CHAPTER 24

452 21 0
                                    

"I guess she will really continue to break the contract pero wala pa naman siyang pinal na nasasabi sa'kin."







"Sabihin niyo lang po kung kailangan niyo na ng kasagutan para mapuntahan ko siya sa isla nila." Magalang na wika ni Ashen sa kausap niyang Commander.







Mahinang tumawa ang lalaki. "Hindi na kailangan, Captain. Kapag nakatanggap na tayo ng tawag mula sa kaniya siguro-







"Pero malaki po ang posibilidad na hindi na siya tumawag. That Arevalo is a stubborn woman."






"I know, at kaya nga ayaw ko ng palakihin ang gulo. Anyway, I heard you went to their island yesterday? What happened? Hindi mo ba siya nakausap?"






"Wala ho siya roon, Sir. Nasa Maynila siya at ang sabi sa mga empleyado ay hindi na ito babalik. That's why you need to contact her, Commander."






"Nasa Maynila?"






The high official paused a bit and thought of some things. He's wondering why would the woman go there. "Let her be. Maybe it's her personal concerns."






"No, Sir." Agad na sagot ni Ashen dahilan upang kumunot ang noo ng kaniyang Commander.






"Wait. Can I ask you a question, Captain?"






Tumango lamang si Ashen na diretso pa rin ang tingin.






"Samu't sari na ang naririnig ko tungkol sa inyong dalawa. Totoo ba ang mga nababalitaan kong ito?"






"Ang alin po, Sir?"






"Nagkakamabutihan na ba kayo ni Ms. Arevalo?"






Ashen's eyes landed on his commander. He was unable to answer him in instant. When he's about to open his mouth, the door opens revealing a soldier.






"Pasensya na po." Hinging paumanhin nito sa pang-iistorbo.






"It's okay. Ano ba 'yon?" Commander







"Nandiyan na po kasi si Ms. Arevalo."






Napalingon si Ashen sa sundalo at tila hindi na naging tuwid ang tindig niya. Gusto man niyang itanggi subalit alam niya sa kaniyang sarili na nagulat din siya sa sinabi nito.






"Sige. Tell her to wait at the conference room. Susunod ako roon."






"Yes, Sir."






Umalis ang sundalo at natira na lamang silang dalawa.






"Tara na po, Sir." Aniya





"Stop."






Napatigil naman siya't napatingin dito.






"You're not coming with me."






"What?!" Pagtaas ng kaniyang boses na hindi niya namalayan. Pinilig niya ang kaniyang ulo. "I'm sorry, Sir nabigla lang ako- I mean, why? Why should I not come?"






"Dahil may iuutos ako sa'yo."






"What is it?"






Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon