➼ binubura

36 10 0
                                    

---

bakit parang binubura ang aking pagkatao?
sa bawat araw at gabing lumilipas?
sa bawat ulap at bituing dumadaan?
bakit parang nauubos ang abo
ng pinuhunan kong ligaya,
ng sinindihan kong pag-asa,
ng inaral kong pangarap?

bakit parang binubura ang aking pagkatao?
lahat ng nais ko'y nakalilimutan?
lahat ng pinanghahawakan ko'y napabayaan?
bakit parang tinatangay na bula
ang sininagang halaga,
ang kinulayang laya,
ang mahal kong pangarap?

---

the places i've been to insideWhere stories live. Discover now