➼ balik sa simula

16 1 0
                                    

---

balik sa simula, tiyak ang gunita,
ganda mo'y daig ang kahit sino mang binibini.
sa aking paningin, simula nang 'yong bitbitin,
ikaw ang angat, walang akong ibang pinipili.

sa mundong nagparusa sa akin,
ni minsan, 'di huminto kakaisip
sa kung paano na tayo magpapatuloy.
paanong sa mundo'y 'di ka nainip?

umiiyak, sumisigaw, nagpupumilit,
'di mo ako iniwan.
nagwawala, nananakit, nagagalit,
'di mo pa rin ako nilisan.

kasalanan ko sa'yo'y nag-uumapaw,
ngunit pinatawad nang paulit-ulit.
pagkukulang ko sa'yo'y katakot-takot,
ngunit niyakap nang paulit-ulit.

balik sa simula, tiyak ang gunita,
ganda mo'y daig ang kahit sino mang binibini.
sa aking paningin, simula nang 'yong bitbitin,
ikaw ang angat, walang akong ibang pinipili.

nagmamahal, Dianne.

---

the places i've been to insideWhere stories live. Discover now