Chapter 1

9 0 0
                                    

Second Year College, hirap sa major na Financial Accounting. Samahan pa nang pa-effort na mga minor. Kaka-second exam pa nga lang namin pero sobrang stress ko na.

Hindi ako na inform na ganito pala katindi ang accounting. Chill pa noong First Year, basic accounting pa lang kasi at hindi pa gaano ka harsh ang mga prof kasi mga bagong salta pa kami at nag-aadjust.

Pero ngayon, para s'yang surprise na hindi nakakatuwa. Isa ako sa mga biktima ng sabi-sabing, Math lang naman yang accounting. Plus, minus, multiply at divide lang, may calculator pang gamit.

Anong Math lang? Eh halos sumabog na utak ko sa Analysis kung ano ang Cash & Cash Equivalents. May calculator? Eh aanhin ang sci cal kung hindi ko alam kung anong iko-compute.

Hindi ako pweding bumagsak kundi lagot ang scholarship ko. Pinagsikapan kong makuha 'yon. Hindi ako nagpakapagod no'ng High School na maka kuha ng matataas na grades para wala lang.

Nagtiyaga akong mapabuti sa skwela at hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang ibang bagay dahil ang tanging nasa isip ko lang ay kung paano maging handa sa paparating na College.

Malaking tulong ang scholarship ko. Dahil walang babayarang tuition fee, malaki-laki tipid. Kaya madalas pambiling textbook na lang ang pinoproblema ko.

Willing naman akong maghanap ng part-time job para matustusan ang sarili dahil ayaw ko rin kasing mas makaabala pa kina Auntie Elsie. Malaking bagay na ngang nasa puder nila ako nakatira kaso ayaw niya. Binibigyan n'ya ako ng allowance at pangbili nang mga kailangan sa school. Kaya naman daw nila akong suportahan.

Nasa Grade 5 pa lang ako noon ng maaksidente ang aking mga magulang at sabay na binawian ng buhay. Simula noon si Tita Elsie na ang kumopkop sa akin. No'ng una medyo mahirap dahil talagang kabigla-bigla ang nangyari buti na lang kahit wala akong kapatid meron namang mga pinsan na dumamay sa akin at nakasabay sa paglaki.

Maaga mang namahinga ang mga magulang ko maswerte pa rin ako't may mga kapatid si Papa na tumutulong sa akin. Sina Tito Francis ang panganay na kapatid ni Papa, si Tito Edgar ang sunod at Si Auntie Elsie. Si Papa ang bunso sa apat.

Babad ako sa pag-aaral sa Library para makabawi sa Major ko. Nahihilo na ako kakasolve ng mga problems sa libro, sana talaga makatulong ito at hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin para hindi manganib sa subject na to. Balita ko pa naman maliit daw mamigay ng grades yung prof namin neto.

Di ko talaga kaya. Break na nga lang muna.

Kinuha ko ang phone ko at nakikabit ng WiFi sa Library. Sana talaga hindi lang puro cellphone magawa ko dito. Biglang nag Notif yong groupchat namin magpipinsan. Sunod-sunod ang ingay buti at nahinaan ko agad baka mapalabas ako dito.

Tricia: @Ashleeee anong plano next week?

Si Patricia or Tricia ay isa sa mga pinsan kong anak ni Auntie Elsie. Close kaming dalawa dahil parehong babae at magkalapit lang din ang edad. May dalawa siyang nakakatandang kapatid sina Kuya Patrick at Kuya Paolo.

Ang tatlo ay para ko ng mga kapatid simula ng tumira ako kina Auntie Elsie. Hindi ko kailan man nadama na iba ang trato nila sa akin bagkos tinuring nila ako bilang parte ng kanilang pamilya. Lalo na sila Kuya Pat at Pao, kung gaano sila ka strikto at protective kay Tricia dahil bunso ay gan'on din ka higpit sa akin.

Arthur: Inuman na yan!

Paolo: Na naman?

Paolo: Sige! Grey Label ulit? Basta ba tayo kasama ng mga batang to gumala.

Justine: Tamo tong Si Pao magrereklamo pero G naman pala.

Anthony: Kayo ba tinatanong? Si Lee di ba...

Arthur: Aba Toni lakas ng loob mong mangbara ha.

Paolo: Matapang ka lang dito sa chat kasi di ka masasapak.

Justine: Matapang? Si Anthony? Nako bro sino nagsabi? Di nya nga ata ma chat yong chick nung isang gabi.

Paolo: Hindi nya ma chat pero, tawagan lakas ng loob.

Paolo: Drunk call naman amp.

Tricia: Sinong bata kuya? Wala ng bata sa pamilya natin. Pero kung hindi kayo gaano kagaling at malay nating may tinatago na pala kayong bata.

Arthur: Wag kang epal Tricia.

Tricia: Sino iinom? Si Ashlee? Sure kayo?

Mau: Sure ba talaga kayo dyan? Baka nakalimutan nyo na yung kabulastugan nyong ginawa last Friday? Kasi sila Papa at Tito hindi pa ata.

Tricia: May di pa nababalik na mga susi tandaan nyo. Hahahaha

Bakit nagkakagulo tong mga to? Tungkol ba sa gala nila last Friday na nauwi sa sapakan ang pinag-uusapan nila? Buti na lang at hindi ako sumama n'on, nakaiwas sa sakit ng ulo. Kahit na hindi pa ako legal at bawal pang uminom minsan napupuslit ako ng mga pinsan kong lalaki.

Sino bang makakahindi sa mga 'yon. Kilalang mga tambay sa mga mga sikat na pweding pag-inoman ang mga 'yon.

Kahit nakakapunta sa mga bar na yan hindi rin naman ako umiinom kaya minsan sa madalas kapag nahihila nila sa mga gala, ako pa nagbabantay sa mga pinsan kong mas nakakatanda s'akin dahil ako na lang ang walang alak sa katawan.

Teka nga, Ano ba talagang meron?

Ashleeeee: @Tricia ano ba meron next week?

Tricia: For real couz?

Nagsend sya ng shock emoji... sunod-sunod ding nag send yung mga pinsan kong lalaki ng mga GIF na hindi makapaniwala at overreacting memes.

Ashleeeee: Seryoso ano nga kasi?

Justine: Siguro naman Te Mau nakalimutan na ni Daddy yong nagyari. Ito ngang isa napaka importanteng bagay nakalimutan eh.

Arthur: Baka nakalimutan na nga ni Dad na nasa kanya pa yong susi.

Paolo: Si mama rin nakalimot ata at nagpapasundo.

Ashleeee: Asa kayong nakalimot na sila Tito. Limang araw pa lang kaya.

Tricia: Ewan ko sa'yo couz. Asan ba utak mo these days?

Ashleeeee: Ewan ko din kong asaan... Kadalasan kasing lumilipad lalo na during Major! HAHAHAHA

Tricia: Kausapin mo yang pinsan mo @Anthony.

Arthur: Ang hopeless grabi!

Justine: Sabihin mo lutang!

Ashleeeee: Ako ba tinutukoy nyong hopeless at lutang?

Paolo: Sayo mismo galing yan ha.

Ang labo talaga ng mga 'to. Kaya nga nagtatanong di ba kasi di ko alam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Fleeting RideWhere stories live. Discover now