One

16.8K 731 204
                                    

MISSY

                 

Nagising ako na masakit na masakit ang ulo ko. Tila ba kahit na dapat ay hindi ko dama ang pag-ikot ng mundo, ay nararamdaman ko na sa mga oras na ito.

                      

Tumayo ako para maghilamos. Wala akong pakialam sa sarili ko. Ang pinagtatakhan ko lang, deretso at patag naman ang daan, pero bakit ang paglalakad ko... hindi?

    

Bigla kong na-realize na hindi pamilyar sa akin ang lugar kaya't napalingon ako sa kama napinanggalingan ko at nakita ko si Hudsen na malalim ang tulog.

       

Doon ako napalingon sa hinihigaan ko kanina at nakita ko ang pulang likido na marka na naibigay ko na pala kay Hudsen ang iningatan ko nang matagal na panahon.

           

"You're awake?" I heard a bedroom voice. Nakita ko si Hudsen na pupungas-pungas na nakatingin sa akin.

    

Bigla yata akong tinamaan ng hiya dahil sa itsura ko. Wala akong kahit anong saplot sa katawan, puchakan!

    

"A–Ahh... Hehehehe...." saka ako biglang tumakbo pabalik ng kama saka nagtalukbong ng kumot. Masakit ang gitna ko ngunit mas nananaig talaga ang kahihiyan ko sa mga oras na 'to.

              

Nilingon ko siya at nakita kong kunot ang noo niyang nakatitig sa akin. "I'll get dress. Duty ko ngayon," aniya at napatango na lamang ako.

           

Tumayo siya at muling bumungad sa akin ang puchakan niyang katawan na ngayon ko lamang napagtanto na nakakapaglaway naman pala talaga.

                     

Naramdaman niya yatang nakatitig ako sa kaniya dahil bigla siyang lumingon muli sa akin at nginisihan ako. "We can have our round two, instead of you just staring at me," mahinang wika niya pero sapat na upang yanigin ang pagkatao ko.

    

"M–Masakit pa," utal na wika ko at muli ay sumilay ang nakakalokong ngisi mula sa mga labi niya.

            

"Fine," aniya at nagtuloy na sa pagpasok sa banyo.

           

Iniikot ko ang mga mata ko sa paligid at nakita o ang mga saplot ko na nakakalat sa sahig. May pagka-wild rin talaga 'tong si Hudsen. Kiber na kung siya ang naka una sa akin, basta importante malalahian ako ng gaya niya.

                

Maganda ang silid. Masasabi mo talagang pang mayaman. May mga litrato si Hudsen nang bata pa siya kasama ang pamilya niya rito sa bedside table.

        

Tumayo ako at kinuha ang mga damit ko saka ko sila isa-isang isinuot. I never imagined before na sa isang kakilala ko pa talaga ako bibigay at magpapalahi. HIndi naman ako matandang matrona. I'm only 28.

                   

"Sabay na ba tayo?" nagulat ako sa tinig na iyon. Tapos na pala siyang maligo. Ang tagal ko pala talagang tumanga-tanga.

              

"Uuwi na muna ako—"

          

Instances and Chances (Freezell #10.5) [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن