EPILOGUE

20K 944 144
                                    

HUDSEN

     

I'm looking at my wife and daughter—and I felt the real meaning of contentment. We're not perfect and yet we learned to accept each other's imperfection.

         

"Hindi ka ba lalangoy?" tanong sa akin ni Missy. Kakabalik niya sa cottage. Mukhang ibinilin niya ang anak namin sa mga kapatid niya.

                      

"I will," tipid na sagot ko sa kaniya.

                  

"Sige pala—"

              

"Kung ikaw ang sisisirin ko," seryosong dagdag ko at nakita ko ang unti-unting pamumula ng mukha niya. Mukhang hindi niya inaasahan iyon.

     

"Jusko, Hudsen!" singhal niya sa akin na ikinangisi ko. Tatlong buwan na rin kaming kasal pero hindi pa rin siya nasasanay sa mga ganitong tirada ko. She's still the virgin Missy in my eyes. She's just too pure.

                 

Nawala siya sa paningin ko dahil siguro sa hiya. I must be so lucky so have her as my wife kahit pa may sapilitan na naganap sa pagitan namin. Importante ay buo na kami.

                       

*****
              

Wala na akong sinayang na sandali pa nang hindi ko mahanap at makontak si Missy. Agad akong tumungo sa opisina ni Chief at kinompronta siya.

                      

"What are you doing here?" tanong niya sa akin sa blangkong tono.

                 

"You have something to do with her disappearance and I am pretty sure that—"

                     

"Be sure of yourself first, Hudsen. Maging sigurado ka muna sa sarili mo bago mo 'ko hanapan ng nawawala," sagot niya sa akin at sa oras na iyon agad kong napagtanto na wala akong mahihita sa kaniya.

                

Lumabas ako ng opisina niya na bigo sa impormasyon na nais ko sanang makuha. Palabas na ako ng Phyrric nang tumunog ang telepono ko.

             

"Hello, Hudsen?" tinig iyon ni Venice.

         

"Pabalik na ako ng ospital, you don't have to call me," walang emosyon na sagot ko sa kaniya saka ko pinatay amg tawag. Hindi ko alam pero wala na akong makapa kahit pa konting pagmamahal sa kaniya. Pakiramdam ko ubos na lahat at naibuhos ko na kay Missy.

                  

I am a fucking playboy, pero tumino ako kay Venice. Ang naging problema lang namin, inakala niyang dahil minahal ko siya ay patuloy akong magiging tanga sa mga ginagawa niya. She's a model, tinanggap ko 'yon. Ang hindi ko matanggap ay ang pakikipaglandian niya sa ibang model kahit pa sinagot na niya ako. Lahat iyon nilunok ko dahil mahal mo siya, ngunit nang matauhan ako, ako na mismo ang sumuko sa aming dalawa.
                    
       

Nakarating ako sa ospital at naabutan ko siyang nakahiga lamang habang nakahawak sa tiyan niya.

                            

Instances and Chances (Freezell #10.5) [Completed]Where stories live. Discover now