Simula

11 0 0
                                    

"Stay right." Paalala ko sa sarili habang pasakay ng escalator papunta sa susunod na palapag ng Mall.

Hilo pa sa byahe at feeling ko'y naiwan ang aking kaluluwa sa daanan o mas tamang sabihing sa himpapawid at kailangan pang hintayin para maging maayos ang pakiramdam ko.

Mas mainam nang nasa tamang pwesto ako naka tayo baka may mag sungit pa at sabihing nakaharang ako. Madami pa namang tao ngayon dahil Linggo at wala ako sa mood dahil pagod pa sa byahe.

Imbes diretso na sa binook na Hotel ng kompanya namin para makapagpahinga at makakain, ito at kasalukuyan kaming naghahanap ng makakainan ng mga kasama ko dahil nagka problema at sabi'y nasiraan ang dapat susundo sa amin sa airport na service ng hotel. Dahil gutom na kami at medyo malayo pa ang hotel napagdesisyonang pumuslit na lang muna pa-mall para makakain.

"Seafood na lang kaya tayo." Pahayag ni Anne. Isa sa mga kasama ko na nasa pinakaharap namin.

"Pwedi rin. Sawa na ko sa pork at for sure ayaw mag chicken nitong si Lee." Sagot naman ni Lyle. Ang dalawa ang kasama ko sa fieldwork ngayon.

Hindi na ako sumagot dahil tama naman si Lyle.

Mas alam niya ang gusto at ayaw kong pagkain. Kami kasi ang madalas magkasama sa mga ganitong fieldwork dahil pareho kaming nasa iisang team sa office.

Ito namang si Anne ay nasama lang ngayon dahil nagka emergency si Florence na siyang dapat 'andito.

Medyo pamilyar na din sa amin ang lugar, sa ilang beses na rin namin dito dahil sa trabaho. Pero mas pamilyar sa akin ang syudad dahil dalawang oras lang naman ang layo nang kinalakihan kong lungsod mula dito.

Higit pa doon, ilang taon din akong pa gala-gala dito. Tama bang gala ang tawag?

Kaya ayaw ko kapag dito yung field namin eh. Naaalala ko yung mga gala ko dito dati. Kahit anong gawin kong pag-iwas, kapag wala na talagang ibang bakante talagang napipilitan na rin akong tanggapin. Kung pwedi lang tangihan kaso baka masisante pa ako nang wala sa oras.

It feels nostalgic every damn time. The city reminds me of my foolish younger self.

Pinapaalala sa akin ang mga samo't-saring alaala. Masasabi kong mas marami doon ang masasaya pero mas higit na nangingibabaw ang mga bagay na pinipilit kong binabaon sa limot. Paano ko wawalain sa isipan eh 'yon lang ata palagi ang tumatakbo sa utak ko.

Pinapaalala ang mga masasaya at hindi gaano kagandang alaala. Mga desisyong pilit ko pa ding pinapanindigan. Mga pangako na sa pagkapako lang nauwi. Pati mga pangarap na binuo na ako na lang mag-isang tumutupad.

Pero sa ngayon mas gusto ko munang talagang makahanap na kami ng makakainan kaysa alalahanin ang ka sentihan ko sa buhay na sinisigaw ng lugar kung saan ako ngayon, para na rin makapagpahinga at mailapag man lang ang mga gamit naming dala.

Madalas, tatlo kaming magkasama sa mga trabahong gaya nito at nasa tatlo hanggang limang araw naman kami nagtatagal. Gaya ngayon limang araw din kami dito, pero mag e-extend pa ata ako ng mga dalawang araw para makabisita man lang kila Auntie Elsie, kapatid ng papa ko na aking kinalakihan, o di kaya'y baka ako na lang din ang puntahan ng mga pinsan ko dito para makapagkita din kami kahit paano.

Kaya medyo mabigat tong mga dala ko. Isang backpack at isang carry-on bag na puro damit ang laman at may sling bag pa para naman sa mga importante gamit gaya ng wallet at cellphone.

Nakapagpaalam na rin naman ako sa surpervisor ko. Friday naman ang huling araw dapat namin dito. Mauunang uuwi sina Lyle at Anne at sa sususnod na Linggo naman ako para balik office na din sa Lunes.

Medyo nangangawit na ang mga braso ko pero kunting tiis pa isang palapag na lang. Mararating na din namin ang hanay ng mga kainan sa Mall na ito.

Pagkain ang nasa isip ko habang nasa kalagitnaan ng escalator nang pag lingon ko sa may kanang bahagi ay may pamilyar na tao akong nakita sa loob ng isang kilalang store na nagbebenta ng mga kagamitang pang outdoor sports.

May tinitingnan siyang parang gamit pang hiking.

Agad akong napayuko. Kapag sinuswerte ka nga naman. Kakasabi ko lang na ayaw kong alalahanin pero ito...

Dali-dali akong umusad paalis ng escalator para sundan sila Lyle at Anne na nagmamadali maglakad para makapunta sa susunod na palapag.

Ilang taon na nga ba? Medyo tumangkad s'ya at mas lalong lumaki pa ang pangangatawan. Maikli na din ang buhok n'ya, clean cut. Bumagay sa kanya o baka nasanay lang siguro akong mas mahaba sa ayos niya ngayon ang buhok n'ya noon.

Kahit naka simpleng kulay blue na polo shirt, maong pants at sapatos, pormal pa rin ang dating n'ya. Sa tindig pa lang nagsusumigaw na ito nang awtoridad na may halong pagka strikto dahil na din sa magkasalubong na medyo makapal na kilay at talaga naman kapansin-pansin kahit sa malayo.

Awtoridad? Pero siguro kahit anong paninindigan at sariling prinsipyo meron ang isang tao, dadating at dadating ang araw na yuyumukod ito para hayaan ang mga bagay na lumugar nang kusa sa sarili nitong kakalagyan.

He looks really well. Siguro talagang maayos na naaalagaan. Alam ko namang magiging maayos s'ya, na kahit anong nangyari makakaya n'ya.

Pero ako, hindi ko pa alam kong naka ahon na ba ako. Kaya kahit ilang taon na ang nakalipas kung pwedi sanang wag pa muna niya akong makita. Mas mainam iyon para sa akin.

"Wag kang lumingon." Saad ko sa sarili.

"Lord! Please not today." Hindi pa nga nakakarating kaluluwa ko sa byahe pero ito at mukang kailangan n'ya pang tumalon dahil sa kaba ko.

Pero pagbalik ng tingin ko, nakatingin na rin siya sa akin. Natigilan ako pero agad ding iniwas paalis ang mga mata sa kanya.

"Shit!"

For sure ang haggard ko tingnan. Bakit nga ba hindi man lang kami dumaan ng CR para makapag ayos man lang bago rumampa paakyat ng kainan.

Halo-halo ang nararamdaman ko na nakita n'ya ako ngayon. Masaya na hindi, magiging impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako nasayahan na nakita s'ya pero hindi dapat ako maging masaya na makita sya.

Kinakabahan at excited?

Talaga Ashlee Edilaine excited ka? Kumalma ka girl, wag kang tanga.

Pero mas nangingibabaw pa din ang kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin. Medyo nagpanic ako at naglakad na lang nang diretso at sumunod sa mga kasama ko papunta sa may paanan ng susunod na escalator.

Akala ko sa bingit lang ng kamatayan ng isang tao, n'ya makikita sa napaka bilis na paraan ang lahat ng mga nangyari sa buhay n'ya. Na mismong siya hindi alam kong paano 'yon naging possible.

Pero mali pala ako, ito at buhay na buhay ang diwa ko at kasabay nang malakas na pintig ng puso binalik tanaw ng sarili kong utak ang mga nangyari.

Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong sigundo lang. Tatlong sigundong pagtatagpo ng aming tingin. Tatlong sigundong pakiwari ko'y kay tagal per okay bilis din, at bumalik lahat. Sa tatlong sigundo lang pilit pinaalala sa akin ang mga bagay na matagal ko nang gusto ibaon sa limot.

Bigla mas gusto kumawala nito sa likurang bahagi ng isipan ko kung saan ko sila sapilitang nilagay. Biglang pinagsisigawan ang mga bagay na pinipigilan kong marinig sa kaloob-looban ng aking isipan.

A Fleeting RideWhere stories live. Discover now