CHAPTER 29: Magic

98 27 5
                                    

"H-ha?" 

Sobrang lutang ko na ba sa pagtitig sa features niya at hindi ko namalayan na nakatingin na rin pala siya sa akin.

Pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko sa kahihiyan. Mabuti nalang at gabi na kaya hindi niya makikita. Kundi ay baka hindi na ako maghihintay pa na lamunin ako ng lupa at magpakain na mismo sa sarili ko.

Nakatingin siya sa akin at nakangisi, para bang nahuli niya ako sa isang nakahihiyang akto. Well, nahuli niya nga akong nakatitig sa kanya kaya nakakahiya.

Pinilit kong magsalita ng tuwid pero parang binara na naman ang lalamunan ko kaya nautal ko. Shet, anong ipapalusot ko? Huling-huli na ako sa akto.

Ano ba kasing pumasok sa isip mo, Nashy? Bakit mo pa siya hinanap?

Para gusto kong magpalamon sa lupa. Nakatingin siya sa akin habang ang mga barahang kanina'y pinaglalaruan niya ay tumigil sa ere. 

"Why are you here?" Biglang naglaho ang mga baraha nang bigla itong hinawi ni Spades. Napaatras ako saka napalunok ng bigla siyang lumakad papalapit sa akin, ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng jeans niya. Parang gusto kong tumakbo pero ayaw ng paa ko.

Hala, anong gagawin ko?

Paatras ng paatras lang ako habang siya ay papalapit ng papalapit sa'kin. Napaigik ako dahil dumampi ang likod ko sa isang puno. 

"Pota." Napamura ako. Saan na ako pupunta ngayon? Ang lapit na ni Spades sa'kin.

Nasa harapan ko na siya ngayon. Nasa bulsa parin ang mga kamay niya. Hindi siya masyadong malapit sa akin pero hindi yun sapat para tumigil ang puso ko sa kakatibok ng mabilis.

"Want to see magic?"

Napaangat ako ng tingin. "H-huh?" Naguguluhang tanong ko.

Nahuli ko ang pagngisi niya na napatigil sa paghinga ko. Mas lalong hindi ako makakahinga ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. 

Tangina, tangina talaga!

Napapikit ako ng mariin ng biglang ikinawit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Ayaw kong dumilat kasi baka mapatili ako ng wala sa oras. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa mukha. Depota, Spades anong gagawin mo?!

"Open your eyes, Nashy." 

Ayaw ko sanang dumilat pero kusang dumilat ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang isang kulay ubeng rosas. Napatingin ako kay Spades na seryosong nakatingin sa akin, pero ang emosyon sa mata niya ay naglalaro.

Magic yan? Baka pinitas niya lang iyan sa likod ko.

"Look closely." Sabi niya.

Nakasandal parin ako sa puno. Sa sobrang lapit niya parang gusto ko nalang pumasok sa puno. Tinitigan ko ang rosas na hawak-hawak niya.

Bigla niyang tinakpan ang rosas. Lumaki ang mata ko dahil bigla iyon naging paru-paro. Lumipad ito sa kalawakan, ang mga pakpak nito ay umiilaw. Sabay naming pinagmasdan iyon habang lumilipad iyon papalayo.

"Wow." Mahinang sambit ko. Totoo ngang magagaling sila sa magic. Si Clover ba kaya rin 'yang gawin?

"Hey." Napalingon ako kay Spades nang bigla na naman siyang magsalita. Medyo distansya na siya sa akin ngayon pero hindi sapat iyon para tumigil ang kanina ko pang nararamdamang karera sa dibdib ko.

"A-ano?" Tanong ko sa kanya. 

"What happened to you a while ago?" Tanong niya na puno ng pagtataka sa boses niya. Kahit ganun, nanatili parin malamig ang boses niya.

Napalunok ako at saka tinignan ang kalangitan, para akong tumitingin sa galaxy. "H-hindi ko alam. B-basta may mga imaheng pinakita ang isipan ko, tapos hindi ko na alam ang nangyari." Sabi ko saka tinignan siya ulit.

Kumunot ang noo niya. Tila ay parang nag-iisip siya sa posibleng nangyari. Nanatili siyang nakatitig sa akin at ang mga mata niya ay nagtatanong. "Images, huh?" Sabi niya.

Natutop ang bibig ko. Ang lalim kasi ng titig niya sa akin. Parang hinahalughog niya ang mga mata ko, tulad ng ginawa ni Headmistress.

Hindi ko maiwasang mapatitig na rin sa mga mata niya. Nakakaakit ang kulay brown na mga mata niya. Parang sinasabing tignan ko lang iyon buong magdamag.

Hindi ko alam kung ilang minuto kami nagkatitigan pero nabalik ako sa huwisyo ng may biglang sumigaw.

"Ang pumikit talo!"

Napalingon ako sa bandang kanan ng makita ko roon si Langit, Mary, Irra at Shadow na tinitignan kami. Ngiting aso sina Langit at Mary. Si Shadow ay nakangisi habang si Irra ay walang emosyon ang itsura.

Napaatras na naman ako.

Napaiwas ako ng tingin ng biglang magsitawanan si Langit pati si Mary. Halata namang nang-aasar sila sa mga tawa palang nila. Tuwang-tuwa nga sila, eh.

Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko, mukha siguro akong kamatis. 

"Matutulog na daw, bukas na kayo magharutan." Asar na saad ni Langit. Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero humalakhak lang siya habang tinatahak pabalik ang pwesto namin.

Hindi na ako nag-aksayang lingunin pa si Spades at dali-dali na akong bumalik sa pwesto namin. Ni hindi ko na nga natignan sina Mary dahil ramdam ko na yung init ng mukha ko. Letse! Bakit kailangang yun pa ang maabutan nila? Nakakahiya!

Sa sobrang lutang ko hindi ko namalayang nalampasan ko na pala ang pwesto namin. Kung hindi pa sumigaw si Xymon ay hindi siguro mawawala na ako dahil sa kalutangan ko.

"Si Nashy lutang!" Asar ulit sa akin si Langit. Feeling ko nga any moment from now mahihimatay na 'to kakatawa, sumabay pa sa tawa niya ang tawa ni Mary at Xymon. Napailing-iling naman si Shadow pero yung ngisi niya sa akin nang-aasar rin.

Bwisit! Bwisit!

"Oy, Nashy! Nandyan na si Spades!"

Biglang napuno ang buong lugar ng hiyawan nina Mary at Langit dahil sa saad ni Xymon. Sina Ciana at Clover halatang hindi alam ang nangyayari dahil kunot ang noo nila. Mas lalo namang lumaki ang ngisi ni Shadow habang si Irra ay walang pakialam.

Ginulo ko ang buhok ko sa kahihiyan. Tangina, lupa lamunin mo na ako.

Rinig ko pa naman ang pamilyar na yapak sa likod ko at yung pamilyar na bango na naaamoy ko. Napakagat ako ng labi habang nakayuko. Kilala ko yung amoy na 'yun.

"Pagpatuloy niyo na yung staring contest niyo, yiee." Asar ulit ni Mary sa amin. 

Ako ay nanatili lang nakatayo habang hinihintay ang paglamon ng lupa sa akin kahit alam kong imposibleng mangyari iyon.

"What the hell? The trees are also shrieking. Cringe." Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong napatakip si Irra ng tenga habang nakangiwi ang mga labi na mas lalo nagpahalakhak kay Langit.

"Tignan mo 'yun! Pati pala puno kinikilig rin." Saad niya habang tumatawa.

Gusto ko na talagang magtago sa kahihiyan. Iba rin talaga mang-asar ang tadhana. Akalain mong nanonood pala sila sa titigan naming dalawa.

Nakakahiya talaga....

Kung kani-kanina lang ay sobrang ingay nila at naghihiyawan, nagulat ako dahil biglang tumahimik ang paligid. Tanging tunog lang ng apoy ang naririnig ko at ang sariwang hangin.

Nagulat ako dahil may isang pares ng braso ang umakbay sa akin. Nawala ang ngiti nina Mary, Langit at Xymon maging kay Spades. Ako naman ay nanatiling nakatayo at hindi makagalaw.

Hindi ako makahinga dahil nalalanghap ko ang amoy niya mula sa gilid ko.

"Can you please stop shipping Nashy with my twin? It's very annoying."





A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now