CHAPTER 34: Trip to Wizard City

83 18 0
                                    

"Sa lahat pa ng pupuntahan natin, bakit sa Wizard City pa?"

Narinig ko ang pagrereklamo ni Langit habang papunta kaming dorm para mag-impake. Hindi na kami binigyan ng pagkakataon ni Headmistress para magpahinga dahil ang sabi niya sa amin ngayong araw ay dapat makaalis na kami at paparoon na sa Wizard City.

"Ano ba ang Wizard City?" Curious kong tanong sa kanila. Ang mga girls ang kasama ko ngayon dahil ang mga boys ay humiwalay na sa amin at pumunta na sa dorm nila.

"Do you really want to know?" Tanong ni Ciana sa akin.

Rinig ko ang pagtikhim ni Irra na tila ba natatawa na ikinakunot ng noo ko. "Tell it to her, Ciana. Para naman hindi na siya magmukhang tanga rito sa Majestia."

Napaubo ako sa sinabi ni Irra bago napataas ng kilay. Nakita ko pa ang pagsiko sa kanya ni Mary para manahimik lang.

E'di ikaw na ang matalino.

"Nashy, ang Wizard City ay ang lugar ng mga witches, wizards, sorcerers and sorceress."

Napaawang ang labi ko sa pagpapakilala ni Langit sa City na iyon. Witches? Di'ba masasama iyon?

"Nakalocate 'to sa gitna ng First Empire at Fourth Empire. Sila yung mga immortals na marunong gumawa ng potions, ng spells, at ng iba pang pwede gamitin rito sa Majestia. Ayaw lang namin doon dahil ayaw nila sa mga dayuhan. Kumbaga, pag pumasok ka roon maaari kang mapagtripan ng mga spells or what."

Biglang parang tumunog ang pangalan na Wizard City sa isipan ko. Nakarating na ba ako doon dati? Napakapamilyar ng lugar na iyon kahit hindi ko pa nakikita.

Nauna nang pumasok sa mga dorm sina Irra kaya ako ang panghuling pumasok sa kwarto ko. Sabi ni Headmistress ay kailangan raw naming magdala ng maraming damit dahil matatagalan raw kami roon. Kinakabahan na ako sa maaaring ipataw na parusa sa amin.

Napaisip-isip rin ako. Ano naman ang ipaparusa sa amin? Malaki ang violence na nagawa namin lalo na ako, alam kong malaking parusa 'yun. Kaya kinakabahan ako, eh.

Mamayang gabi ay magsisimula na kaming maglakbay. Sa gitna ng gubat meron raw duong portal para dumiretso kami sa Wizard City na hindi na maglalakbay pa.

Napabagsak ako sa kama ko matapos mag-ayos. Bigla ko naramdaman lahat ng pagod na naipon simula nang tumakas ako, idagdag mo pa ang paghaharap namin sa mga rebels at ang pagtawag ni Headmistress sa amin.

Nag-iisip lamang ako ng mga bagay-bagay nang biglang bumigat ang talukap ng mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Tumakbo ka na sa may portal."

"Wag kang papahuli."

"Bilisan mo ang pagtakbo, Nashy."

"Nashy, tumakbo ka na!"

"Nashy, pumasok ka na sa portal!"

Humahangos akong bumangon sa kinahihigaan ko at pawisan. Ayan na naman, yung panaginip kong hindi maalis-alis sa isipan ko. Kakaiba ang scenario sa panaginip ko. Madilim lang, pero ibang boses ang naririnig ko. Boses bata. Alam kong hindi si Clover 'yun pero pamilyar ang boses niya.

Sino ka?

Napatingin ako sa pintuan nang sunod-sunod na katok ang narinig ko mula roon. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit roon para buksan 'yun.

Bumungad si Langit sa harapan ko na nakasoot ng jacket at simple na pantalon, sa likod nun sina Irra, Ciana, at Mary na halatang inaantok na.

"Oh, ba't di ka pa nakabihis?" Nagtatakan tanong ni Langit sa akin habang tinitignan ang pananamit ko. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize na hindi pa pala ako nakapagbihis.

"Hala, shit. Sandali lang!"

Dali-dali akong tumakbo papasok ulit ng kwarto at nagbihis. Nagsuot ako ng black na hoodie na may tatak na dragon eyes sa harap at nagsuot ng jogging pants at simpleng rubber shoes. Tinali ko na rin ang buhok ko ng pa-bun at hinayaan yung ibang hibla na bumitay sa gilid ng mukha ko sa pagmamadali. Kinuha ko ang bag ko na may mga gamit saka mabilis na lumabas.

Pinagpag ko ang hoodie ko bago tinignan sila na inaantok pa. "Ayan, okay na." Isinukbit ko ang bag sa balikat ko. "Tara?"

Nauna na silang maglakad kaya sumunod na rin ako. "Naghihintay ang mga boys sa entrada ng Academy, nauna na raw sila roon." Ani Irra.

"Hala? Akala ko ang usapan sa field magkikita." Nagtatakang tanong ni Mary.

Kumibit-balikat si Irra. "You know them." Sagot niya nalang.

Ako naman ay tahimik na nakikinig lamang sa pag-uusap nila dahil iniisip ko pa rin ang panaginip ko kanina. Ang alam ko, narinig ko na yung boses na yun pero hindi ko alam kung kanino.

"Care to share your thoughts?"

Napalingon ako kay Ciana na malamig na nakatitig sa akin. Lumunok naman ako bago umiling. "W-wala." Sabi ko at lumakad na ng maayos.

Hanggang sa nakarating kami sa entrada ng Academy. Naroon na sina Spades, Shadow, Xymon at Clover. Kapwa silang nag-uusap habang nakatayo sa may gate.

Dumako ang tingin ni Shadow sa amin kaya napatingin rin sa amin ang ibang mga boys. Tumayo sila ng maayos at nauna na maglakad ang iba kaya sumunod nalang ako.

"Let's wait for Headmistress before we leave." Sabi ni Spades. Biglang dumako ang tingin niya sa akin. Napatingin siya sa akin from head toe bago ako kinindatan.

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ang init tuloy ng paligid. Umiwas lang ako ng tingin at umatras pero pag-atras ko ay may nakabunggo akong kung sino.

Mas mabilis pa sa kabayong lumayo ako at humingi ng tawad. "Sorry po." Ani ko bago hinarap ang nakabunggo ko at nanlamig ang sistema ko ng makitang si Headmistress ang nakabunggo ko. Ganun pa rin ang ekspresyon niya, malamig at nakakatakot.

"Next look at where you're stepping, Ms. Nashy." Aniya at sinulyapan ako ng nakakatakot bago tinignan ang mga Elites.

"I'm giving you one week stay on the Wizard City."

Nanlaki ang mga mata ko. Isang linggo?! Isang linggo kaming mananatili roon?

"Yes." Umayos ako ng tayo nang sumagot siya. Nabasa na naman niya ang iniisip ko.

May ibinigay na parang maliit na bag si Headmistress kay Spades. Yung klase ng bag na nilalagyan ng mga diyamante. Ano kayang laman niyan?

"Once you arrived at the Wizard City, go straight to the Amaionis Temple and look for Master Melagorn. Offer that to him and he knows exactly what to do with a stubborn like the nine of you." Napalunok ako nang sambitin ni Headmistress ang huling sinabi niya. Sa pamamaraan ng pagkakasabi niya nun parang bibitayin na kami.

Tumango lang ang mga Elites bilang pagtugon. Nagpalaam na kamiat kasabay nun ay ang pagbukas ng dambuhalang gate ng Academy, bumungad na naman muli ang gubat sa amin. Malamig at presko ang hangin mula sa labas.

Nauna ng maglakad ang mga Elites papalabas. Susunod na sana ako nang biglang higitin ni Headmistress ang braso ko at tinignan ako, mata sa mata. Bigla akong napalunok.

"Beware, Nashy. Maybe there you'll find something that will answer to all your questions," Aniya na ikinatigil ko.

Mga tanong ko. Masasagot roon ang mga tanong ko?

Saglit akong nakaramdam ng saya dahil duon ay may malaking posibilidad na mahanap ko ang sagot sa mga tanong ko pero bigla muling nagsalita si Headmistress.

"And it can shatter your whole existence." Pagtatapos niya sa sinabi niya bago umangat ang gilid ng labi niya at binitawan na ako.



A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now