Chapter Twenty Three -- I'm your missing piece

12.7K 123 13
                                    

HAPPY HEARTS DAY sa mga readers ng IN SEARCH!!! kayo ba na-search nyo na mga dates nyo??? pwes ako.... HINDI pa rin... hahaha!!! kaya magbasa na lang kayo, magCOMMENT at magVOTE.... hehehe.... ^^

saya saya ko alam niyo ba yun?! kasi madami na palang nagbabasa nito and i'm so proud!!! you are all part of it... SALAMAT!!! ^^

TULOY NIYO LANG ANG PAG FAN, PAG VOTE, AT PAG COMMENT.... HAPPY HEARTS DAY ULET.... ^^

________________________________________________________________________________

Yung pagtingin ba sakin ni Jared ay tulad ba o higit pa sa pagtingin ko sa kanya?

CHAPTER 23

 

 

Kinuha ko naman agad sa kanya si piglet tapos hinatak ko na siya para makatayo. Napalakas naman yung hatak ko sa kanya kaya nung mapapayakap na siya sakin, naharangan naman ni piglet pero nauntog pa rin yung noo ko sa chest nya. Lalo naman tumindi yung hiyawan nun nang mga tao. Nakakahiya talaga. Public place yun!

Pareho na kaming nakayuko nun. Tapos hinatak ko na siya palabas. Di ko na kaya pang mag-stay dun kahit isang segundo pa. Lumingon naman ulit siya sa mga tao sabay sabing… “Thanks!” Bakit?

JARED’s POV

Umalis na si Anne para bumili ng token. Ako naman, kabado. I want this last token to be memorable. Nagpabili lang ako sa kanya para makaalis siya. Sa totoo lang kasi di ako maka-pagconcentrate if she’s there watching. Pressured nga siguro ako. ^^ Ako lang naman kasi ang nagbibigay ng pressure sa sarili ko eh. I am considering this as my first gift for her kapag nakuha ko yun. Kaya napalakas ata yung pagkasabi ko nun nang, “Anne! This is for you!.” Meron namang isang group ng mga babae dun na nagsabi pa in chorus ng ‘How sweet naman…’

“Yeah, I’m courting her. And this is my chance to prove it to her para sagutin na nya ako.” Ewan ko ba. Bigla ko na lang nasabi yun. May mga nagreact naman ng ‘aiyeee’ meron din naman akong narinig na nagsabi, ‘Sayang girl! May nililigawan na pala.’ Tsk.. natawa naman ako dun. Di ko alam na ganun na pala karami yung nakapalibot sakin. Is this some sort of a reality show? Ayos lang naman sakin yun. Para lalong lumakas fighting spirit ko para hindi ako kabahan. More supporters, less nervousness. Para sakin.

Ininsert ko na nga yung token at pagkapress ko ng button, nag-start na yung timer. 1 minute lang to. 20 seconds had passed pero di ko pa rin ma-i-center kay piglet yung crane. Chini-cheer na ko ng mga tao doon. Nung na-feel ko na nasa right spot na, last 5 seconds na lang kaya pinindot ko agad yung button para bumaba yung crane at kunin na yung toy. ‘Please let me have this one. Please…’

Hindi sumakto sa ulo yung pagkuha kay piglet. Akala ko nga hindi na makukuha but good thing mejo sumabit siya sa excess thread sa may tainga ni piglet kaya ayun…

“Yeah!!!” Napasigaw ako sa tuwa. My effort has been paid off. Nagpalakpakan naman yung mga tao. Akala mo naman kung anong gameshow ang pinapanood nila at sobra silang nakiramay sa victory ng nanalo.

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesWhere stories live. Discover now