Chapter 26

65 7 40
                                    



Natapos na ang unang tatlong ramp sa line up ko nung nakaraan at laking tuwa ko sa dami ng magagandang feedbacks doon.

Ngayon ang unang araw kong papasok sa aking bagong paaralan. Ganap na nga akong college!

Patuloy parin akong nag aadjust dito sa Maynila dahil hindi parin ako masyadong maalam sa mga pasikot sikot sa syudad nato.

"Hi, Good morning everyone. I'm Jazz Love Mei, just call me Jazz. I don't live to expectations, therefore, I do not expect anything." Yumuko ako saka umupo.

Iilan lang sa mga prof namin ang pumasok para mag klase ang ilan ay may mga habilin lang at nagpakilala saka aalis agad.

"Momitaaa!" Salubong ko sa kaniya pag dating sa Ramp Empire.

Pumunta ako dito para personal na ipakita ang official schedule ko na kanina ko lang rin nakuha. Makakipag usap ako sa kaniya sa magiging schedule ko ngayong kahit sabado ay may klase ako.

"Masaya naman ako at ipagpapatuloy mo ang pag aaral pero halos wala ka namang libreng araw dito."

Napanguso ako sa sinabi ni Momita dahil totoo iyon. May klase ako nang umaga hanggang gabi, mon-sat pa. May mga break ako na tig dadalawang oras pero trenta minutos na ang biyahe mula school pa Ramp Empire kaya hindi ko alam ang magiging set up ko.

"Titingnan ko nalang ulit to mamaya at titingnan ko ang magiging set up mo."

Nang matapos ang pag uusap namin ay umuwi na rin ako. Tiningnan ko ang schedule ko at susubukan kong ayusin toh.

Matapos kong himay himayin ang mga gagawin ko ay nag desisyun akong matutulog ako pag sapit ng 9pm at gigisang ng 5am.

Ininit ko nalang ang natira kong ulam sa microwave at saka nag saing para makakain na ako.

Tumunog na ang alarm ko ngayong umaga, pinatay ko na ito at humirit pa ng tulog dahil inaantok pa ako.

Pagkaraan ng limang minutos ay tumunog ulit ito kaya wala na akong choice kundi ang bumangon.

Nag unat muna ako ng katawan saka inayos ang aking kama. Pumasok ako sa cr para mag sepilyo at mag hilamos.

Uminom ako ng tubig sa kusina saka nag bihis ng pang work out ko.

Nag simula akong mag high knee para sa cardio ko. Pagkatapos ng mga standing exercises ko ay inayos ko na ang mat ko para sa sitting and laying exercises.

Hinihingal parin ako ng matapos kahit nakapag cool down na. Nag luto ako ng oatmeal para sa magiging breakfast ko.

Nang matapos akong kumain ay naligo na ako dahil papasok na ako sa eskwela.

Lunch break na namin ngayon at isang linggo na akong pumapasok sa aking bagong unibersidad, isang linggo ko na ring napapansin ang babaeng laging walang kasabay kung kumain.

Bumili na ako ng lunch ko sa 'Thai Guy' na food stall, ang paborito kong stall dito sa Cafeteria.

Dinala ko ang tray ko na may lamang pagkain
at detox water sa dulo ng mga mesa kung saan may babaeng tahimik na naka upo.

Nilapag ko ang tray at umupo sa harap niya nang hindi nagpapaalam.

Tumingin siya sakin sak binaba sa tray ko at binalik sa akin ang tingin niya.

Kinuha niya ang bag niya at umaktong aalis kaya agad ko siyang pinigilan.

"Wag ka munang umalis, gusto ko lang naman makipagkaibigan, pansin ko kasing lagi kang mag isa eh."

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendWhere stories live. Discover now