway kaya kapag minsan may pasok ang asawa niya, isinasama na lang niya ang mga bata sa office niya. Hands-on pa rin naman si Summer sa pag-aalaga sa mga anak nila at sinisigurado nitong palagi itong may free time para sa kanila.

Kinuha ni Comet ang dalang bag ng asawa nang makalapit ito sa kanya, ipinaikot niya ang isang kamay sa bewang nito at sabik itong hinalikan sa labi. Natatawa naman nitong hinampas ang braso niya.

"PDA tayo, love." she giggled. Hinaplos naman niya ang may kalakihan nitong tiyan. Yeah. His wife is already six months pregnant with their third baby.

"Hmm, I don't care, sunshine. Shall we?" inalalayan niya ang asawa paupo sa shotgun seat ng sasakyan niya. Siya na rin mismo ang nagkabit ng seatbelt nito. Bago niya isara ang pintuan ng sasakyan, nagnakaw muna siya ng halik sa babae.

Hinawakan niya ang kamay ng asawa habang nasa biyahe sila. Panaka-naka pa niyang hinahalikan iyon kapag traffic o kaya naabutan sila ng stop light sa intersection. Well, he can't get enough with his wife.

Sa araw-araw na magkasama sila ng asawa niya, hindi nabawasan ang pagmamahal niya para dito, mas nadadagdagan pa nga.

Naalala pa niya kung paano at saan sila unang nagkita. He's suffering from Complex post-traumatic stress disorder that time, dahil na rin sa mga trauma na naranasan niya noong mamatay ang mga magulang nila at ma-kidnapped sila. He's so young that time kaya siguro bumigay ang utak niya dahil sa mga nangyari.

After nilang ma-confine sa isang psychiatric ward facility, doon na umatake ang CPTSD niya. He acted like a kid taliwas sa tamang edad niya. His brother refused na ibalik siya sa psychiatric ward. Pero nag-hire ito ng psychiatrist para matutukan siya.

Pero hindi pa rin siya gumagaling dahil na rin siguro nakakaranas pa siya ng abuse sa mga naging nanny niya.

Then he met Summer, sa tabi ng batis sa isla na binili ng kuya Orion niya. Napagkamalan pa niya itong diwata, because literally, mukha naman talagang diwata ang babae. She's nice too that's why he likes her kahit sa unang pagkikita pa lang nila.

He didn't know but there's something inside him badly wanted to see her everytime, to be with her, to claim her as his. He must be really insane, right?

Pero sobrang tuwa niya nang i-hired ito ng kuya Orion niya na bago niyang nanny, though, hindi naman niya ito itinuturing na nanny. He wanted her to be more than that. Sa bawat araw na nakasama niya ito, mas lumalalim naman ang nararamdaman niya sa dalaga, na hindi niya alam na posible pala niyang maramdaman sa kabila ng kondisyon niya.

He felt that he's already inlove with her. Kaya nga gumawa siya ng paraan para magustuhan rin siya nito. Humingi pa siya ng ilang payo kay Kuya Marvin kung paano at ano ang mga bagay na magugustuhan ng isang babae sa isang lalaki.

Hanggang sa marinig niya ang pag-uusap ni Summer at ni Nanang Fely noong pumunta siya sa kusina para puntahan sandali si Summer.

"Naku, kung wala nga lang na kakaibang pinagdadaanan iyang si Comet, iisipin ko na may gusto sayo ang batang iyon. Aba, parang nobyo mo sa sobrang possessive sayo. Kung iisipin nga eh, bagay na bagay kayo. Boto ako sayo hija para kay Comet."

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now