008

61 4 0
                                    

Daniel's P.O.V

"Oy!" Pag tawag pansin ko kay justin, na nauna nang lumabas ng school, kita mo tong lalakeng toh sabi niya sabay kami pumasok sa trabaho, tapos ngayon iniwan niya ako, sira ulo ata toh eh

"Aww di ka niya sasabay pauwi? Kala ko sabay daw kayo" sabi bigla ni cherrie habang naka lingkis sa braso ni tommy, si sakura naman ay nauna na samin kanina dahil daw may family meeting daw sila, napatingin naman ako sa harap ko at hindi ko na makita kung saan si justin

"Ewan ko ba dun, atsaka hindi naman sa bahay pa ang deretso namin eh" sabi ko sa kanila at nag gasp naman ang nag jowa, agad ko naman sila inakmaan ng sampal pag tinuloy nila yung binabalak nila at tinakpan na lang nila ang kanilang bibig

"Eh san ba kasi kayo dederetso?" Takang tanong ni tommy, hindi naman sa kinahihiya ko na nag tatrabaho ako, pero you know may something pa rin na nakakahiya, atsaka mayayaman tong mga toh

"Nag part time job kasi ako, tapos kasama ko si justin sa trabaho, kamag anak ata siya nung may ati nung coffee shop" sabi ko sa kanila at napa tango tango naman sila sa akin, kairita tong si justin nag sasabi sabi na sabay kami

"Ahh duon sa coffee shop na yun, napadaan na ako dati duon eh, kaso di ako nakapasok kasi punong puno ng nga babae sa loob at labas may bigla atang promo thingy nung nakaraan" sabi ni tommy at medyo natawa naman ako dahil ako ang may pakana kung bakita may ganun ganun dun sa shop

"Oy sige na mauna na kami at may date pa kami" sabi ni tommy at duneretso na sila sa pag labas ng school, kumaway kaway naman ako sa kanila at nakita ko si cherrie na tumingin sa akin at tinuro ang left side, nag finger heart naman siya sa akin, di ko na lang yun pinansin at dumeretso na palabas, pagka liko ko ay may nabangga akong tao, mag sosorry na sana ako ng nakita kong si justin yun

"Bagal mo, nakipag kwentuhan ka pa sa daanan" sabi ni justin at inirapan ko lang siya, kita mo toh napaka talaga

"Oh bakit andito ka pa? Kala ko nauna ka na" medyo mataray kong sabi sa kaniya at nag lakad palagpas sa kaniya, naramdaman ko naman na sumunod na siya sa akon at bigla na lang niya akong inakbayan

"Bakit wifey, tatampo ka ba kasi akala mo di tayo sabay?" Pang aasara niya sakin at siniko ko lang siya sa tyan niya, napa aray naman siya ng sobra kahit mahina lang naman ang pag kaka siko ko sa kaniya agad naman akong napatigil sa pag lalakad at humarap sa kaniya, dahil sa pag tataka ko ay bigla kong inangat ang kaniyang uniform at nakita na may pasa siya sa tyan, tumingin naman ako sa kaniya at agad siyang umiwas ng tingin at sumipol sipol pa.

May narinig naman akong mga bulungan sa paligid ko kaya napatingin ako dito sa mga toh, umiwas sila ng tingin, at nag taka naman ako kung bakit, at narealize ko na lang kung ano yung ginawa ko, agad ko naman binitawan ang damit ni justin, at namula dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Pero agad ko din yun binaliwala, at tinignan ang kamay ni justin, at tama nga ang hinala ko

"Nakipag rambulan ka na naman noh? Hay nako" nasabi ko na lang sa kaniya at di niya pinansin ang sinabi ko at umakbay sa akin at pinag patuloy namin ang paglalakad

"Justin, hindi ko alam kung close enough na tayo para sabihin ko sayo toh, pero bawas bawasan mo naman ang pakikipag bugbugan mo, hindi porket malakas ka eh susugod ka ng susugod" sabi ko sa kaniya at napatingin siya sa akin at napangiti naman siya sa akin

"Ok po wifey" sabi niya lang sa akin at umakma naman ako na sisikuhin uli siya sa parte na may pasa at hinawakan niya lang ang braso ko para pigilan ito

"Seryosohin mo mga sinasabi ko, atsaka pano na lang kung bigla kkang ambushin ng lahat ng nabugbog mo? Pano kung mag sama sama silang lahat? Hay nako justin" sabi ko sa kaniya at para siyang ewan na napangiti lang lalo, napa irap na lang ako sa kaniya at tumingin na sa daan

My "Oh,so not" Simple storyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora